Sunday, January 11, 2015

Tula ng Brokenhearted

Tula ng Brokenhearted
Ni: Rodalyn Gasid

Naaalala ko 'yung mga panahon
Na sa saya, mga puso'y tumatalon
Maligaya sa piling ng isa't isa
Walang puwang ang mga problema.

Naaalala ko noon
Lahat ng mga dala mong pasalubong
Kahit na sabi mo hindi ka romantiko
Ikaw lang ang kaisa-isang minahal ko.

Naaalala kong sinabi mo noon
Walang makapaghihiwalay sa'tin habampanahon
Na ikaw lang at ako ang meron
Mapabukang-liwayway man o dapit-hapon.

Naaalala ko rin na sinabi mo,
Walang iwanan ikaw at ako,
Magkasama sa hirap o ligaya,
Sa lungkot man o ginhawa.

Pero lungkot ang s'yang natamo
Nang sa'kin, ika'y nakipaghiwalay at lumayo
Lahat ng mga pangako'y napako
Nawalang parang bula, biglang naglaho.

Hindi lang masakit
Mas malala pa sa sobrang sakit
Hindi ko naman kasi inakala
Na ang pag-ibig mo'y biglang mawawala.

Siguro nga ang sabi-sabi'y totoo
Na ang 'forever' ay nasa isip lang ng tao
At ang pangakong walang hanggan
Wala rin namang katotohanan.

Umasa pa naman ako sa sinabi mo
Na ang pag-ibig mo'y 'di magbabago
Akala ko tayo na hanggang sa dulo
Pero hanggang akala nalang pala ito.

Mahirap gumising sa bawat umaga
Lalo na t'wing naiisip kong wala ka na
Mas mabuti pa kapag natutulog
Puso't isip ay hindi nabubulabog.

Move-on? Madaling sabihin
Ng mga 'di pa nakakaranas ng pait sa pag-ibig
Kung brokenhearted ka'y parang ayaw mo ng harapin
Ang bukas na ihaharap ng daigdig.

Tanga na kung tanga
Siraulo na kung sira
Pero mahirap kasing pakawalan
Ang pag-ibig na matagal mong pinanghawakan.

Masakit na makita
Na masaya ka sa piling ng iba
Naisip ko na kung tayo pa rin kaya
Ganyan ka rin ba kasaya?

Durog pa rin ako
Wasak pa rin ang puso ko
Ganito lang talaga siguro
Kung sa pag-ibig ika'y bigo.

Totoo nga na sa magsinta
May mas nagmamahal kesa sa isa
At sa bawat hiwalayang nagaganap
May mas nasasaktan at naghihirap.

Ayokong burahin ka ng tuluyan
Masakit ma'y hindi kita kalilimutan
Alaala mo'y nakatatak sa puso't isipan
Ngayong hanggang magpakailanman.

Darating ang panahon
Sarili ko'y ibabangon
Hindi ko man kaya pa ngayon
Darating ang araw ako'y aahon.

Ayoko pa ring isipin na wala ka na rito
Dahil hanggang ngayon ikaw pa rin ang mahal ko
Sobrang sakit ring isipin na ako na nga ang iniwan
Ako pa ang s'yang mas nasasaktan.


Rodalyn A. Gasid

Wednesday, January 7, 2015

Me and my Probs

"Mas madaling ngumiti kahit hindi ka masaya kesa sabihin sa iba kung bakit malungkot ka."

For me, it's true. Ako kasi yung tipo ng tao na sooooobrang bihira kung maglabas ng problema. Nananahimik lang ako, kahit sobrang inis at galit na 'ko. I would speak a bit, magdadahilan ako, sasalungatin ko, yun ay kapag hindi pa masyado yung inis ko. Pero kapag sobra-sobra na, yung as in galit or sad na talaga 'ko, nananahimik lang ako. Sa'kin kasi, it's easier to stay quiet than to reason out. I don't like shouting at anybody when I'm mad (dahil baa kung ano masabi ko), so kesa sumigaw ako, I shut up. When I'm quiet, when I don't feel like talking to anybody then suddenly someone talks to me or smiles at me, I'd answer or I'll give a fake smile. If somebody asks why I'm quiet or if I have a problem or if I'm alright, I won't answer that much, I'll just say, "Nothing," or give a fake smile, or I won't say/do anything at all. 'Cause it's really easier for me to smile than to tell them the reason why I'm so quiet. Kasi pag sinabi ko sa kanila na 'Kasi ganito ganyan,' magtatanong na ng magtatanong yung nagtatanong. Plus, I'm pessimistic sometimes, especially when it comes to judgments. Criticisms are destructive for me most of the time, which might happen if I tell people my problems. Nahihiya ako, and at the same time, natatakot. Natatakot ako na people might not understand me and my problems, natatakot akong mahusgahan. So, I just smile. It's easier for me to smile than to make people know and understand my problem. It's easier for me to keep my problems on my own than to share it to others. People say na masamang nagkikimkim ng problema at galit since it's not healthy for the heart. People who keep problems on their own tend to have a heart disease more kesa dun sa mga naglalabas ng galit. I've known this since time in memorial. I don't want to have a heart disease, but I also don't want to share my problems. Ang tanga lang kasi I choose to keep everything even if I know that it's not gonna result to anything good. I might even be unhealthy because of this. But, yeah. This is me. I don't know why I'm being stubborn.


Rodalyn A. Gasid