Sunday, October 19, 2014

THE DARE 3.000002 #EtoNaEndingNa

Bigla namang humagulgol si Myra dahil hindi na nya naabutan si Mathew. Nagbubulungan naman sa malayo ang limang babae kasama sina Boy 1,2,3.

Roda: Awww. Ang drama naman. Ang tagal naman ni Mathew dumating.

Kenny: Eh nakaalis na nga daw yung flight diba?

Roda: I know. Eh wala naman si Mathew dun eh.

Nikki: What do you mean?

Roda: Tingnan nyo. May lumalapit na lalaki kay Myra. Who do you think is that guy? *smile* Isn't that...

All (except for Roda): MATHEW?!

Roda: Hahaha.

Mathew: Go, Bobs. Iyak pa more.

Myra: T-teka, diba umalis ka na?

Mathew: San mo naman napulot yan?

Myra: Sa basurahan siguro. May binigay ka pa ngang letter sa'kin eh.

Mathew: Uy, Bobs. Wag assuming. Di kita sinulatan ng letter no. Sino ba nag-abot sa'yo?

Myra: Si Charles. Nakalagay nga dun na baka di ka na babalik eh.

Mathew: Ang galing nung barkada natin no? Kapani-paniwala lahat. Pati nga yung dare mo eh. Diba ngayon na yung 'deadline'?

Myra: Pano mong nalaman yung dare?

Mathew: Ah eh...ganito kasi yan eh...

<---FLASHBACK<---
Magkakasama ang anim na lalaki....

Joel: Oy, Mat. May gusto ka kay Myra? Ang lagkit-este, iba yung tingin mo sa kanya eh.

Mathew: Panong iba?

Charles: Malagkit. I mean, iba yung kinang ng eyes mo pag tumitingin ka sa kanya.

Mathew: Eh kaso, nahihiya akong sabihin sa kanya eh.

Tom: Kaming bahala.

End op plasbak

Mathew: Humingi yata sila ng tulong sa girls. Tapos, sa likot ng isip ni Roda, yung dare ang resulta. Galit ka ba?

Myra: No. Bilib lang ako sa kanila. Ang talino, tsaka ang galing nilang um-acting na parang walang nangyayaring iba. Pati ikaw.

Mathew: Syempre naman. Tara. Puntahan natin sila.

Myra: Ayun lang pala sila eh.

Roda: Mission accomplished. Your mission, and OUR mission.

Jane: Are you ready to receive your prizes?

Myra: It's okay. Being with Mathew's more than enough.

Roda: Yuck! Ang cheesy!

RC: Bitter!

Joel: Sana, sa'min nalang ni Nikki Babes binigay yung dare. Tsk.

Athena: Hay naku. #Hopia5evs.

Mathew: Mapaglaro talaga ang tadhana. Akalain mong dare pa ang magiging dahilan ng relationship namin.

Lucy: Mapaglaro ang tadhana o si Roda?

Roda: Che! Ako kaya may pinakamalaking contribution dyan sa dare na yan. Duh! I planned all. At ako rin ang may pinakamalaking nagastos.

Tom: Super talk show. Kain na tayo. I'm super hungry na!

<---FLASHBACKS<---
Kinausap ng limang boys ang limang girls. Absent si Myra dahil sa LBM, umuwi na si Mathew dahil sya ay constipated.

Tom: Girls, may problema si Mathew.

Roda: Oh, anong gagawin namin? Poproblemahin din namin yung problema nya? Ano sya? Sinuswerte? Di na uy!

Athena: Yeah. Don't problem the problems of others, because it's their problem, and if we problem their problem, then we'll have a problem. Let them problem their own problem.

RC: Sabi lang namin may problema si Mathew, tapos ang haba na ng sinabi nyo.

Nikki: Ano daw ba yung problem nya?

Charles: Si Myra daw kasi.....

Lucy: Sinapak ni Myra si Mathew?

Athena: May black eye ba sya?

Jane: San sya sinuntok?

Joel: Naiinlove na daw sya kay Myra.

Roda: Naiinlove lang naman pala. Akala ko kung ano na.

Charles: Tulungan natin sya kay Myra.

Nikki: Ligawan nya.

Roda: Tss. Cliché na girl. Think of something unique.

Athena: Unique. Like?

Roda: A dare.

At dun nagsimula ang dare.

