Pumasok si Myra na nakalugay ang buhok sa mukha. Sakto rin at naka-white dress sya.
Joel: A-ahhhhhhhh!
Myra: Hahahaha. Ang epic. Hay naku! Haha. Nakalimutan mo bang may susi rin ako ng mga rooms dito?
Joel: Dun ka na nga lang kasi sa isang kwarto. Dito ako sanay matulog eh.
Myra: Asa ka. Magpaka-gentleman ka naman.
Joel: Asa kang maging gentleman ako. Dun ka na. Chupi! Matutulog ako.
Myra: *bulong* Sungit. Kala mo kung sinong gwapo.
Joel: *nag-make face nalang*
Lumipat na si Myra ng kwarto. Wala syang magawa, inip na inip sya. Narinig naman nyang may kumalampag sa kusina.
Myra: Aba. Himala, dito kakain yung lalaking yun.
Narinig nyang naglalapag ng mga plato sa mesa, kumalampag ang kaldero at kawali, pati ang mga kutsara't tinidor. Narinig din nya ang tubig na parang may hinuhugasan ito. Narinig din nya ang pagbagsak ang pagbagsak ng kutsilyo sa chopping board na parang nagdadabog itong naghihiwa. May narinig din syang boses ng babae pero hindi nya alam kung saan galing.
Myra: Galit ata. Baka jowa nya yung merlat na nagsasalita, tapos may LQ sila. Sya na nga gumagamit nung 1st guest room. So nasa kusina sya, walang tao sa guest room. Mapuntahan nga.
Pumasok si Myra ng dahan-dahan sa unang guest room. Madilim ito. Biglang nag-ring ang cp ni Joel at tiningnan nya ang caller id. Pinsan. Alam nyang si Roda ito. Naririnig pa rin nya ang paghiwa ng padabog. Kukuhanin na sana nya ang cp para sagutin ang tawag pero biglang may nagsalita sa likuran nya. Si Joel na nanggaling sa banyo.
Joel: And what are you doing here? Aren't you supposed to be staying in the 2nd guest room?
Myra: Ha? Ahehe. Eh kasi, nasa kusina ka kanina. Naisip kong walang tao dito, so pumasok ako.
Maya-maya'y natigil ang pag-ring.
Joel: Eh hindi naman ako bumaba eh. Nag-stay lang ako dito no.
Myra: Eh bakit may kumalampag na plates at utensils sa kusina? Tsaka parang may nagcho-chop ng nagdadabog? May babaeng nagsasalita pa nga eh.
Joel: Sa kwarto mo nga, may maingay na babaeng salita ng salita eh. Ang sabi pa, 'Hey! Who are you? What are you doing here? You shouldn't be here! Get out!' Parang galit at may kaaway.
Myra: Ako lang nga mag-isa sa kwarto.
Medyo matagal na katahimikan ang namayani bago mag-sink in sa kanila ang mga sinabi nila narinig nila sa isa't isa. Pareho silang nasa kwarto lang, magkahiwalay nga lang, at pareho ring mag-isa. Sila lang din ang mga tao sa bahay na iyon. Naririnig pa rin ang pag-chop ng padabog, at ang agos ng tubig sa sink. Narinig din nila ang paggalaw ng mga upuan na para bang uupo na sila sa tapat ng mesa. Narinig din nilang parang nag-on na ang kalan, at narinig nila ang pagpatong ng something sa kalan. 'Magluluto na yata,' isip ni Myra.
Joel: T-teka. Sino yun? Bakit may ganun?
Myra: Hindi yata nagbibiro si Roda nung sinabi nyang may nagpaparamdam dito.
Joel: *natatakot na* Baka naman may pumasok lang na magnanakaw. Tapos makikiluto, at makikikain na rin.
Myra: Edi tingnan natin. Baka mamaya iuwi na nila yung mga kaldero.
Narinig nila bigla na parang may umaakyat sa hagdan. Malalakas ang tunog ng mga yabag nito ngunit mababagal at parang may pinupukpok. Maririnig mo dahil hindi naman bato ang hagdanan kundi kahoy.
Joel: Umaakyat na. Tingnan na natin.
