Tuesday, September 23, 2014

BUCKET LIST NG LOLA MO, LOLA KO, LOLA NATING LAHAT

At dahil nabagabag ako sa tanong ni Myra na "Ano ang pinaka-lame sa bucket list mo?" Ang sagot ko lang naman ay "Mamatay." Oh, ang ganda diba? At dahil hindi ko nasagot ng maayos, gagawa nalang ako ng bucket list. Kayo ng bahala kung alin ang pinaka-lame.

Oh yeah! Oh yeah! Wala akong maisip sa Rube Goldberg Machine na project na yan.

1) Kutusan, upakan, kotongan, pektusan lahat ng kaibigan ko. Ito ang masasabi kong pinaka-lame. I don't know why I want to do this. Maybe because wala pa 'kong nakukutusan ni isa sa kanila (yata). Basta. Bago 'ko mamatay, gusto ko 'tong gawin sa kanila.

2) Magka-lovelife ♥♥♥♥♥. Ika nga ni Kris, love love love. Gusto kong ma-experience yung boyfriend-girlfriend relationship, o kaya kasal. Gusto ko maranasan yung magmahal and mahalin (romantically). Gusto ko ng dates, anniversarries, at kung ano-ano pa.

3) Gusto ko i-open up lahat ng problems or past problems ko sa isang/mga kaibigan ko. I never did this YET. Ako kasi yung tipo ng tao na kinikimkim lahat. Private kasi ako eh, so hindi ako sanay mag-open up, even sa close friends. So, before I die, I want to do this.

4) Makarating ng Oxford University sa UK. Dream school ko kasi yun. Gusto kong makita man lang yun, kasi I know na it's kinda impossible for me to study there. So, kahit makalibot dun, kahit hindi na 'ko mag-aral dun, ok lang, basta makarating ako dun.

5) Maglibot-libot sa mall ng walang ibang tao. This one's so lame and impossible. Gusto kong gumala sa mall ng ako lang with some friends. Tapos yung tipong, lahat ng stores bukas, kumpleto ang mga saleslady/salesman, walang ibang maggagala/shoppers, maliban sakin and my friends. Lakas ng tama ko noh?

6) Mag-hide and seek sa MOA with friends. Lupet! Laki kaya ng MOA. Tas yung tipong ang buong MOA, gagawin mo lang na palaruan. Saya! Magkahanapan kaya kami?

7) Make my parents proud :-) ♥

Ayan. Tadaaaaa! Tapos na! Ay may isa pa pala 'kong nakakalimutan. MAGING JOWA SI ZAYN MALIK. Charooot! Naalala ko bigla yung sinabi ni Nikki na "I'm just being 'TRUE' in my blog." Sagot ko naman, "So, we're being 'FALSE' in our blog?" Wala. Naalala ko lang. Share lang. Ganda nung grammar no?

Pwede ko pa 'tong bawasan at dagdagan. Hindi pa 'to final.

Posted via Blogaway

Posted via Blogaway


Posted via Blogaway

Monday, September 22, 2014

Oh yeah yeah! Oh yeah yeah!


R/N:
Starring all the Grade 8 students. Joke-joke lang 'to ah. Oh yeah! Oh yeah! Thanks Myra and Athena for your support. Support?! Basta. Labyu guys!
End of R/N

Nikki: Psssst. Mr. Ramirez, hindi nakamamatay ang lumabas ng kwarto.

Roda: Oo nga. Try mo rin minsan. Masaya 'to, TARA!

Athena: Ayaw mong lumabas? Eh ikaw pala ang CLOSE-MINDED sa 'tin eh.

Jane: *kumanta* I remember the day you told me you were leaving, I remember the make-up runnin' down your face. And the...

Lucy: *binatukan si Jane* Uhm! Pano makaka-move-on yung tao kung aasarin nyo ng aasarin?

Tom: Kung gusto nya talagang mag-move-on, kahit 24/7 pa syang asarin, makakamove-on sya.

Charles: Ano na kayang itsura ni Joel ngayon noh?

Roda: DEPENDE SA'YO.

Mathew: Ilang taon na bang di lumalabas si Lover Boy?

Roda: DEPENDE SA'YO.

RC: Grabe naman yung taon. Mga 1 month pa lang naman.

Lucy: Mahal na mahal ang ex eh. Nasan na kaya yung babaeng yun noh?

Charles: Pati nga yung boyfriend di na nagpakita sa 'tin eh.

Athena: Sana i-invite nila tayo sa wedding nila noh? Excited na 'ko!

Nikki: Tapos ninang rin tayo ng mga anak nila noh?

Roda: Mga gaga. Kasal agad? Anak agad? Wala pa silang 1 month ah.

Tom: Ilang weeks na ba sila?

Roda: DEPENDE SA'YO.

Athena: Mga 4 weeks and 1 day.

Mathew: Halos isang araw na lang naman pala 1 month na sila eh.

RC: Why not try to kick the door?

Mathew: Para mabuksan?

Athena: Hindi, Mathew. Actually sisipain yung door para masara ng mas maayos. Try natin noh?

Roda: Aba, aba, aba. Sisirain nyo yung door? MAHAL YAN.

Lucy: Edi pagawa ka nalang ulit.

Roda: Sige ba. Basta bibigyan nyo ko ng pera pampagawa ulit eh. Deal!

Jane: Wag nalang. Pabayaan nalang natin sya dun.

Pinuntahan naman ni Roda ang guest room kung nasan si Joel.

Roda: Hoy, Ramirez! Labas dyan. Aba! Ang kuyente jan gumagana, MAHAL YAN. Patayin mo yung AC.

Tom: *hawak ang vase* Ang ganda naman nitong vase nyo.

Roda: Mabasag yan ah. MAHAL YAN.

Athena: Sya nga pala. Hahanapin ko si ex tsaka si boyfie nya. Siguro kelangan nilang mag-usap ni Joel. Sino gustong tumulong?

Roda: DEPENDE SA'YO.

Charles: Lahat. Kawawa naman si Joel.

Nikki: Oo nga. Baka hindi na yun humihinga dun sa loob.

Jane: Try natin sa condos nila. Baka naglive-in na yung dalawa.

Mathew: O baka naman out of town.

Lucy: Baka rin out of the country.

Roda: *nagulat* Oh. Our. God. Live-in? Out of town? Out of the country? Baka buntis na si girl?! Hala.

Athena: *binatukan si Roda* Uhm! Kung ano-ano iniisip.

Roda: It's not impossible.

Jane: Oh ganito. Kami ni Nikki, sa condo ni girl. Mathew and RC, sa condo ni guy. Pag wala, balik agad dito. Pag nahanap namin sila, tatawag kami. The rest...dito lang. Pahiram ng hummer Roda ah.

Roda: DEPENDE SA'YO, basta iingatan nyo. MAHAL YAN. Pag nagasgasan yan, papalitan nyo.

Mathew: Magco-commute nalang pala kami.

RC: What? No! We'll use Roda's hummer. Hindi naman kaskasera si Nikki.

At umalis na sina Nikki, Jane, RC, at Mathew. Naiwan naman sina Charles, Athena, Roda, Lucy at Tom.

Tom: Hay. Katamad. Selfie tayo guys.

Athena: Sige.

At sinimulan na nilang mag-selfie. May wacky, serious, scary, funny, at kung anu-ano pa. Matapos ang 1 hour of taking selfies, naka-150 photos sila. Nang magsawa kaka-selfie, nag-usap-usap sila.

Athena: Pano nga kaya kung mahanap na si girl noh?

Tom: Lalabas na kaya si Joel?

Roda: DEPENDE SA'YO.

Athena: No one knows.

Lucy: Pero sana, maayos na lahat. Sana mahanap na yung dalawa.

Roda: *nagpaparinig* At sana rin, matutunan ng isa jan ang lumabas. Yung kuryente nasasayang. MAHAL YAN.

Charles: Wala bang mura dito sa bahay mo?

Roda: Wala eh. Kaya nga iniingatan ko lahat ng bagay dito. Kasi lahat ng mga yan, MAHAL YAN.

All except for Roda: Ah. Kaya pala.

At dumating na ang apat.

Athena: Oh. Anyare?

Mathew: Tingin mo?

Charles: Failed. San na tayo maghahanap ngayon?

Roda: DEPENDE SA'YO.

Nikki: Mag-isip kayo ng mga posibleng lugar kung nasan sila.

Roda: Batangas.

Charles: Sige. Try natin don.

Athena: Roda, Charles, and I will go.

Nikki: Ngayon na kayo pumunta para the sooner the better.

At naghanda na ang tatlo sa pag-alis. Ngunit bago umalis ay marami munang binilin si Roda sa mga matitira.

Roda: Oh yung vases mabasag, MAHAL YAN. Yung kuryente, wag sayangin, MAHAL YAN. Yung tubig din, MAHAL YAN. Ingatan nyo yung plates, glasses, spoons, forks, MAHAL YAN. Yung mga kaserola, sandok, kettle, ingatan nyo rin, MAHAL YAN. Yung mga salamin, baka mabasag, MAHAL YAN.  Yung tables and chairs baka magasgasan, MAHAL YAN.

Nikki: Rods, wag kang mag-alala, iingatan namin lahat ng mga kagamitan dito.

Roda: Siguraduhin nyo lang kundi pektus kayong lahat sa coccyx.

Mathew: Aba matinds pare.

All: Bye.

At bumyahe na silang tatlo. Si Charles ang nagda-drive, habang nagkukwentuhan sa back seat sina Roda at Athena.

Athena: Uy. Pagdating dun picture tayo ah.

Roda: Sure. Tapos shopping na rin tayo.

Athena: Sige. Masaya yan.

Charles: Girls, hahanapin natin sina Myra at Kenny, hindi tayo pupunta don para magrelax.

A & R: Sa-yang!

Pagdating sa bahay nina Myra...

Charles: Tao po. Tao po?

May lumabas na babaeng may edad na. Nanay ni Myra. Mukha itong nagulat ng makita ang tatlo.

Charles: Andyan po ba sina Myra at Kenny?

Roda: DEPENDE SA'YO.

Mudra: Pasok muna kayo sa loob. Tatawagin ko lang sya.

At pumasok na ang tatlo sa loob.

Mudra: May gusto ba kayong kainin o inumin?

Charles: Ay. Wag na po. Sandali lang nam---

Roda: Ay. Juice lang po atsaka sandwich, padagdagan na rin po ng rice w/ 2 pieces of chicken legs. Thanks po.

Athena: Kagaya po nung kay Roda.

At tinawag ni mudra ang isang bata upang ihatid ang mga foods.

Athena: *pabulong* Hala. Baka anak na ni Myra yun.

Charles: *pabulong* Sira! Anak yun ng kuya ni Myra.

Roda: Ay ganern. Sa-yang!

Tinawag naman ni mudra si Myra.

Myra: Nay. Bakit nyo po ako tinaw---ag...

Nagulat naman si Myra sa presensya ng tatlo. Biglang tumayo ang tatlo at nag cat walk.

Athena: What's up madlang people! *clapping SFX* My name is Athena Thea, 26, Philippines.

Roda: Good morning Philippines! *clapping SFX* My name is Rodalyn Gasid, 27, Philippines.

Charles: Hello Philippines and hello world! *clapping SFX* My name is Charles Denver Opague, 27, Philippines.

Myra: An-anong ginagawa nyo di-dito?

Roda: DEPENDE SA'YO. Magsi-swimming kami dito sa loob ng balur nyo, keri?

Athena: *binatukan si Roda* Hinahanap namin kayo ni Kenny.

Myra: Para san naman?

Charles: Sinusundo namin kayo. Balik na kayo sa Manila.