PLASHBAK 2

Sa gym....the day that the dare was given...
Kenny: Mathew, ikaw unang mag-hi sa girls ha.

Mathew: Sus, yun lang. Eh, teka, bakit?

Joel: Basta gawin mo nalang. Magpapasalamat ka after this, I swear.

At yun ang dahilan kung bakit si Mathew ang unang bumati sa girls.

PLASHBAK 3

Camping...yung time na napilay kuno si Roda.

Charles: San yung dalawa?

Roda: *pilay-pilayan* Napilay kasi ako. Mathew and Myra tried looking for medicinal plants, but they weren't able to get back. We decided to go back here, and ask for help.

Joel: Kami bahala. Magpahinga na kayo. Tom, RC, Kenny, let's go. *to Nikki* Bye, Babes. Goodnight, alabyu.

Nikki: Tse. Just go and look for them.

Pagdating sa kakahuyan...

Joel: Parang may something.

Charles: Anong something?

Joel: Parang imposibleng iwanan nung girls sina Myra at Mathew.

Tom: Sa tingin mo, may kinalaman to dun sa plano para sa dare?

RC: Oo nga no. Galing ah.

Kenny: So, kung plano 'to, anong gagawin natin na sabi nating hahanapin natin sila?

Tom: Let's rest here. Siguro plano nung girls na hayaan yung dalawa na magpalipas ng gabi ng magkasama.

Joel: So kelan sila hahanapin?

Charles: Tomorrow.

Joel: Pano kung mapahamak sila?

RC: Hindi pababayaan ni Mathew si Myra, don't worry.

Joel: I'll look for them. Hindi sila safe sa isang forest.

Kenny: Papagurin mo lang yang sarili mo.

Joel: Bahala kayo. Basta hahanapin ko sila.

Naghanap ng naghanap si Joel ngunit hindi nya nakita ang dalawa. Ito ang naging dahilan kung bakit sya nagalit sa plano ni Roda. At yung away nila ang naging dahilan kung bakit bad trip sa kanya si Roda noon.

PLASHBAK 4
The day before nung play sa English...

Roda: Okay. So here's the thing. Joel and Nikki must not be here tomorrow.

Nikki: Ha?! Project yun.

Roda: Kayo naman gumawa nung props eh. Besides, we'll tell them that the two of you are sick. Kaming bahala sa sakit na yan. Please? Akong bahala sa inyong dalawa.

Nikki: Hay. Sige na nga.

The day of the play.....Friday....

Roda: Nag-text si Neq. LBM daw, di sya makakarating. Baka daw habang sinasabi nya yung lines nya eh matae sya bigla.

Tom: Eto na, nag-text si Joel. Nasa ospital daw sya ngayon at hindi makapagsalita. Walang boses.

Kinabukasan....sa MOA...

Nikki: Of all problems, LBM pa?

Roda: Yun unang pumasok sa isip ko eh. Yung kay Joel kaya walang boses, kasi paos sya the day before, kaya yun ang naisip ko.

Tom: *to Joel* Brad, ba't ang tahimik mo?

RC: Diba ayaw mo naman talaga maging bida sa play?

Joel: Pero nung nalaman kong partner ko si Nikki, naging ayos lang. Nung nalaman kong may kissing scene, mas naging maayos for me. Tapos, hindi kami um-attend. Sayang yung chance ko bro eh.

Roda: Akala ko kung ano na. Diba sabi ko may prize kayo dahil dun? Sagot ko na date nyo tomorrow. Mula movie date hanggang dinner date, pati sa MOA eye, pati EK.

Joel: Talaga?

Roda: Oo na. Matahimik ka lang.

Athena: Does that mean makiki-third wheel ka?

Roda: Of course not. Ibibigay ko lang yung money.

PLASHBAK 5
Yung time na nag-imbestiga si Mathew...

Biglang may tumakip sa ilong nya na nagpahilo sa kanya. Nagising sya ng nakatali sa condo ni Roda at nakita nya ang limang lalaki at limang babae.

Roda: Akala ko deads ka na. Sa-yang! Joke.

Mathew: Bakit ako nakatali?

Tom: Baka kasi sapakin mo kami.

Mathew: Ano yung narinig kong plano nyo sa'min ni Myra?

Charles: Diba sabi mo tulungan ka namin kay Myra?

Mathew: Okay? Di ko gets.

At kinwento nila ang dare. Pero hindi sinabi ni Mathew kay Myra dahil sinakyan nalang nya ang plano ng mga kaibigan.