Isinantabi nila ang takot. Lumabas sila ng guest room. Kahit kinikilabutan ay pilit nilang pinapakalma ang mga sarili. Wala silang nakitang tao sa may hagdan. Kinilabutan si Myra kaya napahawak sya ng mahigpit sa kamay ni Joel. Mej natakot rin si Joel kaya hinayaan nya si Myra na hawakan ang kamay nya. Sa isip nya, 'Ang bilis talagang magtago ng mga magnanakaw.' Bumaba na sila sa may hagdan. Maririnig naman galing sa kusina ang tunog ng mga platong inilalapag sa mesa. May konting agos ng tubig na parang nagsasalin. Kinakabahan sila pareho na baka kung ano ang makita nila. Dalawang hakbang nalang ay nasa tapat na sila ng kusina at wala naman silang naaaninag na lights na naka-on pero may kalampag pa rin. Pagdating sa harapan ng kusina at pagka-on ng lights....
Wala ni isang tao. Wala ni isang platong nakalabas. Walang kutsara, tinidor, baso, kaldero. Walang chopping board at knife. Maayos lahat at wala namang nagulo. Parang hindi nagamit ang kusina.
Myra: Eh ano yung narinig natin kanina? Narinig mo rin naman diba?
Joel: Oo, narinig ko. Pero parang imposible namang maligpit yun ng mabilis. Eh two steps away nalang, tumutunog pa rin yung mga plato eh. Pano nangyari yun?
Hindi nalang sumagot si Myra. Hindi nalang nila masyadong pinansin at inisip pa dahil lalo lang silang matatakot. Gusto nilang tawagan si Roda para magtanong, kaso ang mga phones nila ay nasa taas. Ngunit, biglang nag-ring ang cp ni Joel.
Joel: Naman eh. Ayokong umakyat eh.
Umakyat si Joel. Dahil natakot na maiwang mag-isa, sinundan ni Myra si Joel sa guest room. Pinsan, yan ang nakalagay sa caller id. Nagtinginan muna sina Joel at Myra bago sagutin ang tawag at ni-loudspeaker.
Roda: Thank goodness you answered! I've been calling you for the nth time! God, Joel! Why weren't you answering?
Joel: Sorry. Nasa banyo 'ko nung huli kang tumawag. Nung lumabas naman ako, nag-end na.
Myra: Roda, totoo bang may nagpaparamdam dito?
Roda: Bakit mo natanong?
Joel: Kasi kanina sa kusina, parang may nagpe-prepare kumain. Nung tiningnan namin, wala namang nagalaw na kahit ano. Sa hagdan, may nagpupukpok, eh wala namang tao.
Roda: Ahhh. Una pa lang yan. Marami pang iba. Sanay na 'ko. Ako nga 'pag pinaparamdamaan, mag-isa lang, kayo dalawa. Swerte nyo na rin. Atsaka, ganyan lang naman 'yan. Hindi naman sila nagpapakita, mag-iingay lang. Parang nakikipaglaro lang sila, 'yun nga lang, you're not having fun while they play games with you. Yung sa kusina, that's a family with 5 members. May nagcho-chop na galit kasi na-cut yung electricity nila and they didn't know na may nasusunog na wire. Namatay sila sa sunog. That's what the survivors said. Yung mga bahay na nakatayo sa paligid, pinagpaparamdaman din nung iba pang mga na-deads. Sanay na sila, so hindi na sila masyadong nagre-react. Yung nagpupukpok, he's a carpenter. He fell down the stairs, nabagok, natigok. That happened nung pinapagawa ko pa lang 'yang house.
Myra: Bakit hindi mo sinabi noon?
Roda: I told you na may nagpaparamdam. You just thought that I was joking. Blessed 'yang bahay as I said before, pero nandyan na talaga sila. For short, the house is haunted whatever you do and whatever happens. So my advice, sleep in one room. At least, that helps na wag masyadong matakot since you know that you have each other. Ayieeeh ang sweet. Bye na. I just checked if you're both ok. Parang ok naman kayo, except nung narinig nyo yung sa kitchen. Another piece of advice, sleep early. 8 pa lang tulog na lahat ng tao jan. Dahil may mga gumagala kasi sa paligid jan. Yun lang. *end call*
Joel: Pakshet. May something pala sa bahay na 'to.
Myra: Nagugutom na 'ko. Natatakot naman akong bumaba.
Joel: Halika, samahan na kita. Nagugutom na rin ako.