Myra: Sige. Tatanungin ko si Kenny.

After 1 hour ay napapayag na nilang tatlo ang dalawa na bumalik.

Kenny: Manilaaaa! Here we come!

Roda: Ay? Diretso uwi na tayo? Di man lang ba tayo magsho-shopping?

Athena: Oo nga naman.

Charles: Girls, nakalimutan nyo na ba yung sinabi ni Nikki? Kailangan nating bumalik agad.

At bumyahe na sila. Sa kabilang dako naman.....

Bumukas ang pintuan ng guest room at lumabas si Joel. Magang-maga ang mga mata at namayat .

Joel: Ba't kayo lang? Nasan yung tatlo? Penge nga 'kong pagkain.

Lucy: Good afternoon din sayo. Nakakahiya naman sayo. Isang buwan kang di lumabas tapos paglabas mag-uutos agad?

Nikki: Wala man lang pabati.

Joel: Edi sorry. Good afternoon. Oh, yan na ah. Happy?

At dahil hindi sya binigyan ng pagkain ng mga kaibigan, umalis nalang sya. Ginamit nya ang Ferrari ni Roda.

Tom: Hoy! Ingatan mo daw yan! MAHAL YAN!

Nang makaalis si Joel ay tinawagan nila si Roda.

Roda: Hello?

Nikki: Lumabas na si Joel sa guest room.

Roda: Oh? Lumabas na sya sa guest room? Baka nagsawa na. Gusto na nya ng ibang view. Baka lumipat na dun sa isa pang guest room.

Jane: Hindi. Lumabas, as in labas na labas. Nag-drive na nga eh.

Roda: Nag-drive?! Anong sasakyan ginamit nya?

Lucy: Yung ferrari mo lang naman.

Roda: Ano?! MAHAL YUN.

Mathew: Sinabi yan ni Tom kay Joel.

Roda: Good. Sige. Kasama na rin namin yung dalawa. Ie-end ko na 'to. Nasasayang ang landline, MAHAL YAN.
End of conversation

Myra: Mga anong oras tayo makakarating?

Roda: DEPENDE SA'YO.

Athena: Mga 5 nandon na tayo.

--->FAST FORWARD--->
Pagdating ng bahay...

Roda: *singhot here, singhot there* Ano yung *singhot* ba-bat may mabaho?

Kenny: Amoy sunog.

Roda: Leche! Sinong nag-iwan dito ng itlog?! Sunog na oh!

Tom: Sorry sorry. Hindi kasi talaga namin alam magluto eh.

Roda: Sayang yung itlog! MAHAL YAN. Nasan na si Joel?

Joel: Andito, bakit?

Roda: Porke hinahanap ka may rason agad? Oh *abot ng sunog na itlog*

Joel: Anong gagawin ko dito?

Roda: Subukan mong iputan tapos lamunin mo. Malamang kakainin mo. Magpapa-deliver nalang kami ng food namin. Sayo yan kasi...1 month ka lang naman nagkulong. So yan ang kapalit slash parusa.

Joel: Niloloko mo ba 'ko?

Roda: *poker face sabay turo sa mukha* Mukha ba 'kong nagbibiro?

Joel: Tsss. Fine.

Roda: Good. Ubusin mo yan, MAHAL YAN.

Later that night...

11:59 PM. Garden.

Myra: I-i'm sorry. Hi-hindi ko sinasadyang i-iwan ka. Believe me, minahal kita.

Joel: Enough. Naiintindihan ko na. Buti na lang andyan sila. Di nila 'ko iniwan.

Myra: Soooo..ok na tayo? Di ka na galit sakin? Kay Kenny?

Joel: *ngiti* Hindi na.

Little did they know na may benteng mata ang nanonood sa kanila.

Mathew: Ano na naman?!

Athena: Ayusin mo yung view. Ang pangit mo naman mag-video eh.

Mathew: Oh bakit? Magaling ka, magaling ka? Kamay mo nga parang na-ground kaya sobrang nanginginig eh.

Athena: Tse! Di naman. Sadyang pasmado lang.

Mathew: K dot. Sabi mo eh.

Jane: Uy! Wag kayong maingay. Hindi na natin maintindihan yung pinag-uusapan nila.

Tom: Tapos na yata silang mag-usap eh.

Roda: Guys, yung camera baka malaglag. MAHAL YAN.

Napalingon naman sina Joel at Myra sa direksyon ng sampu.

Myra: Guys, andyan pala kayo.

Mathew: May naririnig ba kayong nagsasalita?

Lucy:  Parang may dwendeng nagsalita. May matinis na boses eh.

RC: Guys, kung ano ano na naririnig nyo. Baka gutom lang yan.

Joel: Sige. Dedmahin nyo kami. Ililibre ko pa naman sana kayo ng J.Co.

Athena: *lapit kina Joel* Kayo naman. Binibiro lang kayo eh. Wag nyong intindihin yung kanina. Joke-joke lang yun.

At lumapit na lahat...

All except for Joel and Roda: Nasan na yung J.Co?

Roda: Ganon? Matapos mong makitira dito ng 1 month, J.Co ibibigay mo? Mabubusog talaga 'ko sa doughnut.

Joel: Sige. Bahala na kayo sa gusto nyo. Ako nalang magbabayad.

Roda: Yan. Ganyan dapat.

KINABUKASAN...

Roda: Aba't tingnan mo nga naman. May naka-bathing suit dito ah. May juice pang may payong at lemon. May nakalatag pang kumot. May sunblock lotion pa. Bakit pa kayo tumapat sa sikat ng araw kung maglalagay naman kayo ng sunblock? Edi sana humanap kayo ng lilim.

Myra: Bregz, minsan lang naman. Magsi-swimming lang kami.

Roda: Magsi-swimming? Ba't kelangang nakaganyan pa? Wala naman tayo sa beach. Ang liit naman ng pool. 3 meters by 2 meters lang yan eh.

Jane: Keri na yan.

Pumunta naman si Roda sa music room at nakita nya ang boys na kumakanta.

Roda: O, ano naman kanta yan?

Charles: Nag-compose kami. Pakinggan mo.

Tune: What Makes You Beautiful

Mukha mo, boy
Mukhang unggoy
Kalokalike mo si Dumbledo-o-ore.
Parang hipon
Na tinapon
Parang dinaanan ni Ondo-o-oy.

Sabi mo noon ikaw ay gwapo
Sabi mo noon ikaw...

(Chorus)
Ay kamukha ng sobra ni Adam Levine
Nun pala ay mukha kang isang ex-convict

Roda: Itigil nyo na. Tama na. I've heard enough. Pus nyo yan guys ah. Pus nyo talaga yan.

Paglabas naman ni Roda ay nakita nya ang hummer nya. Kaso, iba na ang kulay nito. Ang hood ay puno ng Hello Kitty drawings. Ang roof ay puno ng clouds. Ang likod ay puro flowers. Ang left side ay puro rainbow, habang ang right side ay puro texts gaya ng: Hallllooooo!, Boom Panes!, Whazzup?, Oh yeah Oh yeah!.

Roda: Mga walang utang na inside!

Naglabasan lahat.

Roda: Guys naman. Yung paint, MAHAL YAN. Yung hummer, MAHAL YAN. Naman eh!

All: *peace sign* Sorry, Rods.

Posted via Blogaway


Posted via Blogaway

Sunday, September 21, 2014

Oh Yeah! Oh Yeah!

BEAUTIFUL GOODBYE

Let's imagine:
What would you feel kapag naka-graduate ka na ng college? You would be happy. Kasi after everything, after doing all those assignments, seatworks, quizzes, quarter exams, and projects, finally, you won't encounter them anymore. Pero kakabit nun ang pagkawalay sa mga kaklase mo. Maybe merong iba na magkakasama pa rin, but not anymore the whole class, not anymore all your classmates.

March 25, 2022. After the graduation...
Nakatambay lang ang ex-classmates sa garden ng rest house nila. Sa sobrang closeness kasi ng magkakaibigan, naisipan nilang bumili ng rest house para kapag magbo-bonding sila, dito sila magme-meet. Nakatingin lang sila sa night sky, stargazing kumbaga.
After the awkward silence...

Roda: So.....where do we go from here?

Another silence. Alam nilang magkakalayo-layo na sila. Alam nilang may mga aalis, ngunit may iba namang maiiwan.

RC: I'm going to the US. I guess I'll be staying there. What about you guys?

Joel: I'll be working in NASA, so basically mag-U-US din ako. I don't know when I'll be coming back.

Lucy: I'm going back to Korea. My family is there.

Tom: I'll go to US. I'll continue my studies there. I wanna be a pilot.

Myra: Langya yan. Wala man lang bang maiiwan dito sa Pinas?

Walang sumagot.

Myra: Ako, dito lang ako. Magfa-fashion designer, or artist, or writer.

Jane: I'll be joining the Azkals. So, I'm not always here in the Philippines.

Nikki: I'll be a stewardess. Dito pa rin ako, pero laging nasa flight.

Mathew: I'm joining Miami Heat. Sa US na ako mags-stay.

Athena: We have a family business in Hong Kong. So, I'll be staying there.

Kenny: I'm going with Tom. I wanna be a pilot too.

Charles: I'll be teaching in Harvard University. Social Studies ituturo ko.

Myra: Oh, Roda? Ikaw nagtanong, sinagot na namin. Ikaw naman. San ka pupunta?

Roda: I'm continuing my degree program, Medicine, in Oxford University.

Namayaning muli ang katahimikan. Lahat sila malalayo. Lahat sila magiging busy. Pano pa sila magsasama-sama?

Jane: So....what about this rest house? Who's going to take care of this?

Myra: Ako o kaya si Nikki pag may time. Ang hirap naman. Ang lalayo natin sa isa't isa.

RC: There's Skype, Facebook, Twitter, E-mail, Kakao Talk, Instagram. We can still contact each other.

Roda: Mm, yeah, there are lots of ways. Pero...kasi, iba pa rin kapag magkakaharap tayo eh, yung magkakasama.

Charles: Ang hirap pala 'no? Kapag sobrang close kayo ng classmates mo tapos maghihiwa-hiwalay rin kayo pagka-graduate.

Another silence. 11:59 PM na, pero wala pa rin sa kanila ang nag-aayang matulog. Hindi pa sila inaantok. Sinusulit nila ang mga sandaling kumpleto ang barkada. Sinusulit nila ang mga sandaling magkakasama pa rin sila. Dahil baka pagdating ng bukas, aalis na ang isa sa kanila. Ayaw nilang maghiwa-hiwalay ngunit kailangan. Nagpatugtog naman si Athena: Count on Me. Sinabayan nalang nila ito.

You can count on me like one, two, three
I'll be there

Mathew: Basta guys, pag may problema o kaya may kailangan ang isa, tumawag lang kayo. Sigurado, gagaan yung mood nyo.

Naluluha naman na lahat sila. Sino ba naman ang hindi? Simula Grade 8 hanggang college, magkakasama na sila.

Lucy: Wag nga tayong umiyak. Magkikita-kita pa rin naman tayo eh.

Tom: Oo nga. Para naman tayong namatayan kakaiyak.

Kinabukasan...
9:00 AM. Airport. Aalis na sina Lucy, Tom, Kenny, Charles, RC, Mathew at Joel.

Myra: Yung totoo? Sabay-sabay pa talaga flight nyo.

Mathew: Kailangan eh. Mag-a-apply pa kami.

Kenny: Mag-e-enroll pa kami ni Tom.

Jane: Ingat, guys, ah. Pag may problema, tawag lang. Dapat updated pa rin tayo sa isa't isa.

Nikki: Bisita kayo minsan ah.