PLASHBAK SIKS
Day 1 of the dare...nung sinusundan ng girls sina Mathew at Myra...
Charles: Girls. Why're you here?

Joel: At bakit nakatingin kayo sa kanilang dalawa.

Nikki: *kinabahan* A-ah, w-wala. Ki-kinikilig lang k-kami sa kani-la.

Kung bakit kinabahan si Nikki ay dahil nilapit ng todo ni Joel ang mukha nya sa mukha ni Nikki. Hindi ito napansin ng iba dahil busy sila sa pagtingin kina Mathew at Myra. Tapos ay binulungan sya ni Joel....

Joel: Babes, nagbu-blush-on ka na pala ngayon ah. Mukhang napadami ka pa ng lagay. Hahaha.

Inirapan na lang sya ni Nikki.

END OP PLASHBAKS

1 AM. After the graduation.

Lucy: Hay. Wala ng problem. Wala ng mahahabang theses na kailangang gawin.

Nikki: Wala ng mahahabang formulas na kailangang compute-in.

Charles: Wala ng mahahabang essays na kailangang i-print or i-send.

Joel: Wala ng multiple choices na kailangang i-eenie meenie.

Tom: Wala ng mabibigat na librong dalahin.

Athena: Wala ng mahahabang notes na kailangang review-hin.

All: Review-hin? Nagre-review ka, dre?

Athena: Minsan oo, madalas hindi. Himala nga pumasa 'ko sa college eh.

AFTER 3 YEARS....

Myra: Bakit ka nasa condo nung malanding yun?

Mathew: Myra, listen to me. Nothing hap----

Myra: Shut up!

At lumabas si Myra at nagpunta sa condo ni Roda, kung nasaan ang girls ng barkada.

Jane: Oh. Anyare sa'yo te?

Myra: Nag-away kami ni Mathew.

Roda: Nag-away kayo? Eh bakit ka nandito? Nandito ba ang solusyon para magbati kayo? Nandito ba ang dahilan ng pag-aaway nyo?

Myra: Gusto kong lumayo muna sa kanya. Can I stay here first?

Lucy: Oo naman. Welcome na welcome ka dito.

Nikki: Oo nga. Ikaw pa. Kahit gano katagal pwede ka dito.

Athena: Kung may kailangan ka, sabihin mo lang. Nasa kaliwa ang kitchen, sa right naman yung guest room.

Jane: May tv at cr na yung guest room.

Roda: Ayos. Ganda ng condo NIYO ah. Ngayon lang ako nakarating ng condo NIYO ah. Makapayag, inyo 'tong condo? Sa inyo?

Nikki: Hehe. Alam naman naming papayag ka eh.

Roda: Sige. Pahinga ka na, haggard mong tingnan oh.

At pumasok na si Myra sa guest room. Ano nga bang nangyari sa 3 years?

-Nagbabalat pa rin ng patatas si Princess Sarah.
-May apo na sa tuhod si Abby sa Be Careful With My Heart pero hindi pa rin nagtatapos ang programa.
-Nagkaanak si Manang Fe. (Akalain mo yun.)
-Hopia pa rin si Joel. (Expected na yan)
-Nagka-abs na si Sir Lyle (Lol. Peace, Sir. Hahaha).
-Tumangkad na si Nikki. Dahil finally, tumalab sa kanya ang Cherifer. (Hehe. Peace.)
-Latest: May LQ sina Mathew at Myra. Lolz.

Roda: *may tinawagan* Hey, boys. Zap? Siguro naman, knows nyo na ang news about the LQ.........I have a plan and here it is.....(secret muna yung plan).......K. Bye. Goodluck. Boys, I need the best of your acting skills later, okay? *end call* Girls, yung money.

Jane: No probs.

Sa kabilang dako...

Charles: Naman ehhh. Panong gagawin natin? Marunong ba kayong magmake-up? Yung kunwari duguan ah.

Joel: Una sa lahat, may nagmemake-up ba sa'tin?

RC: That's the problem: no one does. Eh kung yung second choice nalang na binigay ni Roda?

Kenny: Ha? Kayo gumawa.

Tom: Sama-sama tayo dito no. Simulan na natin. Di manlalaban yan, lasing na lasing na oh.

Mathew: Oy! *hik* Tagay fahhh taayooo!*hik*

Charles: Sige. Let's start.