Kumain na sila. Isinantabi muna nila ang nangyari kanina sa lugar kung nasaan sila ngayon. Joel can feel that Myra's still scared so he tried to make her laugh by giving some corny jokes. They ended up laughing out loud while eating. Just this morning and afternoon, they were fighting. Just this afternoon, they heard some sounds from the kitchen but they saw nothing. But now, they are laughing together. They're now getting comfortable with each other, but they still don't know each other's name. But they don't seem to care. After eating ay tumambay muna sila sa terrace sa tapat ng 1st guest room. They're both sitting and Joel's playing his guitar while singing.
Joel: You were just a dream that I once knew. I never thought I would be right for you. I just can't compare you with anything in this world. You're all I need------
Natigil ito sa pagkanta ng may makitang babae si Myra. Papunta ito sa bahay ng kapitbahay. Nakasuot ito ng puting dress at dahan-dahang lumalakad. Mahaba ang dress, kaya hindi nila makita ang paa ng dalaga. 8 na ng gabi, at tulog na ang lahat, at parang sila nalang ang gising. Inoobserbahan nila ang babae. Lumilingon ito sa paligid na para bang may hinahanap. Nagkatinginan agad sina Myra at Joel. Pagtingin nila pabalik sa pwesto ng babae, wala na ito. Inisip nalang nila na baka nakita na nito ang hinahanap kaya tumakbo na pauwi.
Joel: Tulog na tayo. It's been a long day.
Ayaw pa sana ni Myra dahil natatakot pa rin sya sa bahay. Pumasok na sila sa guest room. Ini-on ang lamp sa table katabi ng kama. Naunang humiga si Myra dahil inaayos pa ni Joel ang gitara. Pagkatapos nya ay tumabi na rin sya kay Myra.
Joel: Goodnight.
Myra: Goodnight.
Alam ni Joel na natatakot pa rin si Myra. Kaya para makatulong, niyakap ni Joel si Myra para naman hindi na ito masyadong matakot (ehem). Niyakap nalang din Myra si Joel. Ang posisyon: Nakapulupot sa waist ni Myra ang braso ni Joel. Nakasiksik ang mukha ni Myra sa leeg ni Joel.
Joel: Don't be scared. Nandito lang ako. *kiss sa noo ni Myra* (ehem. Ang shwet shwet naman)
At natulog na sila. Kinaumagahan.......Naunang nagising si Myra. Magkayakap pa rin sila. Naisipan nyang magluto ng breakfast. Nilakasan nya ang loob nyang pumunta ng kusina at nag-prepare ng breakfast nilang dalawa.
--->FAST FORWARD---> (Ang haba-haba na nito nasa second day pa lang sa LA. Wala pa yung....)
AFTER 3 months....
Roda: *sa phone* Pakisabi please, kailan ka uuwi? Myra, you have to decide. Either you'll marry the guy your parents want you to marry, or you'll stay with my cousin and you don't even know his name. Two weeks from now your gonna meet the guy.
Myra: Hindi ko alam. Masyado na 'kong nag-eenjoy dito.
Roda: Nag-eenjoy ka kasama ang pinsan ko? Tell me, are falling in love with my cousin?
Myra: Pano kung oo? Kaso, ayaw ko rin namang mataboy ng parents. Sabi mo nga, ilang beses nang nagtatanong si Mama sa inyo.
Roda: Make up your mind. Whatever happens, you know we're just here. And hey, I just wanna say that you and my cousin are so awesome! You stayed in a haunted house. Nice. Anyway, I gotta go. We miss you. Beso mo nalang ako kay pinsan ha? Bye. *end call*
Joel: Oy. Sino kausap mo?
Myra: Yung pinsan mo.
Joel: Ahhhh. Gusto mo ba, i-tour kita dito sa LA? Gamitin nalang natin yung motor ko.
Myra: Talaga? Kaso, may pasok ako eh.
Joel: Akong bahala. Si pinsan naman may-ari nun eh. Malakas ka dun. Tara?
Myra: *smiles* Tara!
Sumakay na sila sa motor. Mej natatakot pa si Myra dahil hindi pa sya ever nakakasakay ng motor. Napansin naman ito ni Joel.
Joel: O bakit? Natatakot ka? First time mo no? (Uy. First time.)
Myra: Oo eh. Wag masyadong mabilis ah. Dahan-dahan lang. (Ehem.)
Joel: Sige. Sakay na. Kapit ka sa bewang ko.
Biglang pinaharurot ni Joel ang motor kaya mas napahigpit ng kapit si Myra.
Joel: Hahahaha.
Myra: I hate youuuuuuu! Bagalan mo! Bwisit ka!
Pumunta sila sa isang basketball court.