Lucy: Oo naman. We won't forget that.

Joel: Guys, salamat sa lahat ah. Mamimiss ko kayo.

Athena: Nagde-death speech ka na ba Joel?

Joel: Nagte-thank you lang naman.

Charles: Kita-kits na lang guys ah.

Roda: Bye, guys. See you when we see you.

Myra: Bye, guys. Bye, Charles. Go Charles, go Charles, go sexy sexy Charles!

Roda: Nasan ang split?

Myra: Masakit yun eh.

All: BYE!

Myra: Oh Jane, kelan simula ng training?

Jane: Next week pa naman.

Nikki: Umalis na sila. Ikaw Rods, kelan?

Roda: Ang sama mo sakin. Pinapalayas mo na 'ko?

Nikki: Tinatanong lang.

Roda: Sa isang araw.

Myra: Ba't ang bibilis nyong umalis?

Roda: May kailangan pa 'kong asikasuhin eh. Kung 'di ko lang talaga dream school ang Oxford University, dito ko nalang ico-continue yung studies ko.

Myra: Nakaka-miss na agad sila.

Nikki: Tsk. Oo nga eh.

Roda: Wag na tayong malungkot. Maging masaya na lang tayo kasi makakamtan na nila yung dreams nila.

Jane: Let's just wish them the best.

March 28. Araw ng alis ni Roda.

Myra: Ang daya-daya talaga. Nagsi-alisan na kayong lahat.

Nikki: Lahat Myra? Lahat? Pano naman kami ni Jane?

Myra: Edi. Take two. Ang daya-daya talaga. Nagsi-alisan na halos lahat. Oh Nikki and Jane, happy?

Si Roda naman ay tahimik lang na pinapanood ang mga kaibigan.

Jane: Salita ka naman. Nakakapanis ng laway ang sobrang katahimikan.

Roda: Bye na guys. Tawag na yung flight ko.

Athena: Psst. Pag di ka talaga dumalaw, sasampalin kita.

Roda: Oo na. Oo na. Atsaka, sanay na 'ko sa sampal mo 'no. Bye.

M, J, A, N: Bye. Ingat.

Nang makaalis na si Roda, umalis na rin sa airport ang tatlo.

Myra: Pano ba yan? Apat na lang tayo dito.

Nikki: Nakakalungkot lang isipin.

Myra: Si Jane na sunod na magpapaka-busy. Tara, sa rest house tayo.

After 9 months...
Lahat sila busy. Sina Kenny, Tom, at Roda ay pinagbubuti ang pag-aaral. Si Charles ay masayang nagtuturo sa mga estudyante nya. Si Nikki ay natutuwa dahil nalilibot nya ang buong Pilipinas. Si Jane ay patuloy pa rin sa pag-eensayo. Si Myra ay busy sa pagde-design ng mga damit. Part-time chef/baker din sya. Si Mathew ay nakapasok na sa Miami Heat team. Si Joel an busy sa pag-e-experiment. Si Athena naman ay busy sa pagma-manage ng company nila. Si RC ay nagpatuloy sa pagkanta sa US. Si Lucy naman ay isa ng chef. Pero kahit may kanya-kanya ng pinagkakaabalahan, hindi nila nalilimutan ang mag-Skype. Every week nila itong ginagawa. At bawat pag-uusap nila, hindi nila maiwasan ang malungkot.

Roda: Nas-stress ang beauty ko, pramis.

Myra: Ganito pala feeling ng magtrabaho. Nakakabawas ng beauty.

Athena: I know right.

Charles: Hanggang ngayon ba naman GGSS pa rin kayo?

Mathew: Habang-buhay ng ganyan yang mga yan.

Roda: Guys, next time na lang ha? May project pa 'kong aasikasuhin eh.

Nikki: Sige. Miss ko na kayo. Kita-kits.

"Kita-kits". Lagi nila yang sinasabi. Kaso, hindi nila alam kung kelan sila ulit magki-kita kita. Basta't ang alam lang nila, magkikita pa ulit sila.

After 5 years...

Myra: Oh sige. Lamon pa more! Sarap no? Kami ni Lucy nagluto at nagbake ng mga yan. May halong pagmamahal yan.

Charles: Asdfghjkl! Jdimrnnvodemmdjcjjs!

Kenny: Charles, pwedeng maghinay-hinay. Hindi ka namin uubusan.

Charles: Sarap eh.

Joel: Sino nag-alaga dito sa rest house?

Myra: Yung pinakamaganda dito.

Athena: Hindi mo naman sinabi na ako pala nag-alaga ng rest house natin.

Myra: Leche ka! Sarili ko tinutukoy ko.

Inikutan naman ni Roda si Myra na parang sinusuri ito. Pagkatapos, hinawakan nya ang mukha ni Myra at tinagi-tagilid.

Jane: Anong hinahanap mo kay Myra?

Roda: Yung kagandahang pinagmamalaki nya.

Tom: Oh, nahanap mo?

Roda: Ayun na nga eh. Hindi ko mahanap. Ang pagkakaalam ko, wala naman sya nun eh.

Myra: Gaga ka, Rodalyn. Ang sama mo sakin forevs.

Roda: Joke lang. Ikaw kaya ang pinakamagandang alien sa buong universe. Ay este, bakla pala. Ay este, babae.

Myra: Awww. I love you Roda.

Roda: Don't worry. I love myself, too.

At nabatukan naman sya ni Myra dahil sa kalokohan. Nagpatuloy nalang ang magkakaibigan sa pagku-kwentuhan. Lumipas man ang maraming panahon, hindi nila nakalimutan ang isa't isa. At kelanman, magkikita't magkikita pa rin sila, mamatay na ang tumutol.

End...

R/N
Yan ang pumasok sa utak kong topic eh. Joke-joke lan po 'to.


Posted via Blogaway

PAIN


"Pain is inevitable, but suffering is a choice." I just like and believe in this quote so much. People get hurt. People experience pain. And when they do, they cry. But sometimes, they're just so used to it that they ignore it already. They laugh at it. They just smile at it. But not everyone can smile and laugh while in pain. Like me. I cry.....when no eyes are on me. I cry.....when no one's around. I cry.....when I'm alone. I experience pain........too much pain actually. Sometimes, in school, I really don't talk. Why? It's either I'm tired, I'm not in the mood to talk, or I remember "those painful times". When I'm in pain, it's like I already forgot how to smile, laugh, and talk. What's stupid is that I sometimes don't know how to get over it. I don't know how to get over with what I feel. I need a shoulder to cry on. And that's also a problem. I can't look for someone who can be my shoulder to cry on. I don't have siblings. My cousins are all in the province. I don't cry in front of my parents. I have friends, but I barely tell them my problems. And also, I don't tell anyone about my problems. For short, kinikimkim ko lahat. So basically, no one can be my shoulder to cry on, since no one even knows if I have a problem and what that problem is. Do you know the commercial of Lucky Me that "3 out of 4 teens don't want to eat meals with their family"? I can say that I can relate with that........well, sometimes. Sino ba naman ang gaganahan kumain kung habang lumalamon ka, tinatalakan ka? Kahit na saksakan pa ng sarap ang ulam, mawawalan talaga 'ko ng gana. Kahit spaghetti pa nasa harapan ko, hindi ko kakainin. At kahit pa gutom na gutom na 'ko, hindi ako kakain. At kapag hindi ako kumain dahil nga nawalan na 'ko ng gana, hindi talaga nila 'ko tatawagin. I understand why they won't call me, kasi kagustuhan kong wag kumain eh. But what I don't understand is: Why do they get mad while I'm eating? At kapag tinatalakan ako, kahit ano pang italak sa 'kin, wa epek. Di ko sila sasagutin, at hindi ko rin sila titingnan. Mukha 'kong manhid pag nasa harap nila. Pero kapag pumasok na 'ko sa room at mag-isa na lang ako, aba't ayaw magpaawat ng mga pesteng luha at nag-uunahan pa. And I have no choice but to let them run. Kesa naman pati luha pigilan ko pa. And sometimes, kapag tulog na lahat, maiiwan akong gising pero nakahiga, habang may mga crystal tears na tumutulo mula sa aking saksakan ng gandang mga mata. Wala. Nasasaktan lang. Kapag nasaktan ka, umiyak ka. Pero wag mong sobrahan. Kase, ikaw lang rin masasaktan. Nasaktan ka na nga, pumangit ka pa, kasi namaga mata mo eh. Kaya sa lahat ng mga nasasaktan dyan, maraming kagaya mong nasasaktan din. At kung nasasaktan kayo ngayon, there's more to life, and there's more pain to come. Malalagpasan mo rin yan, at kapag nalagpasan mo na, another reason will come for you to experience pain. 'Cause pain, it's part of life.

P.S. Ang sarap umiyak ngayon, pramis. Dito ko lang talaga nailalabas yung pain. Ahuhuhu


Posted via Blogaway

Tuesday, September 16, 2014

I'M SORRY, BUT PLEASE UNDERSTAND: I'M ONLY HUMAN

Sometimes, people get mad at you and you don't even know the reason why. Pag nagkamali ka, papagalitan ka o kaya sisigawan ka na parang you NEVER did anything good and right in your whole life. I KNOW I'M NOT PERFECT, AND NO ONE IS. I KNOW I'M STUPID. I KNOW I'M AN IDIOT. I KNOW I'M BAD. I KNOW I'M NOT SMART. ALAM KONG WALANGHIYA AKO. ALAM KONG TANGA AKO. ALAM KONG PURO SAKIT NG ULO LANG ANG NADUDULOT KO SA INYO. I admit all these things. But please, PLEASE. Wag nyo naman akong sigawan na parang gusto nyong marinig ng buong mundo na WALA AKONG KWENTA. Wag nyo naman akong i-compare with the smarter and better students or kids out there. Kase hindi naman puro kasamaan, kagaguhan, at katangahan ang nagagawa ko. Kahit papano, alam ko namang may nagagawa pa rin akong tama. TAO LANG PO AKO. Hindi ko kayang gawin lahat ng gusto nyong gawin ko. I CAN'T BE THE EXACT PERSON YOU WANT ME TO BE. May limitations din naman ako. Minsan nga, tinatanong ko nalang yung sarili ko, "Why do I exist? Does my existence even make sense? Is there even at least one person in this world who's happy that I am existing?" I tried making you proud. I tried being who you want me to be. I tried being as smart as you want me to be. And I'm sorry. I'm sorry kung lahat ng yun, I failed them. Sorry if I can't be the kind of daughter you want me to be. I tried my best. But it seems like...my BEST ain't enough. I'm not mad at you. I just want you to understand me, and accept me for who I am. I never explained my side, for when I speak, you wouldn't even listen to me. Believe me, I never wanted to disappoint you. Siguro, I don't know. Nakakabit na sakin yun. Lagi kong naiisip na, I'M JUST A DISAPPOINTMENT. I'M JUST A MESS. I'm sorry for being such a stupid daughter. I'm sorry kung napakawalang kwenta kong anak. If only you could choose your sons/daughters, one thing's for sure: IT'S NOT GONNA BE ME, AND IT WILL NEVER BE ME.