At isinakay na nila sa van si Mathew. Hindi naman nanlaban ang huli dahil nanghihina na sya at inaantok pa. Nagpunta sila sa construction site ng future house nina Myra at Mathew. Ngunit hindi pa alam ni Myra ang tungkol dito. Nagsuot rin ang boys ng mask (yung ginagamit ng kidnapper, yung mata lang ang kita) at may tinawagan.

Tom: *pilit ibinababa ang boses* Hello......Pwede ba naming makausap si Myra? (Hello? Sino 'to?) Hawak namin ngayon ang boyfriend mo. 3,000,000 pesos ang kailangan mong iabot sa'min sa loob ng 4 hours. (W-wala akong ganon kalaking halaga. Pakibabaan please.) Okay. 2,999,999 pesos. Final na yun. Kung hindi, tutuluyan ko 'tong lasing mong jowa. Ite-text ko sa'yo ang address. Make sure na walang pulis. Kundi...BANG! Bang! Into the room! Hahaha. *end call*

All except Tom: 3 million sa loob ng 4 hours?!

Tom: Yun yung pumasok sa isip ko eh. Atsaka 4 hours kasi baka magising agad si Mat.

Sa condo...
Myra: Anong gagawin ko? Tatawag na ba 'ko sa pulis?

Roda: Wag na. Nailagay na yung pera sa briefcase. Tara na.

Sumakay na sila sa kotse at pumunta na sa address na sinabi nung 'kidnappers'.

Sa kabilang dako....
Binuhusan nila ng saksakan ng lamig na tubig na may yelo pa si Mathew kaya nagising ito na para bang hindi naman naglasing.
Mathew: Bakit ako nakatali?

Joel: Mat, kami 'to. Plano 'to ni Roda ULIT para magbati kayo ng jowa mo. Sumakay ka nalang.

Mathew: Sige. Eh bakit dito?

Charles: Para masabi mo na rin sa kanya yung tungkol dito sa bahay.

Myra: Andito na 'ko. Pakawalan nyo na sya. Parang awa nyo na.

Kenny: Pera muna bago laya.

Inabot ni Myra ang briefcase. Inabot naman ito ni Kenny kay Tom. Bigla namang sumayaw si Tom ng parang isa sya sa 24 K Girls ng Deal or No Deal.

Tom: Deal or no deal! *kembot here, kembot there* Deal or no deal! *pose* Ahm, bro, picture-an mo naman para may remembrance.

At pinicture-an sya ni Joel.

Charles: Isang pose pa. Oh yan! Pak! Oh! Palong-palo!

Myra: Teka, Tom, RC, Kenny, Joel, Charles? Bakit---

Boys: Plano ni Roda.

Roda: *clap 2x, kaya nag-on ang lights* Para magbati kayo. So, sa baba na kami ah. Mag-usap kayo ng maayos. And please, pakibabaan ang pride this time. Boys, kalagan si Mathew.

At kinalas ang pagkakatali kay Mathew at bumaba na sila. Nag-usap naman sina Mathew at Myra.

Mathew: *lumuhod on one knee sabay labas ng ring* Nagsimula ang lahat sa isang dare. Sinimulan ng friends natin, sinakyan ko, pinanindigan at tinapos mo. Natakot kang baka magalit ako, habang ako, natakot na baka layuan mo pag nalaman mong alam ko. Ang sabi mo, being with me's more than enough. Ang sabi ko, my dream's to grow old with you, and make you smile and laugh. Now, dito sa future house natin, I'm asking you if you're willing to grow old me too. Are you?

Myra: *ngumiti* Of course, I am.

Sa gilid ay nagbubulungan naman ang iba.

Roda: Nagiging corny talaga pag umiibig. Tsk tsk tsk.

Jane: Bitter!

Roda: Tsss.

After 4 months ay naikasal din ang dalawa. Pero ang barkada...

Roda: Truth or dare tayo?

All except Roda: Ayako. Ang hirap kaya ng dares mo.

Roda: Hahaha. Sino gusto nyong sunod? Joel, diba hiniling mong sa inyo nalang ni Nikki yung dare?

Joel: Oo sana. Para kami yung magkatuluyan. Para hindi na 'ko hopia. May idea ka ba?

Nikki: Roda, wag mong sabihing....

Roda: Hahaha *evil laugh*. Your wish....is my command.

THE END....


Posted via Blogaway

No comments:

Post a Comment