Joel: Ang matatalo, manlilibre sa resto. Ang mananalo, reregaluhan ng matatalo.
Myra: Sige na nga, kahit ang hirap ng parusa. Hindi pa naman ako naglalaro ng basketball. Pero tatalunin kita!
Naglaro lang sila ng naglaro. Nung mag-tie ang score sa 24, (paunahan maka-25 kasi sila) nagyabang si Myra.
Myra: Sabi sa'yo magaling ako eh. Kita mo, tie pa tayo. Ako mananalo dito no.
Joel: Tingnan nalang natin.
Nag-dribble na si Joel. Bigla naman syang tinulak ni Myra kaya nabitawan nya ang bola at nakuha ito ni Myra. Na-shoot ni Myra ang bola kaya nanalo sya. Natatawa nalang si Joel. Bawal manulak, pero wala naman sila sa tunay na laban kaya hinayaan nalang nyang magsaya si Myra.
Myra: Sabi ko sa'yo ako mananalo eh.
Joel: Nakatsamba ka lang. Tara na, kain na tayo. Gutom na 'ko eh.
Myra: Haha! Manlilibre ka. :P
SAMANTALA SA PINAS....sa office ng pudra ni Myra........
Ed: I know you know where she is.
Jane: I'm sorry to disappoint you, Sir, but we really don't know anyting about that.
Ed: Liars.
Roda: You said it yourself, Sir, that we are liars. So why are you still wasting your time talking to us and asking us about your daughter? You should know where she is, dahil ikaw 'yung ama.
Ed: Kinakalaban mo na ba 'ko ngayon?
Athena: *bulong kay Roda* Calm down. It's not gonna help.
Nikki: Sir, she's just tired. I think we need to go. I'm sorry Sir, but we really don't know about where she is.
Ed: I don't believe you.
Roda: Oh, nagtatanong ka, tapos pag sinagot ka namin, hindi ka maniniwala? Anong gusto mong isagot namin?
Ed: She needs to get back here as soon as possible. Next week na nya makikilala 'yung fiancé nya. And why does it seem like you don't want your friend to get married? Eh kilala mo naman yung mapapangasawa nya.
Roda: Of course, kilalang-kilala. Gusto ko silang maikasal, but what I don't like is ayaw pa nila. Why should you force them?
Ed: Ayaw nila dahil hindi pa nila nakikilala ang isa't isa.
Roda: Let your daughter think and decide. Hindi porke gusto mong ikasal sya, gagawin na nya. My friend's old enough to decide on her own. Perhaps, hindi naman nagmamadali yung iba eh. Ikaw lang naman yung atat makasal yung dalawa.
Ed: Why are you so mad?
Roda: Kasi nasasaktan si Myra, pati na rin si ________. ______ got so wasted when he knew about the marriage while Myra cried and cried telling us that she doesn't want to be here anymore. That she wants to go away, far from you.
Ed: So you know where she is. I knew it.
Roda: *smiles* Of course I do. But if you think we'll tell you, you're mistaken.
Ed: Walang aalis ng hindi sinasabi sa'kin kung nasaan si Myra!
Roda: Okay. So let's stay here up to the day we die. *labas ng phone at naglaro na parang nang-iinis at pinapakitang seryoso sya sa huli nyang sinabi*
Ed: You may now go.
Roda: Finally, na-realize mo ring walang patutunguhan 'tong usapan na 'to.
Lumabas na ang apat na babae sa office ni Ed.
Nikki: Bakit mo sya sinagot ng ganon?
Roda: Hindi ko rin alam. Basta gusto ko nang umuwi.
SA LA....
Joel: Nasan parents mo?
Myra: Nasa Pilipinas.
Joel: Bakit di mo sila kasama?
Myra: Ayokong pag-usapan, sorry.
Joel: Ok lang. Punta nalang tayo sa park. Maganda don. Tara.
Sa park.....
Myra: Kwentuhan mo na lang ako. Lovelife?
Joel: Wala 'kong jowa.
Myra: Wala man lang bang nirereto yung pinsan mo o kaya friends mo?
Joel: Noong una. Kaso, hindi ko sila pinansin ng two weeks. Hindi naman sa ayaw ko yung girl, pero ayaw ko lang na nakikialam sila. Eh ikaw?
Myra: Ako naman, NBSB. Pero may fiancé ako.
Joel: Pano nangyari yun?
Myra: Arranged marriage. Hindi ko kilala yung guy, pero malapit na.