P.S. Sorry. Dito ko nalang kase pwedeng ilabas lahat eh. Napupuno na kasi ako


Posted via Blogaway

Monday, September 15, 2014

THE REUNION 4.0

MYRA!
THE REUNION 4.0
R/N
Antok na antok na 'ko habang sinusulat 'to, yun nga lang hindi ako makatulog. Kaya pagpasensyahan kung masabaw ng sobra. Hay nako, Myra. Tigil-tigilan mo yang KenDalyn to KeiLyn mo na yan. The content of this entry is full of jokes. Sa mga magseseryoso, pektus sa larynx. Yung picture sa taas, para kay Myra.
End of R/N
2035. Sahara Desert. Ang venue ng reunion ng mga loka, sa beach resort ng dyosa, walang iba kundi si Roda. Ehem. Pinaghirapan kong isipin yang rhyme na yan. Oha! Sosyal. BEACH RESORT SA SAHARA.
Mataas ang sikat ng araw. Nagsu-sunbathing sina Myra, Jane, at Lucy. Si Roda naman ay nasa MoonBaks, isang coffee shop na sumikat after the decline of Starbucks. Si Athena ay nasa kwarto pa rin, nakatihaya, nakataas both arms, naghihilik ng saksakan ng lakas, nganga, at TL. Ang boys ay naglalaro ng water hockey (sa tubig mismo sila naglalaro). Ngunit magugulat ang lahat sa pagdating ni...Nikki. Napatingin ang lahat ng kalalakihan at napanganga. Ang OOTD ni Nikki ay: knee-level na socks, jogging pants, rubber shoes, t-shirt, at makapal na jacket.
Myra: Ang lamig Nikki no? Ang ginaw-ginaw ng sobra. Pramis.
Joel: Ang sexy mo naman sa outfit mo, my babe my sunshine. *sabay flying kiss at todo pout*
Bigla naman dumating si Roda.
Roda: Oh? Nikki, 'di mo naman sinabi na sa North Pole mo gustong magreunion.
Nikki: Boyfriend ko mismo pumili nito no.
Jane: At sino naman yang jowa mo na nauto kang magsuot ng ganyan?
Nikki: Hulaan nyo. Model sya ng "Ang Walang Saplot na Trulaloo" (Lumipas na ho kasi ang The Naked Truth).
Lucy: Ohmaygash! Walang saplot yung jowa mo?
Tom: Si Bogart yung boyfriend mo?
Nikki: Hey, ang bad bad nyo sa kanya.
Bigla naman dumating ang boyfriend ni Nikki.
???: Hi my sweetie-pie, my cutie-pie, my honey-pie, my buko pie, my apple pie, my pineapple pie, my egg pie, my sinampay, my pamaypay, my tinapay at kung anu-ano pang may 'pay'.
Nikki: Hi, babe. Ang dami mo namang tinawag.
Charles: Ikaw lang lahat yon. May tula ako para sayo.
My sweetie-pie, my cutie-pie, my honey-pie, my buko pie, my apple pie, my pineapple pie, my egg pie, my sinampay, my pamaypay, my tinapay at kung anu-ano pang may 'pay', you are the...
Center of my buhay,
Hanger of my sinampay,
Favorite of my nanay,
Crush of my tatay,
Latigo who makes latay
To the skin of my kaaway,
Crumbs of my tinapay,
Bubbles of my laway,
Kangkong of Popeye,
Anay of my bahay,
Blood of my atay,
Cure to my 'Aray',
Pan that I use to fry,
Clouds in the sky,
Apple of my eye,
Reason why I'm always high,
Hangin when I sigh,
Answer to my 'Why',
Nutrients to my gulay,
Signal of my wi-fi,
Railings of my tulay,
That's why without you, my cutiepie,
My buhay has no saysay.
I love you, my sweetie-pie, my cutie-pie, my honey-pie, my buko pie, my apple pie, my pineapple pie, my egg pie, my sinampay, my pamaypay, my tinapay at kung anu-ano pang may 'pay'.
Nikki: *tumutulo na ang luha sa sobrang pagka-touched, pati sipon ay hindi nagpaawat* Oh my god, Babe. That's so touching.
Niyakap nalang ni Charles ang nobya (ChaKki feels. Nirequest 'to ni Nikki nung nasa ATC kami.).
Joel: M-my babe, my su-sunshine, s-si Charles ang b-boy-friend mo?
Nikki: Ah, oo. Everyone, I'd like you to meet my boyfriend, Charles. Yung model ng "Ang Walang Saplot na Trulaloo".
Myra: Kilala namin si Charles, don't worry. Kain nalang muna tayo.
Lucy: Saan naman tayo kakain?
Roda: Maraming kainan dito. Moonbaks (Starbucks noon), Gloomyfly (Jollibee noon), Alog-alog (dating Shakey's), Pizza Mansion (dating Pizza Hut), Green-minded Witch (dating Greenwich). Pili kayo.
At napagdesisyunan nila na sa Gloomyfly kumain. Pagkapasok ay puro langaw ang loob ng store.
Myra: Leche. Ba't puro langaw?
Athena: Kaya nga may 'fly' sa pangalan eh.
RC: Order na tayo.
Athena: Akin yung Spaghetti w/ Fly Eggs, Chicken na Puro Buto, Puro Ngatngat na Mabahong Medyas. Tapos yung drinks, Tae Float at Urine-Flavored Juice.
All: Ganun na rin.
Sa bandang pintuan naman ay may mga mascot na langaw na sumasayaw sa saliw ng tugtog na: "Sa Gloomyfly, bida ang langaw" (in the tune of Jollibee Bida ang Saya song).
Joel: My babe my sunshine, Spaghetti masarap to.
Charles: My sweetie-pie, my cutie-pie, my honey-pie, my buko pie, my apple pie, my pineapple pie, my egg pie, my sinampay, my pamaypay, my tinapay at kung anu-ano pang may 'pay'. Tae Float, mas masarap to.
At kinuha ni Nikki ang drink kay Charles. Sinipsip nya ng sinipsip ang float hanggang sa wala ng natira. Simot sarap. (Nai-imagine ko yung mga sinusulat ko. Nakakadiri.) Nainis naman si RC sa sayaw ng mga langaw kaya nilapitan nya ang mga ito.
RC: Hey. Wanna learn some new breakdance moves? Imma teach you how to dance, men!
Kenny: O? Is RC drunk?
Mathew: Mas malala pa nga yan sa lasing eh.
<<FAST FORWARD>>
Kinagabihan...
Naglalaro ang lahat ng hide-and-seek. Ngunit kakaiba ang eksena. Ang taya ay pipiringan. Ang mga hahanapin naman ay gagawa ng sounds para magkaroon ng clue ang taya. Ang sound na gagawin ay 'moan'. Kailangan nilang umungol. Kaya ang tawag sa laro nila ay "Ungul-ungulan". Si Tom ang taya.
Tom: Ungul-ungulan maliwanag ang buwan. Pagkabilang kong isa, umuungol na kayo. Isa.
Actually, hindi kailangang magtago kasi naka-blindfold naman ang it. Basta pagkatapos magbilang, hindi ka na pwedeng umalis sa pwesto mo, maliban nalang pag sinabi ng it ang "Move!". Pag sinabi ng it ang "Moan!" kailangang mag-moan ng lahat. Si Myra ay hindi nakatakbo agad at nasa tapat lang sya ng puno kung nasan si Tom. Ayan na palapit na si Tom sa kanya. And...Boom! Nahawakan ni Tom si Myra sa buhok.
Tom: Moan!
Myra: Uhhhh...uuhhhh...uhhhhhhhhh....
Bigla naman tumakbo palayo si Tom. Nagulat ang lahat kaya't nilapitan nila ito.
Kenny: Oh, Tom. Anyare pare?
Tom: *umiiyak at nanginginig* M-may narinig akong ungol. Parang may nire-rape (peace tayo.).
Myra: Bwiset ka. Anong nire-rape? Ako yung umuungol eh. Sabi mo kasi "Moan!"
Nikki: Hay nako. Let's stop this. Let's sleep.
Joel: Tabi ba tayo, my babe my sunshine?
Charles: Malamang sakin tatabi si my sweetie-pie, my cutie-pie, my honey-pie, my buko pie, my apple pie, my pineapple pie, my egg pie, my sinampay, my pamaypay, my tinapay at kung anu-ano pang may 'pay'. Diba?
Nikki: Of course, Love.
Athena: Sige, Joel. Lamon pa ng HOPIA.
Roda: Pssst. Wag kang ganyan. Baka sabihan ka na naman na CLOSE-MINDED ka.
Athena: Sanay na 'ko.
At nagsimula ng maglakad palayo ang iba kabilang na ang ChaKki. Naiwan na lang sina Myra, Roda, at Athena. MAR for short.
M: Pssst. Rods, kailan ka gagawa ng entry sa blog na kami naman ni Charles ang magpartner?
A: Ano namang name ng loveteam nyo?
M: ChaRa. Oh diba? Mas maganda kesa ChaKki.
R: Wow naman. Makapag-request parang ang dali mag blog. Bat di ikaw gumawa tutal ikaw may gusto?
M: Anyway, ok lang yan. ChaKki sa stories, ChaRa naman ang haharap sa altar.
A: Haharap sa altar? Bakit?
R & A: Ililibing na kayo?
M: Leche! Magtigil kayo!
At habang naglalakad pabalik ng hotel ang tatlo, nakita naman nila sa may shore sina Joel at Lucy na masinsinang nag-uusap. Ehem. JUcy feels. At dahil mga chismosa, nakinig ang tatlo sa usapan.
Joel: Lucy, may pick-up line ako sayo.
Lucy: Oh? Ano naman yun?
Joel: Buko ka ba?
Lucy: Bakit?
Joel: Kase...ikaw ang BUhay KO eh.
Roda: *pabulong* Sobrang bago nung pick-up line. Wala pang nakakagamit nyan pramis.
Lucy: Ako rin may pick-up line for you.
Joel: *tuwang-tuwa* Talaga? Ano yun?
Lucy: Buko ka rin ba?
Joel: Baket? Kasi ako rin ba ang buhay mo?
Lucy: Hindi. Ang sarap mo kasing ihulog mula sa tuktok ng coconut tree eh.
Athena: *pabulong* Hanggang kay Lucy ba naman? Hopia pa rin sya?
Myra: Pag ikaw Athena, niligawan ka ni Joel? Ano gagawin mo?
Athena: Ba-busted-in sya. Diba nga? CLOSE-MINDED ako. Alam nyo yan.
M & R: Oo, nga naman.
KINABUKASAN...
At dahil disyerto ang lugar, hindi maiiwasang magkaroon ng sandstorm.
Lucy: Ohmaygash! Puro buhangin.
Roda: Malamang. Kaya nga sandstorm eh.
Myra: Bat kasi dito tayo nag-reunion?
Roda: Wow naman sa venue ng reunion natin nung 2027 diba? May gyera.
Joel: My babe my sunshine, dito ka sa tabi ko.
Charles: Hoy ikaw. Tigilan mo kami ng my sweetie-pie, my cutie-pie, my honey-pie, my buko pie, my apple pie, my pineapple pie, my egg pie, my sinampay, my pamaypay, my tinapay at kung anu-ano pang may 'pay' ko ah. Sapakan nalang para walang away oh. Ano?
Joel: Sige.
At nagsimulang magsapakan ang dalawa habang may storm ng sand sa labas.
Mathew: Ako referee.
Pumwesto na ang dalawang manlalaro. Pumwesto na rin ang referee sa gitna.
Mathew: In the pink corner. 5 ft, always defeated with 0 wins and 25 losses. Joel Andrei Raaaaaaamireeeez! In the grey corner, 8 ft, the undefeated with 25 wins and 0 loss. The defending champion, Charles Denver Oooooooopagueeeeeee.
Mathew: I'll explain the rules. Below the belt is allowed. Kicking is allowed. We have 5 rounds. Oyyy 5 ROUNDS dami nun ah. Hindi kaya nakakapagod yun? Okay? Let's start.
Nag-ring na ang bell. Ang judges ay sina Nikki, Lucy, at Roda. Ang announcer ay si Athena.
Nag-cat walk naman sa boxing ring si Myra hawak ang round number. Ikot to the left, ikot to the right, ikot sa side ng ring, ikot kay Joel, ikot kay Charles, ikot sa referee. Pose. Pose. Pose. At nagpalakpakan naman ang audience.
Sa first round ay intense na. Pawis na pawis ang dalawa. Suntok here. Suntok there. Suntok everywhere.
Athena: At nakikita natin ngayon mga kaibigan. Sobrang galit na galit ang dalawa sa isa't isa. Interview-hin po natin ang referee. *pasok sa boxing ring* Sir, ano pong masasabi nyo sa laban ng dalawa?
Mathew: WALA.
Athena: Narinig ho natin ang napakagandang kumento ng referee. Kausapin naman po natin ang forever defeated and forever hopia, Joel. Ano ang masasabi mo?
Pilit iniiwas ni Joel ang mukha sa mic. Pero dahil nga CLOSE-MINDED si Athena, hindi nya nilubayan si Joel.
Joel: Ang kulit mo ah. Eto sayo!
At sinuntok ni Joel si Athena ng saksakan ng lakas at natamaan si Athena sa ilong.
Joel: CLOSE-MINDED ka kasi.
Charles: Bat mo sinapak ang cousin ko? Eto sayo.
At sinuntok ni Charles si Joel sa puson. Ting ting ting ting! End of Round 1. Knock-out si Joel.
Charles: My sweetie-pie, my cutie-pie, my honey-pie, my buko pie, my apple pie, my pineapple pie, my egg pie, my sinampay, my pamaypay, my tinapay at kung anu-ano pang may 'pay'. Panalo 'ko.
Nikki: Love, halata naman na mananalo ka.
Roda: So para san pa't ginawa kaming judges?
Lucy: Oo nga. Knock-out rin naman pala sa first round.
Athena: A-aray. Ma-masakit ilong ko.
Roda: *kumanta* Boom Pango! Boom boom pango pango!
Mathew: Tara. Nood nalang tayo ng movies guys.
Myra: Pano si Joel?
Roda: May sandstorm parin sa labas diba? Ilabas nyo na lang.
At binuhat na ni Tom ang unconscious na si Joel sabay hagis sa labas. Kung saan nag-landing? Walang nakakaalam at walang may pakealam.
R/N:
We only got One world, one world. That's all we got One world, one world. Nae-LSS ako sa Where is the Love na yan. Hanap kayo ng hanap ng love, eh si Joel sagana sa love......love para kay Nikki. #HopiaForevs