Joel: *nalungkot* Tara na. Uwi na tayo.
KINABUKASAN......
Tumawag kay Myra ang mga kaibigan nya....
Jane: Girl, hindi na namin alam ang gagawin sa parents mo.
Nikki: Yung Mom mo, umiiyak sa'min every time na sasabihin nyang nami-miss ka na nya. Yung father mo, lagi kaming sinisigawan.
Athena: Kaya nakikipagsigawan nalang din kami. Pero sa Mom mo talaga, naaawa na kami.
Myra: Hindi ko na alam gagawin ko. Iiwan ko 'yung mahal ko dito, tapos pakakasalan ko naman 'yung hindi ko mahal. Alam na ba ng parents ko kung nasan ako?
Athena: Alam ng dad mo na alam namin. Pero hindi namin sinasabi sa kanya.
Roda: Umuwi ka na, yun lang. *end call*
Pag-uwi nya sa bahay....Dire-diretso syang naglakad papuntang kusina kung saan naabutan nya si Joel na naghahain na....
Joel: O, upo ka na. Kain na tayo.
Habang kumakain...
Myra: Uuwi na 'ko.
Joel: Nakauwi ka na ah. Kumakain ka na nga dito sa bahay eh.
Myra: Sa Pilipinas.
Joel: Bakit parang....ang bilis naman ata?
Myra: Tatlong buwan na 'ko dito. Sapat na panahon na 'yun para mag-isip-isip. Pakakasalan ko sya. Hindi naman siguro 'ko ipapakasal ng parents ko sa isang basta-bastang lalaki, diba? So, uuwi na lang ako.
Joel: Sigurado ka na ba jan? Baka pwede mo pang pag-isipan? Dito ka nalang. Akong bahala sa parents mo. Ipagpapaalam kita sa kanila. *hawak ng kamay ni Myra* Wag ka nang umalis. Please?
Myra: Hindi pwede, kailangan ko 'tong gawin. Plus, I miss my parents. Nakapag-isip na 'ko. Akyat na 'ko, mag-eempake pa. Bukas na 'ko aalis.
Umakyat na si Myra at nag-empake. Lumabas naman si Joel at nagpunta sa bar. Habang nasa bar ay may tumawag sa kanya....Dad ang nakalagay sa caller id...
Joel: Hello, dad?
Roda: Yes anak? Hahaha. Alam kong nag-eemote ka ngayon, pinsan, dahil aalis na si Myra.
Joel: Ok, buti alam mo. Ikauunlad 'yan ng Pilipinas.
Roda: Bukas ang alis nya. Kung ako sa'yo, susundan ko sya sa Pilipinas.
Joel: Para san pa eh ikakasal na nga.
Roda: Dude, sino nagsabing ikakasal? Uupakan ko! Charot. Ime-meet pa lang 'yung fiancé, hindi pa ikakasal. Malay mo, umayaw sya. Kaya bukas, wag mo naman syang pigilang umalis. Sumunod ka lang na umuwi. Ok? Ok. Wag kang tatanggi dahil pagsisisihan mo. Goodbye. Umuwi ka na. *end call*
Naisip nya 'yung sinabi ni Roda. Tama nga naman, pwede pang humindi si Myra. Kaso naalala nya, may fiancee na rin pala sya.
Joel: Hay. Bahala na.
Madaling-araw na sya umuwi at tulog na tulog na si Myra. Dun nalang sya sa 2nd guest room natulog. Pagdating ng 4 ay umalis na rin sya dail baka magising na si Myra dahil maaga pa ang flight nito. Nakapag-empake na rin sya.
--->FAST FORWARD--->
Bumalik si Joel sa bahay, may nakita syang sticky note na nakadikit sa pintuan ng guest room. Ito ang nakalagay...
"Hoy. Kung sino ka man, dahil hindi ko alam ang name mo. Salamat sa lahat. Salamat kasi kahit sandali, nakalimutan ko 'yung problema ko dahil sa'yo. Salamat kasi napasaya mo 'ko. Sana hindi ito ang huli nating pagkikita. Bye. See you sa Philippines....sana."
Pumasok sya sa guest room at kinuha ang bag nya. Uuwi na sya.
SA PILIPINAS....
Nikki: Ang tagal, nagugutom na 'ko.
Roda: Bakit kasi kailangan pa syang hintayin eh? Pwede namang um-order nalang tayo.