Posted via Blogaway

Sunday, September 14, 2014

NAKAKA-INLAB

Sige Myra Joanna Celis Arce, gagahan tayo sa blog. Tigilan mo yang KenDalyn Keilyn chuchu na yan ah. Nasisira beauty ko. Ehem. Charot lang. Pero tigilan mo talaga yan. Sinasabi ko sayo, sinasabi ko sayo! Wala sinasabi ko lang naman sayo. Yung picture sa taas, pakibuksan ulit Myra, ha? Makikita mo yan sa pagtulog mo.

Sheeeet! Ang gwapo nung nasa background. NAKAKAINLAB! Papakasalan ko talaga yan. Ako mismo madpro-propose. Ako mismo luluhod. Ako mismo bibili ng engagement ring. Pramis.
#HopiaForevs

P.S. Dun sa title na nakakainlab, hindi yung multo ang nakakainlab, ha? Yung background po ng blog ko ang tinutukoy kong nakakainlab.

Wednesday, September 10, 2014

THE REUNION 3.0 (Zombie Apocalypse)

THE REUNION 3.0 (The Zombie Apocalypse)

R/N
Additional characters: Bernard Cloma, Kris Aquino, Kendra Kramer, and Darla Sauler. Uulitin ko ho, ito ho ay isang fictional story.
End R/N

Yun nga lang, tumakbo na si Nikki papunta kay Kenny (Yiieeee! KeKki feels). Kasabay ng pagtakbo ni Nikki ay ang pagdating nina Bernard Cloma, Tita Kris, at Kendra Kramer.

Tita Kris: Oh my god! It's so nakakatakot and madumi outside. Darlaaaa, where's my alcohol?

Bernard: WALA NA.

Darla: Wow. Wit akey informed, teh. Darla rin ang namesung mo?

Bernard: :-)

Kendra: Here's the alcohol Tita Kris, with a note. "I'm so lucky you're not part of my family, Tita Kris. I'm happy you're dirty. Love, Kendra."

Tita Kris: *naglabas ng panyo* Awwww, that's so touching, Kendra. *punas uhog....este, luha*

Charles: Hi, Tita Krissy *beso* and Best *beso kay Kendra*.

Tita Kris: Hi, pamangkin. Nag-gym ka ba?

Charles: Opo. Sinabihan po kasi ako ng manager ko na, I need to have muscles for The Naked Truth 2.0. Kaya nag-gy-gym na 'ko.

Athena: Mahal! *tawag kay Bernard*

Bernard: :-)

Nagyakap naman sina Bernard at Athena. Samantalang sa side naman ng KeKki + Joel + us...

Joel: My babe my sunshine, wag mo syang lapitan. Kakagatin ka nya.

Nikki: Hindi ko pwedeng pabayaan yung boyfriend ko! Love!

Si Kenny naman ay TL (tulo laway) na at namumutla...

Joel: *yakap kay Nikki para maawat* Wag ka ng lumapit my babe my sunshine!

Roda: Awat awat para makayakap.

Charles: Myra, popcorn please. Ang saya manood ng live na sine.

Myra: Edi ikaw kumuha ikaw may gusto eh. Nanonood din kaya ako.

Charles: Sunget. 'Kala mo saksakan ng ganda yung bahay nya.

Myra: Sino bang leche ang gumawa nyang apocalypse na yan?

Joel: Gusto mo talagang malaman?

Charles: Tatanungin ba nya kung ayaw nyang malaman?

Joel: Ako. Ako ang gumawa ng chemicals para maging zombie. Si EJ ang naunang uminom ng chemicals.

Tita Kris: Ayyyy. Ahahaha. Ang cool-cool naman nun. Can you teach me? Then I'll teach you how to dance zumba in exchange. I want Bistek to be a zombie kasi eh. *starts crying* You know kasi, I-i was hurt. I tho- I thought we could be more than friends. I never thought that he wo-would reject me. Ako na nga nanligaw, pakipot pa sya. Huhuhu. Pi-pinahopia nya lang pala 'ko.

Roda: Ehem. Relate yung isa jan.

Joel: Anong relate? Hindi no. Mapapasakin din si Nikki.

Myra.: Ay! Feeler ang lolo nyo. May sinabing ikaw?

Mathew: Hey, Tom. Bakit ka ba siksik ng siksik?

Tom: Huhuhu. Na-nata-takot ak-o.

Lucy: Ang laki-laki mong tao, takot ka?

Siksik naman ng siksik si Tom kina Mathew, Jane, at Lucy.

RC: Hey Tita Kris. You wanna learn some new moves? 'Cause you only know zumba. I'll teach you and Darla other dances.

Kendra: Me, too. Me, too. I will sing for you. Dan-dan-dan, dalandan. Dan-dan-dan sarap ng real. Lasap na lasap, real na real, real na real. Dan-dan-dan dalandaaaaaaaaaan!

RC: *sigh* Okay. That will do.

At umakyat na sila sa 13th floor kung asan ang dance studio nina Myra.

Joel: My babe my sunshine, tayo na lang. Pag naging tayo, ipapainom ko kay Kenny ang lunas sa pagiging zombie.

Nikki: Pero si Kenny ang mahal ko, hindi ikaw! Bitawan mo 'ko.

Joel: Baket?! Dahil mas mayaman sya, ganun ba yon? Ha?! YOU ARE UNDERESTIMATING ME!

Samantalang sina Roda, Myra at Charles naman ay parang nasa sinehan lang talaga. Nakaupo sa couch, cross legs, at kumakain pa ng popcorn coated with nutella, at ang drinks ay pinaghalo-halong RC, Coke, Pepsi, Royal, Mountain Dew, at 7-Up.

Kenny: Rawwwwwrrr! Rawwwwwrr! Ra-ra-ra-a-a-a. Rama-rama-ma-a. Gaga-ooh-la-la.

Biglang hinila ni Kenny si Nikki mula kay Joel. Nasubsob naman si Nikki sa dibdib ni Kenny dahil sa lakas ng pagkakahatak (Ehmeged. KeKki feels). Kaya napayakap si Nikki sa nobyo.

Joel: Hoy! Bitawan mo si Nikki. Akin sya!

Kenny: *nakapagsalita ng maayos* Akin lang ang alagang dwende ko! Ay, este, ang girlfriend ko pala. Take two, take two.

Joel: Hoy! Bitawan mo si Nikki. Akin sya!

Kenny: Akin lang ang girlfriend ko!

Bigla naman sumugod si Joel kay Kenny. Para hindi masaktan si Nikki, tinulak siya ni Kenny. Sa hindi sinasadyang pagkakataon, nasubsob ang mukha ni Nikki sa mga cacti plants ni Myra dahilan upang magdugo ang kanyang nguso.

M, R, C (Myra, Roda, Charles): Ouch. Saklap. Laslas na friends.

Bigla namang napatingin sina Joel at Kenny kay Nikki.

Kenny: Tsss. Pangit mo na. Break na tayo.

Dahil nairita sa narinig, sinapak ni Joel si Kenny. Wala namang nangyari at hindi natinag sa kinatatayuan si Kenny. Relax lang sya at naghe-headbang pa dahil sa music na naririnig mula sa headphones.

Kenny: *habang naghe-headbang* Oh yeah! Oh yeah! Oh yeah!

Bago sumuntok ng isa pa, inipon muna ni Joel ang lakas nya. At biglang..........BOOOOGSH! Tumba si Kenny.

Athena: Pano mo nagawa yun, Brad?

Joel: You put a foooohz (force) in it.

Nikki: A-aray. Tul-tulong naman oh. Anong nangyari kay Kenny?

Bernard: WALA NA.

Tinulungan naman ni Joel na makatayo ang 'my babe my sunshine' nya.

Nikki: Nasan sina Tita Kris?

Bernard: WALA NA.

Mathew: Athena, may iba pa bang alam na salita yang asawa mo?

Bernard: WALA NA.

All except M, R, C: Ah, kaya naman pala.

Habang ang MRC (MyraRodaCharles) naman...

Roda: *punas luha gamit ang tissue* Ang s-sad ng ending nung mo-movie guys * pasa ng tissue kay Myra*

Myra: *punas luha gamit yung pinasang tissue* Oo nga eh. Kawawa naman si Kenny *pasa ng tissue kay Charles*

Charles: *punas luha gamit yung pinasang tissue* Huhuhu. May photoshoot kami ng 5:00 AM ni Best para sa The Naked Truth 2.0. *suminga sa tissue sabay bigay kina M at R*

M & R: YUUUCK!

Charles: Maka.yuck parang hindi kayo sumisinga ah.

Myra: Sumisinga syempre.

Roda: Pero hindi namin binibigay sa iba yung pinagsingahan namin no. Ewww.

Charles: May dala nga palang siopao si Tita Kris, dalawa. Gusto nyo inyo na lang?

M & R: Sure.

Lumitaw naman bigla sina Tita Kris, Darla, Kendra, at RC na PAWIS NA PAWIS dahil sa pagsasayaw. Nagsimulang kumanta si Kendra ng Dan-dan-dan Dalandan habang nagbe-breakdance yung tatlo. Kung ano yung pinaggagagawa ni RC sa classroom, yun yung itinuro nya kina Tita Kris.