Jane: Um-order ka na kung gusto mo. Basta kami, hihintayin namin sya.
Athena: Atsaka sabi nya, her treat. Kug oorder na tayo, edi hindi na sya nakapang-libre.
????: Ayon. Libre. Hindi nyo na nga ako sinundo sa airport, libre pa habol nyo?
Athena: Nangako kang mang-lilibre ka.
Nikki: A promise is a sacred vow. Kaya, tuparin mo yung sinabi mo.
Jane: Dali na, please. Gutom na 'ko.
Myra: Sige na, um-order na kayo. Maiwan nalang kami ni Roda dito.
Roda: Salamat sa pagtao sa bahay ng tatlong buwan ah.
Myra: Pasalamat ka, may kasama 'ko. Hihimatayin ako sa bahay mo. Ano bang name nung cousin mo?
Roda: Malalaman mo rin someday. Let's talk about something else. What made you choose to go back?
Myra: Sa'kin nalang yun. Gusto ko na ring makita parents ko.
Samantala.....
Joel: I'm back.
AFTER 3 weeks...
Pia: Anak, are you ready? Kung ayaw mo, wag nalang.
Myra: No, Ma. It's ok. Let's give the guy a chance.
Pia: Ang ganda mo.
Myra: Of course. Mana ako sa inyo eh.
Ed: Ladies, let's go.
Sa resto ng mudra ni Myra....
Myra: Ma, Pa, I'll go to the comfort room first.
Pia: Go ahead.
Andrei: Ed, Pia, sorry if we're a bit late. Yung anak ko, susunod nalang daw.
Roda: Hello po, Tita, Tito. Si Myra po?
Pia & Ed: Hello din sa inyo. Nasa cr sya.
Bigla naman pumasok na si Joel at bumati sa kanila. Pumunta naman si Roda sa kabilang table.....
Roda: Anong ginagawa nyo dito?
Charles: Gusto naming makita.
Nikki: Gusto naming makita yung fiancé ni Myra.
Mathew: Anong ginagawa ni Joel dito?
Jane: Yun pala yung pinsan mo?
Roda: Oo. Sige, balik na 'ko.
Joel: Pinsan, ayoko na. Uwi na tayo. Kung sino man yang babaeng yan, ayoko.
Roda: Ayaw mo? Pano kung sabihin kong ang pakakasalan mo ay si.......
Myra: Excuse me. *kalabit kay Joel pero hindi nya ito nakikita dahil nakatingin sya sa phone nya* Sir, sorry, pero, dyan po kasi ako nakaupo.
Joel: Myra?
Myra: Ikaw? Anong ginagawa mo dito? Bakit alam mo pangalan ko?
Ed: Magkakilala na kayo?
Joel: *yakap kay Myra* Sabi ko na nga ba, magkikita tayong muli. *at niyakap sya ni Myra pabalik*
Pia: Sa tingin ko, hindi na tayo mahihirapang pagsunduin yung dalawa.
Myra: Na-meet ko sya sa LA, sa bahay ni Roda. Magpinsan po pala sila.
Ngumiti lang si Roda sa kanila at tumabi na sa mga kaibigan nila.
Joel: I think sinadya nyang pagsamahin kami dun para makilala na namin ang isa't isa, para hindi na kayo mahirapan.
Andrei: O, ok na pala eh. Pano ba yan? Kasalan na!
After 2 months ay naikasal na sila. Sa reception...
Nikki: Kasal na kayo. So, ehem, alam nyo naman na siguro ang kasunod ng kasal, diba?
Joel: Eh, ano bang kasunod ng kasal?
Mathew: Honeymoon.
Myra: O, anong meron sa honeymoon?
Roda: You.....well, hindi naman porke honeymoon eto ang ginagawa pero, you make babies.
Athena: So, may inaanak na kami pagbalik nyo ha?
Pag-alis ng mag-asawa....
Charles: Paris.
Roda: They're really looking forward to a made in Paris baby.
Jane: What if they find out that Myra's pregnant even before their wedding? I wonder what their reaction would be.
Nikki: Especially Myra's reaction. She's the one who wants to have that made in Paris. Para daw sosyal.
Roda: Then if Myra's already preggy, congrats to them. They already have a made in the Philippines baby.
Charles: Next time nalang yung made in Paris. Hahaha.
Roda: Dapat mag-Paris sila kapag ginagawa yun to make sure na made in Paris nga.
The end....
Rodalyn A. Gasid