Tita Kris: Oh my god! It's so nakakapagod to make sayaw. *paiyak na naman* I-i remember James. Sinisingit nya sa schedule nya yung pag-pagtuturo sakin ng sayaw. I-i never thought that w-we would be an-annulled. Nasan na kaya sya ngayon?

Bernard: WALA NA.

R/N:
Abangan ang The Reunion 4.0. Iba na ang setting dun. Wala ng zombies dun. Pero pag tinamad ako, WALA NA.

Posted via Blogaway


Posted via Blogaway

Tuesday, September 9, 2014

THE REUNION 2.0

THE REUNION 2.0

R/N:
Hindi na ako makaisip ng iba pang title. Reunion pa rin sya (halata naman sa title) pero iba na ang setting. Lahat na po ng Grade 8 students kasama. Ngayon, sa mga nagco-complain tungkol sa mga mangyayari, edi gumawa nalang ulit kayo ng version nyo. Uulitin ko, lahat ng mga conversations, actions, and happenings ay PURONG KALOKOHAN ko lamang.

But before that, I'll share some quotes first:
"Give respect to others not just because they respect you, but because they really deserve to be respected."
"Buti pa lahat ng pera (except for centavos) may tao. Samantalang hindi lahat ng tao may pera."
"Buti pa sa games, pwedeng mag-pause kapag pagod ka na. Sa life, pagod ka man o nag-eenjoy, tuloy-tuloy lang, walang hinto kahit 1 second lang."
"Sometimes you really have to be contented with what you have. Because if you keep on asking for more, the opposite of your wish will happen."
"The more you assume, the more you get hurt."
Ehem ehem, pinaghirapan kong isipin yan. Ewan ko lang kung may ganyang quote na talaga.
End of R/N

2027. Riyadh, Saudi Arabia. 3:00 AM. Sa kalagitnaan ng digmaan, nagre-reunion ang mga loka-loka. May bumabagsak-bagsak pang mga missiles, grenades, at kung ano-ano pang SUMASABOG.

Charles: At dito nyo talaga napiling magreunion ulit ha.

Athena: Para libre. Tutal kay Myra naman yung place eh.

Myra: Rest house namin 'to. Ang ganda no? Pinag-ipunan namin ni EJ 'to.

Roda: Wow ha. REST house. Pano ka namang makakapag-REST kung puro bomba yung nasa paligid.

Myra: Problema mo na 'yun.

Nikki: Buti nakaka-survive kayo sa ganitong environment.

Myra: Actually, ngayon palang nagamit 'tong rest house. It was built 5 years ago.

Jane: Ah, kaya pala mukhang bago. May mga agiw pa dun sa stairs eh.

???: Hi, Love.

Nikki: Hi, Love. Did you enjoy watching fliptop battles?

Kenny: Yeah. But Mathew hid my headphones again. (Hooo! KeKki shipper ako eh. Hahaha)

Joel: My babe, my sunshine, bakit sya ang sinagot mo?

Roda: Sinagot ka rin naman ni Nikki ah. Yes yung kay Kenny, no yung sayo. Pasalamat ka sinagot ka, kung hindi, edi forever hopia.

RC: Guys, guys. Come on, let's dance.

Tumutugtog naman ang No One Else Comes Close. Biglang pumunta si RC sa dancefloor at nag-break dance. Dahil broken-hearted, nagpaturo nalang si Joel kay RC ng dance moves.

Athena: Guys, Bernard (Cloma. Mag-asawa sila) just called. He said he'll be late. May air traffic daw kasi.

Nikki: May mga kasama ba sya sa airplane? May gyera dito ah? May tourists pa rin?

Athena: Ayun na nga eh. Sya lang yung pasahero. Binayaran nya ng saksakan ng laking halaga yung airlines para lang masundan ako dito. He loves me so much talaga.

Charles: Guys, Tita Kris just called. She said she'll be coming also, with Kendra. Also, may photoshoot kami mamayang 5:00 AM dyan sa labas para sa The Naked Truth 2.0.

Lucy: May bombahan sa labas ah.

Charles: Yun kasi ang dapat na background. Ngayon we decided to make it realistic rather than edited.

Tom: Maghuhubad kayo habang may mga missiles?

Charles: Yes. That's so easy. Nung minsan nga nag-shoot kami sa ilalim ng Pacific Ocean. Kailangan kasi namin ng shark. Realistic din sya.

Roda: Hindi na 'ko magtataka kung sa susunod, sa Sun na ang photoshoot nyo.

Reporter: (nanonood kasi kami ng tv) We learned that there's a zombie outbreak that started in Riyadh. Let's ask for more information from Jinombag Kinembang. Jinombag Kinembang, can you give us more details about the zombie outbreak?

JK (short for Jinombag Kinembang): *nakasuot ng headphones* Love is like the sun...Love is in the air...Love is everywhere...Unlimited and free, my love. Love, love, love, love (100x)

Kenny: Oh, what the?! My headphones *turo sa screen*

Mathew: Hahahaha.

Biglang lumabas si Kenny para i-confront ang reporter at para narin kunin ang headphones nya..

Nikki: Love! Delikado sa labas may zombies.

RC: Who said zombies? I have a swiss knife with me, a flashlight, matchbox, well, pretty much everything for camping.

Roda: Camping? Sige labas ka. Mag-bonfire ka.

Biglang sinara ni Myra ang mga pinto dahil papalapit ang mga zombies. Tanong naman ng tanong si RC.

RC: Hey, Charles. What would you do if the zombies enter the house?

Charles: *poker face* I don't know.

Roda: Ako, RC. Tanungin mo 'ko.

RC: Hey, Roda. What would you do if the zombies enter the house?

Roda: Itutulak ka sa kanila ng matahimik ka na. Ayos ba?

Mathew: Guys, guys. Video ni RC na nagbe-break dance.

Nanood naman ang lahat.

Tom: Sino nagturo sayo?

RC: I'm self-taught.

Roda: Hindi talaga lahat ng self-taught nakakabilib 'no? Minsan may mga self-taught na wala naman talagang natututunan.

Charles: Myra, wala ba kayong pagkain dito?

Myra: Meron. Ako mismo nagluto. Masasarap yun.

Athena: Anu-ano?

Myra: Siopao na may palamang bola-bolang tinik, tinolang may sahog na pansit na tinatawag na PanTi, coke na may sago at yung sago tae ng kambing, nilagang aso, pandesal coated with nutella.

Roda: Kaya ka pala naging chef. Sounds so delicious, ha.

Bigla namang pumasok sa loob ng bahay si Kenny na mukhang naging zombie na rin.

Nikki: Love!

Joel: My babe my sunshine, wag mo syang lapitan. Baka makagat ka nya.

Yun nga lang, tumakbo na si Nikki papunta kay Kenny (Yiieeee! KeKki feels). Kasabay ng pagtakbo ni Nikki ay ang pagdating nina Bernard Cloma, Tita Kris, at Kendra Kramer.

R/N:
Abangan sa The Reunion 3.0 kung ano ang mangyayari at kung sino ang may gawa ng zombie apocalypse.


Posted via Blogaway

Sunday, September 7, 2014

Untitled

Maghintay ka Myra. Makikita mo, babawi ako. Pero hindi na Reunion. Nakakasawa na. Basta, let's see. Pag tinamad ako, wag nalang.

P.S. Yung nasa picture, makikita mo mamayang gabi bago ka matulog.

A.P.S. (Another Post-Script) May "Untitled" na rin ako. Yehey.


Posted via Blogaway

MY PHOBIAS

MY PHOBIAS

Everyone, or maybe most, of us have at least one phobia. Well, I have six, and that's quite a lot. Napakamatatakutin ko talaga. Pero ok lang yan, MAGANDA naman. Hehehe, charot lang. Back to what I was talking about, my phobias are these: Phasmophobia, Myrmecophobia, Katsaridaphobia, Hobophobia, Aquaphobia, and my greatest fear, Gerascophobia. I'll be discussing them one by one, and you might just say they're lame, especially my greatest fear. Eh, anong magagawa mo? Wapakels ka.

1) Phasmophobia- Phasmophobia is the term for the fear of ghosts. A lot of people have this, and I'm one of them. I'm afraid that I might just see a ghost in the CR while I'm inside the cubicle. I'm afraid that as I open the door of our classroom, I might just see a ghost sitting on a chair. I'm afraid that in my room, or in our house, I might just see a ghost staring at me as I lay down the bed or as I stand up to get water at night. See? I know that ghosts wouldn't be true if you don't believe in them. Sad to say, I believe that they're true, that's why I'm scared of them. But I like watching horror videos or movies. 'Cause they're cool, that's why I watch them. And I heard in the news before that watching horror movies help your heart work in a better way. I don't know any other details. And at night, before going to sleep, I imagine the ghost characters around me. Seriously, it's stupid. But I can't get them off my mind.

2) Myrmecophobia- Myrmecophobia is the fear of ants. I just really don't like to see ants. When I was a kid, my cousin and I were playing in a field. Running here, running there, running everywhere. Then, I suddenly stopped because I felt some little things crawling up to my lower legs. Then I saw lots of ants. Then I started running back to our house and washed the ants away. I was really shaking that time and my lower legs and feet were so....so itchy. That's how my Myrmecophobia started. Every time I see ants, I remember the time that this happened.

3) Katsaridaphobia- Katsaridaphobia is the fear of cockroaches. Even if the cockroach is just there, not moving, I would call my father to kill the cockroach. It started when I was watching a cockroach fly. Then suddenly, the cockroach flew to my direction until it landed on my leg. I was really jumping as high as I could to make the cockroach fall. But sadly, mission unaccomplished. So I was forced to use my hands to push the cockroach away. But the cockroach didn't fly away. Instead, it crawled fastly up to my shoulder. Dun ko palang nataboy yung ipis. So everytime I see cockroaches just near me, I will really jump out of fear. Also, cockroaches are one of the dirtiest whatsoever.

4) Hobophobia- Hobophobia is the fear of beggars. I really hate it when beggars go near me to ask for food or money. Natatakot kasi ako na baka kung anong gawin nila. Maybe they'll suddenly grab your arm because you gave them nothing. Ewan. Basta takot lang ako sa kanila, especially when the beggars are kids. 'Cause the kids can just grab your stuff like your bag or wallet. They also get mad when you give them nothing. And when they're mad, there's a tendency that they will snatch your stuff or food away.

5) Aquaphobia- Aquaphobia is the fear of water. Meron ako neto when it comes to seeing too much water, like a bucketful. That's why when I take a bath, I spend more than an hour in the bathroom. And about 45 minutes or more of that one hour is spent just by staring at the bucket of water. I don't know kung bakit ako natatakot ibuhos yung isang tabo ng tubig. And when I do, I would shake for a few seconds. It's stupid. I hate it, though I don't know what to do with it. Well, I'm not scared of heights, but if it's water that's underneath, then I would be scared of heights. Kung lupa lang o kaya daan o kaya puro tao at kotse ang nasa baba, I'm okay with it. I would still be able to look down. But if it's water below, like a sea or a river, then manginginig na 'ko.

6) (my greatest fear) Gerascophobia- Gerascophobia is the fear of growing old. Ayokong tumanda kasi I don't know what will happen in the future. Well, nobody knows what's gonna happen in the future. Ako kasi, natatakot ako na baka my future is not going to be good. Also, old people suffer from diseases, and that's inevitable. Natatakot ako about that. Natatakot akong maging mag-isa nalang in the future. Basta. Natatakot akong tumanda. Yun na yun.

Okay. So parang pinapakilala ko ng lubusan ang aking sarili dito blog na 'to. Dinescribe ko na yung not-so-good not-so-bad side ko sa isa kong entry (ME), tapos ngayon naman, yung fears ko. Ano kayang sunod?


Posted via Blogaway

Friday, September 5, 2014

CLUB


Totoo ho ito.

ANG BOOOORIIIING. Leche! Wala yung club teacher, walang may laptop para makapanood ng movie. Ano? Tambay lang kami? Sina Jane at Nikki naggigitara. Ako, nganga. Si Nikki, nagi-strum ng random chords, si Jane pino-problema yung quiz sa Guitar subject nila. Utang na inside! Saksakan ng boring!

After a few minutes.....
Binalik ni Nikki ang gitara ni Mathew. Ang inaatupag nya ngayon, mag-review sa Math. Si Jane, hawak parin ang gitara. Ako, hanggang ngayon, nganga. Hindi ko talaga alam kung anong pwedeng gawin. Sina Jane at Nikki naman hindi nag-uusap. Sarap pag-untugin nung dalawa.

After a few minutes.....
Nag-aaya yung dalawa na maglaro. Yung totoo? Ang laki naman ng room para magtakbuhan kammi. Tatatlo lang rin kami. Hindi pa nag-uusap yung dalawa. Hay naku!

Loooord! Tulong! Please, napakaboring dito. Nakakamatay. Please save us.

After a few minutes.....
We decided to watch scary videos. Yung first video, hahaha, tili kami ng todo ni Nikki, samantalang si Jane, hindi nanonood. Pero natakot rin sya nung sumigaw kami. Hahaha. Ang epic lang.

Okay kota na 'ko sa "After a few minutes". Hanggang dito na lang. Bored na bored na'ko.

Posted via Blogaway


Posted via Blogaway

Thursday, September 4, 2014

ME

ME

Sometimes, people say that, "Whoever you are in school, that's who you are at home." Well, not me. I mean, I'm completely different from the "Roda" in school than the "Roda" at home. Kahit sa ibang places. Sa school, I sometimes share what I feel, but not at home. I don't usually talk to my parents about my feelings. Sa school, I joke. I sing. I'm crazy. That's who I am in school. But at home, I don't do those stuff. I sometimes sing, but more often in school especially during breaks. In school, I laugh a lot (only when something's really funny, 'cause I wouldn't laugh just because I want to without any other reason). At home, I don't laugh that much. In school, I play and talk with my classmates/friends. At home, I don't. Especially because I'm the only child. I wouldn't be able to joke to and laugh with somebody else. When it comes to neighbors (almost my age), we're not close. I don't play with them. I barely talk to them actually.

Also, I'm more of a homebody. I don't usually go out of our house and travel somewhere. I barely go to malls. I just go to malls when I need to buy some important things like school stuff. When I'm alone in the house, I prefer to close the door, all lights are off, all windows are shut, and the door's also locked. I would just open my gadget, wear my earphones and put the volume in it's maximum length and listen to my playlist. I wouldn't care about what's happening outside the house. I feel better that way. Just be alone, listen to music, and nothing more, nothing less. And, like what I said a while ago, I don't share my feelings or problems. 'Cause I prefer to keep it rather than share it with others. They'll just comment and say things to you that can either help you or offend you. Yeah, some people might be able to help you, but I'd rather decide and solve my problem on my own than let others think and problem my problem. Also, in the end, it's you who's supposed to solve your own problems. So kung may mag-a-advice man sayo, it's up to you if you're gonna take his/her advice or not. So, I prefer to do think of things on my own.

I'm also lazy. Sometimes, pag tinamad ako at nagugutom ako, I really wouldn't stand. Even if my distance from the food is just 2 meters, I wouldn't stand just to get that. What more kung tinamad akong pumunta at bumili sa store? I really wouldn't go.

Minsan, matatahimik nalang akong bigla. Some of my classmates think that if I'm quiet, I'm mad or I'm in a bad mood. Hindi naman laging ganun yun. Minsan, wala lang talaga 'ko sa mood na magsalita. Pero kapag ako pagod na dahil madaming ginagawa, at pag ako stressed, nambabara talaga 'ko. Tanungin mo 'ko ng kahit na ano, I will answer that with full sarcasm. I don't know why. Habit ko na yun eh. Tapos maya-maya, matapos mambara, mananahimik na lang rin ako and you won't see me smile.

Another thing about me is...matipid ako when it comes to money. I don't spend much. I don't buy a lot of things. Bibili lang talaga ako kung kailangang-kailingan. And when I buy something, I make sure first if it's worth buying. If not, then I won't buy it. Even if it's vacation, tipid pa rin ako since I don't usually go out of the house.

These are just some characteristics of me. I know they're mostly bad, 'cause I don't like to blog about the good thing/s in me. They're already my secrets (charot). Another serious entry.


Posted via Blogaway

THE REUNION

THE REUNION

R/N:
Hindi ko pa kayang ituloy yung Lucky. Siguro next time nalang. So, eto muna. Dahil MAGANDA ako, gagawan ko ng story ang pinakamamahal kong Grade 8. So, basically, the characters here are my oh-so GORGEOUS and HANDSOME classmates. Actually, Filipinos lang, kase kung kasama yung Koreans, ie-english english ko pa. Please, don't get offended with the happenings, conversations, and loveteams. Eto po ay kathang-isip lamang na malay mo ay magkatotoo in the future.
End of R/N

Year 2025. Reunion. Paris, France. (Sosyal)

May masasaya. May nalulungkot. May nahihiya. Baket? Pagkwentuhan ba naman ng barkada nyo yung mga epic moments noon? Hindi mo mafe-feel yan?

Roda: Ano namang say ng pagka-busted kuno ng isa jan? Not to mention his name which is JOEL.

Joel: *poker face* Yun parin ba ang issue?

Athena: Tigilan yang usapan na yan. Alam nyo naman hopia parin kay ehem yan ngayon. Not to mention the name of his crush which is NIKKI.

Myra: Ano ba kayo? (Tao po kami). Baka sumigaw yan ng "YOU'RE UNDERESTIMATING ME!" dito. Agaw-eksena pa tayo.

Charles: Kailangang mandamay? Sya lang agaw eksena. Sya lang sumigaw eh.

Mathew: Oh. Tahimik yung isa jan.

Nikki: Oy. Hindi ako tahimik no.

Roda: May sinabi bang ikaw yung tinutukoy? Si Nikki, nagiging feeler na ngayon.

Nikki: Che.

Roda: Wag mo kong iniirap-irapan ng ganyan ha. Porket hindi ko kayang iikot-ikot yung mata ko ng ganyan.

RC: Guys, I have a joke. *excited sabihin yung joke nya at tuwang-tuwa*

Athena: Guys, tara dun sa labas. Masaya maggala-gala.

All: Hahaha.

Habang pababa ng hagdan, busy naman si Myra. At sa sobrang KAGANDAHAN, hawak-hawak ni Myra ang make-up kit nya at nag-a-apply ng lipstick.

Roda: Hindi talaga lahat ng nagme-make-up gumaganda, no?

Athena: Magandang (turo sa sarili)........HIPON (turo kay Myra).

Myra: Hanggang ngayon, ako parin trip nyo.

R & A: Walang basagan ng trip.

RC: C'mon guys. Don't you want to listen to my joke?

Mathew: RC, kung ako sayo, pag-iisipan ko ng mabuti yan.

Charles: Ang sama nyo kay RC. Go RC.

RC: Ehem. Ehem. Two men went to a bar. One guy said, "A bottle of H2O please." So the bartender gave him one. Now, the other guy said, "A bottle of H2O, too." The second guy died. HAHAHA. WAHAHAHA. (Sinabi nya talaga yan)

*Kroo kroo*

Roda: May mga joke talaga na yung nag-joke mismo lang ang nakaka-gets.

Athena: Buti pa yung No Odds joke ko. I'm so proud of myself because of that.

Charles: Example din yan nung sinabi ni Roda.

Habang busy kami sa paglait sa mga jokes busy naman ang JoKki sa kabilang banda. Ang pinag-uusapan? Ito.

Joel: My babe, my sunshine, kelan mo ko sasagutin? 3 taon na 'kong nanliligaw ah.

Nikki: Konting hintay nalang. Malapit na malapit na.

Joel: Excited na 'ko dyan, my babe my sunshine (napulot ko lang yan sa Wattpad).

Mathew: *nagpaparinig* Ang sarap talagang kumain ng hopia.

Myra: Paboritong lamunin yan ni Joel.

Athena: Walang sawa sa HOPIA eh.

Joel: Kung kay Nikki naman ako ho-hopia, okay lang. Nikki's worth the wait. Mahal ko eh.

Charles: *hawak ang phone* Guys, Tita Kris texted me. She said, "Hi Charles. Would you like to dance Zumba?"

Nikki: Ano sabi mo?

Charles: Sorry. I can't go. I have a photoshoot in Bench Body with Kendra at 2:00 AM . Next time nalang.

Roda: Pang-ilang photoshoot nyo na yan ni Kendra?

Charles: Pang-69 para sa The Naked Truth.

Mathew: Ang konti nun ha?

Athena: Uy, Joel. May binili 'kong aso.

Joel: Ah, talaga?

Myra: Napakasayang kausap talaga ni Joel.

Athena: Oo. Kamukhang-kamukha mo. Chihuahua rin sya.

<<FAST FORWARD>>
12 AM. In front of the Eiffel Tower.

Myra: Ang ganda talaga ng Eiffel Tower. Parang ako.

Roda: Ang HANGIN talaga dito sa France no?

Bigla namang may lumapit na bata samin.

???: Mommy, I saw a man with a lot of mosquito bites sa face.

Binuhat naman ni Myra ang anak nya.

Nikki: Mosquito bites sa face?

Charles: Kawawa naman yung taong yun.

Mathew: Peyborit ng lamok.

Athena: At sa mukha talaga sya pinuruhan.

Roda: Hay nako guys. Pimples yung tinutukoy nung bata. Anong name mo, baby?

???: Elyra John BLANCO. Ely for short.

Joel: Wow naman. Si EJ pala napangasawa mo?

Roda: Baket? Si EJ lang ang Blanco sa mundo? Malay mo si Zeke.

Charles: Wow Myra. Tandang-tanda namin yung pag-invite mo samin kasal nyo at sa binyag ng anak mo. Grabe. Tandang-tanda talaga.

Myra: Hindi ko kasi kayo macontact.

Roda: Wala na kasing Facebook eh. Neckpaper na ngayon. (2025 na ho. Luma na FB kaya bago na)

Ano nga bang nangyari sa loob ng 11 years?
-Wala ng kuto si Loisa kasi napunta na kay Daniel.
-Lumaki na ang MITIS.
-Naka-bonet parin si Honesto.
-GGSS parin si Myra.
-Hopia parin si Joel.
-Kamukha na ni Joel si Einstein.
-Si Nikki, ganun parin ang height.
-Si Charles, bestfriend na si Kendra Kreimer.
-Si Athena, crush parin si.............
-Kaso si Athena, asawa na si Bernard Cloma.

Marami mang nagbago, friends parin kami. Lumipas man ang panahon, ang KAGANDAHAN namin, andyan pa rin.

R/N:
Hindi ko alam kung pano ie-end kaya ganyan ang kinalabasan. Basta. Yun na yun.

End...


Posted via Blogaway

Wednesday, September 3, 2014

Quote

R/N:
At dahil MAGANDA ako, seryoso 'to. Ita-try ko talagang mag-seryoso dito.
End of R/N

"DON'T JUDGE my choices WITHOUT UNDERSTANDING my reasons."

Life's full of choices. It's your choice to study or not, to go here or there, to go to school or just be absent. It's also your choice if you still want to continue living. These are just some sample situations of choosing. Without choosing between things, you wouldn't be who you are right now; you wouldn't be where you are right now; you wouldn't be doing what you're doing right now. We also choose without us noticing it. It's our choice if we want something to be placed in a specific spot. It's a choice if we want to watch this show instead of the other shows. It's our choice if we want to voice out what's in our mind or to just keep quiet. Pero minsan, sa pamimili natin, hindi maiwasang may mag-comment, may matuwa, at may masaktan.

Ganyan talaga. I mean, it's inevitable na may maapektuhan sa bawat pagpili natin. Like in love. Kung saksakan ka ng GANDA at marami kang manliligaw, hindi pwedeng mag-yes ka sa kanilang lahat. Isa lang ang pwedeng maging boyfriend mo. Syempre, lahat ng manliligaw mo ay ginagawa ang best nila para sayo. At syempre, bawat isa sa kanila aasang piliin mo. And as you choose the person that really stood out for you, masasaktan yung iba mo pang manliligaw kasi hindi sila napili. Pero, kailangan nilang magmove-on. Isa pang example ay kapag kaka-break nyo lang ng jowa mo. Syempre masakit, lalo na kung mahal mo talaga tapos nakipag-break sya. Oh, saklap diba? Laslas na friends. Kapag nasasaktan ka, iiyak ka. Naniniwala kasi ako na "Pain is inevitable, but suffering is a choice". So kapag nasaktan ka, umiyak ka, pero depende na sayo kung maglulupasay ka, hindi kakain for weeks, magkukulong sa kwarto for weeks. Sarili mo lang rin ang pinahirapan mo. Sa tingin mo ba, babalikan ka nya pag ginawa mo yan? Siguro nga babalikan ka nya...yung nga lang, dahil sa awa, siguro lang din naman. Pag nag-break kayo...move-on. Oo, mahirap. Pero kailangan. The sooner, the better. Magpaganda ka, magpakasaya. Ipakita mo sa kanya na, "Ikaw ang nakipag-break, ikaw ang nawalan. Hindi ako." Pero, depende pa rin sayo kung anong gagawin mo. Either be wasted or be stronger and better. Choice mong magpakatatag, reason mo is, pahihirapan mo lang sarili mo kung hindi.

Another example is fangirling/fanboying. Hindi maiiwasan (lalo na nowadays) ang bumilib sa mga artista. Minsan, sa loveteams, magtabi lang sila or mag-usap, kilig na kilig ka na. Minsan, sa sobrang gwapo nung singer/actor, titili ka na. At sa sobrang bilib mo sa kanila, gagawa ka ng accounts with their names, o kaya ii-stalk mo ng paulit-ulit yung account nila. Minsan nga, alam mo na yung talambuhay nila eh. Fangirling or fanboying is also a choice. Choice mo na kung magpapakabaliw ka sa kanila or hindi. Choice mo rin kung kanino ka magpapaka-fan. Reason? Kasi cute sila together. Kasi gwapo/maganda sya. Kasi magaling at idol mo sya/sila. Kasi trip mo lang. Higit sa lahat, kasi napapasaya ka nila/niya. Syempre, you'll be a fan of someone who you really think is good. Hindi ka naman siguro magfa-fangirl sa mga puchu-puchu diba? And often, kung may fans, may haters. Haters hindi lang nung artista kundi pati nung mga fans. Why do they hate? 'Cause they don't understand what the fans understand. They don't see what the fans see over a particular person or couple or loveteam. They bash the fans 'cause they don't see the reason why the fans love the person so much. At dahil naba-bash sila, the fans also bash the haters because they don't see the reason why haters hate. Simple as that. Just because of a showbiz personality, people fight (fans vs. haters). Also, it's a hater's choice kung sino iba-bash nya, or kung mangba-bash ba sya.

Another crazy example. In a wedding, you suddenly run from the altar to outside the church to a far place. Of course, everyone will be shocked especially your family, the groom, and his family. Magagalit sila sayo, or at least some only. Bakit sila nagagalit? 'Cause they don't understand why you chose to run away rather than continue the wedding. Siguro nga alam nila, kasi nasabi mo na sa kanila after you ran away, but knowing is different from understanding. Maybe they don't know the explanation yet. Na kaya mo lang yun ginawa is because ayaw mo ng lokohin yung sarili mo na kaya mo syang pakasalan at ayaw mo syang masaktan that's why you chose to run away. Nasa sayo na kung makikipagbalikan ka kay guy or not anymore.

Example for students are exams. Especially the Multiple Choice and True or False. We choose a particular answer because that's what we think is right. Pero minsan, kapag hindi alam at talagang hindi maalala yung ni-review, "Guessing power!" (Uy. Relate yung iba dyan)

Another example is choosing between the right and the wrong. This situation is common. Kaso, napakahirap. Kahit na sobrang ayaw mong magkasala, we sometimes tend to choose the wrong one. Hindi yan maiiwasan kasi hindi naman tayo santo eh. And we're only humans (and I bleed when I fall down. Charot.). We choose the wrong one over the right one dahil pakiramdam natin na yun yung tama in that moment. Pakiramdam natin na kahit mali yun, yun ang kailangan mong gawin. And when we choose the wrong thing, may maaapektuhan. May magagalit. At late mo ng mare-realize na mali yung ginawa mo. At sana hindi mo nalang ginawa.

Hindi sa lahat ng panahon, tama yung choice natin. Kahit valid man yang reason mo, minsan, mama-mali't mama-mali ka talaga. Don't judge my choices without understanding my reasons. Kaso minsan, hindi natin nae-explain sa iba yung reason natin, kaya hindi nila maiintindihan. Kasi natatakot tayo na baka pag nalaman nila yung reason, they might just say that it's lame. Atsaka, pipiliin lang naman natin ang isang bagay if we think that it's the right thing to do. Mali man sa mga mata ng iba, yun yung tama para sa'tin eh. It's our choice if we do the right thing for them, or the one that's right for us. You won't just choose something dahil trip mo lang. Oo, minsan ganun, pero madalas, may mas malalim na dahilan. Yung nga lang, minsan, kahit sarili natin, hindi natin maintindihan ang reason kung bakit yun yung choice natin. Kaya mapapa-facepalm ka nalang at mapapasabi ng "Ay, tanga!".

R/N:
There, Myra (if ever you'll be reading this). A serious one. Keri na yan. Nahahaggard na ang KAGANDAHAN ko. Vavush!


Posted via Blogaway

Lucky

Lucky

R/N:
Hindi ko na talaga alam ang ilalagay sa blog na 'to. Nadi-distract kasi ako sa KAGANDAHAN ko, hindi ako makapag-focus. Anyway, this story is based on the song "Lucky" by Jason Mraz. Actually, hindi ko alam ang buong lyrics, dahil ang alam ko lang na part ay "Lucky I'm inlove with my bestfriend, Lucky to have been where I have been" ayun. Yun lang alam ko dun. Haba nung part no? Wala pang 10 seconds. Okay eto na. Tatapusin ko na ang walang kwentang R/N na 'to.
End of R/N

Wait lang last na talaga. Yung mga naka-parentheses eh parang R/N. Side-comments ko, ganun.

LUCKY

Chan's POV (Girl ho sya. Pronounced as Shan)

Ako si Chantelle Marie Patayna. Nakatira sa Purok 911, Sexy Ako Street, Maganda Ako Todamax City. Sexytary ng bestfriend kong panget na si Nick Greys Pooh. Lakas makapagpa-gwapo nung name nya noh? Buti pa name ko, maganda at sexy (Leche. Anong sexy sa Chantelle Marie Patayna? Paki-explain. Labyu.) Eto na. Umaakyat ako sa hagdan papuntang 13th floor, kasi dun yung opis ni Espren/Panget/Sir. Hindi kasi gumagana yung elevator, masyado daw mabigat yung pagkakagawa kaya hindi maka-akyat. Pagdating ko sa 13th floor, diretso muna ako sa CR. Syemps, dapat fresh ang BEAUTY mo bago mag-work. Ina-awardan kasi samin ang KAGANDAHAN. Ang award ay tinatawag na "Freshest of the Most Rotten Face". Danda danda nung name nung award noh? Pang-FAMAS. Idea ko kasi yan na kinagat naman ni Panget.

(Pagdating sa harap ng opis)

Knock knock knock. Ay litsing panget. Hindi pinagbubuksan ng pinto ang KAGANDAHAN ko.

Panget: Bukas yan. Wag kang feeler. Hindi kita pagbubuksan ever.

Kaya pumasok na 'ko at kinalampag ang table nya.

Ako: Sino ka para lapastanganin ang KAGANDAHAN ko? Nasaan ang hustisya?

Panget: Ako lang naman ho si Nick Greys Pooh, ang BOSS mo lang naman. Late ka nanaman Ms. Patayna.

Ako: Don't you dare call me using my surname, Mr. Pooh. Ang bantot pakinggan. Pang-lamay.

Panget: Oh? Hindi ba't MAGANDA at sexy yung name mo? Ba't nilalait mo ngayon?

Ako: Che! Makapag-trabaho na nga lang.

Panget: Buti't naisip mo pang magtrabaho. Akala ko wala ka ng balak mag-work eh.

Ako: Ewan ko sayo!

Panget: Ikaw na talaga ang pinakamagalang na secretary sa mundo.

Ako: Correction, Pooh, ay este, Sir. SEXYTARY NA MAGANDA ho.

Pinagdiinan ko talaga sa kanya yan habang palabas ng opis nya. Bwiset. Anyway, Chantelle, bawal ma-stress, nababawasan ang BEAUTY.

Panget: In my office ,again, Ms. Chantelle.

Siraulo to ah. Nakalabas na nga tatawag-tawagin pa ulit.

Ako: Ano nanaman?

Pagalit kong tanong. Bigla ko namang naramdaman na may yumakap sa likod ko. Backhug, ganun. Si Panget, naka-backhug sakin. Yung arms nya, nakapulupot sa waist ko, habang inaamoy-amoy nya yung hair ko.

Panget: Espren, galit ka? Sorry na.

Malambing nyang sabi. Looooord, pwedeng tumili kahit 15 seconds lang. Please? Pero pa-chicks ako eh, so, hindi ako sumagot. Hinalik-halikan naman nya yung cheeks ko habang paulit-ulit na nagso-sorry.

Panget: Sorry na, espren. Gagala pa naman sana tayo. Libre ko.

At dun nagliwanag ang MAGANDA kong face. Atsaka ko sya hinarap (naka-hug pa rin si Nick sakanya).

Ako: Saan?

Panget: Sa Jeju Island, Korea. Sa isang araw na.

Ako: Ehhhhhh..alam mo naman wala akong pamasahe para dyan.

Panget: Business trip sya for 2 days. We will stay there for 1week para may quality time tayo with each other. So, basically, hindi mo kailangang gumastos. Kasi kung may gusto kang bilhin, sagot ko na. Alam mo namang love kita eh.

Ako: Talaga? Yesssss! Thankies! Lotions, perfume, damit, make-ups, facial soaps, facial powders....hmmm...ano pa ba? Yun lang. Para sa KAGANDAHAN ko lang.

Panget: Okay. Bibilhin natin lahat yan.

At sa sobrang tuwa ko, niyakap ko sya. He hugged me tighter habang hinihimas yung hair ko. He's also humming a familiar song.

To be continued...

R/N:
Ayan next time na yung part 2. Hanggang dyan lang ang na-keri ng KAGANDAHAN ko. Myra, kung mababasa mo 'to, hindi ko talaga kaya yung seryosong blog. Baket? Kasi MAGANDA ako. Kase MAGANDA tayo. Diba? Hahaha. Relate na relate. #TheFrettyGroup


Posted via Blogaway