Nung bata pa 'ko, nung kinder pa 'ko, late na 'ko nag-aral. 1 month o 2 months na yata school nun, saka lang ako pumasok. Hindi dahil sa tamad ako, pero late enrollee kasi ako. Nung unang araw ko sa school, ang ingay ingay. Nandun ako sa may dulo. May dalawang long tables, hiwalay ang boys and girls. Table ng girls dun sa left. Tapos, magkakaharap kayo. At dahil nga maingay, nagalit yung teacher. Tapos nag-action sya na iipit yung lips between your pointing finger and thumb. Yung mga kaklase ko, naka-close lang yung mouth, habang ako, ginawa ko talaga yung utos nung teacher. Langya. Nuknukan ako ng pagkamasunurin nun. Kaya ayun. Ang kinalabasan, sila naka-shut lang yung mouth, habang ako ipit-ipit ko talaga yung lips ko between my pointing finger and thumb. Tapos lingon-lingon ako sa paligid. Iniisip ko pa "Bakit hindi nila ginaya si Ma'am?" Yung girls sa paligid ko, nagchu-chuckle sila. Iniisip ko kung anong pinagtatawanan nila kasi nakatingin sila sa 'kin. Tapos saka ko lang na-realize na ako lang yung gumawa nung sinabi nung teacher. So, inalis ko yung fingers ko awkwardly. Walanjo. Hiyang-hiya ako nun pramis.
Pero kalaunan, na-develop yung kakapalan ng mukha ko. After 2-3 months, ako na ang pinakamaingay sa klase. Yung tipong araw-araw kang sisigawan ng teacher dahil sa kaingayan mo, tapos patatayuin ka sa harap, at pagagawin sayo yung hold your lips between your thumb and pointing finger. Kotang-kota ako sa pagtayo sa harapan nun. Peyborit rin akong sigawan ni Ma'am. Kasi naman, habang nagsusulat yung teacher, mag-iingay ako, magtatawanan sila tapos mag-iingay na rin. Tapos nung minsan, hindi ko mabuksan yung zipper ng bag ko. Iyak ako ng iyak nun. Kasi nga, pano ko makukuha yung notebook kung hindi ko mabuksan yung bag? So iyak ako. Tapos lumapit ako kay Ma'am. Sabi pa nya sa'kin, bubuksan nya yun kung hindi ako mag-iingay sa araw na yun. Langya. Namo-mroblema na nga ako, hihingi pa sya ng pabor? Tumango nalang ako kesa naman hindi nya buksan. Edi binuksan nya. Nung nagtuturo na sya, hindi ko napigilang mag-ingay. Hirap kaya ng self-control. Wala ako nyan nung bata pa 'ko eh. Kaya ayun. As expected, tayo ulit. Hindi naman nakakahiyang tumayo sa harap noon, tutal bata pa ako, walang-hiya pa. Tsaka, nonsense lang rin yung pagpapatayo sa 'kin kasi magku-kwentuhan pa rin kami ng classmates ko. Ang nakakahiya lang eh, rinig nung mga parents sa labas na sinisigawan kami, lalo na ako. So kalat na kalat ang kagandahan...este kaingayan ko noon. Saya mag-throwback. Nakakahiya na nakakatawa.
At nung Grade 1 ako, mej behave na 'ko. Mej nakakatakot na mag-ingay kasi marami na kayo sa klase, mej nakakahiya ng tumayo sa harapan ng mag-isa. Tapos nung Grade 1, baliktad yung no. 3 ko nun. Diba nakaharap sya sa kaliwa? Yung 3 ko, nakaharap sa kanan. Oh diba, talino. TTSS ako eh. Talinong-talino sa sarili. Joke. GGSS kaya ako. Gagong-gago sa sarili. Tapos, yung katabi ko saksakan ng ingay. Eh nagalit si Miss. So papaluin nya sana yung kamay nung katabi ko, kaso, kamay ko ang napalo. Huhuhu. Ang sakit kaya nun. Tanga-tanga nung stick, di man lang nagsabi na sa kamay ko sya magla-landing. Ako pa tuloy nasaktan. Tapos nung minsan, absent si Miss. Edi lipat muna kami sa ibang section. Kung minamalas ka nga naman, maingay nanaman yung nakatabi ko. Nagalit yung teacher, babatuhin sana ng eraser na may chalk-chalk pa yung katabi ko, kaso may pagkaduling yata, sa direksyon ko pumunta yung eraser. Buti nalang, nakailag ako. Dyusko. Nakakatakot. Terror pa naman yung teacher na yun.
Grade 3. Bagyong Ondoy, maraming evacuees. So pinalipat ng umaga yung pasok namin. Ngayon, may naging kaklase kami na may pagka-SPED. Let's call him K, tutal dun nagsisimula name nya. Etong si K, nung umupo ako sa harapan ni K, aba kasasabi sabi ba naman, papakasalan nya daw ako. Ang venue? Sa Westbay. Gara noh? Tapos manghahalik pa sya. Buti na lang may mga friends ako. Tinatakpan nila yung mukha ni K gamit ang kung ano man ang madampot nila. At ang nakakahiya, since nasa AM classes kami nung binagyo, nag-share ng room ang Section 1 at 2. Nakakahiya. Nakita ng mga taga-Section 1 yung pinaggagagawa ni K. Tawa sila ng tawa. Gusto ko ng lamunin ng lupa dahil sa hiya noon. Grabe.
Grade 4. HeKaSi (yata). Habang nagdi-discuss si Miss, sobrang ingay nung ibang groups habang yung group/row namin, sobrang tahimik. Ngayon, nainis si Miss. Sa inis nya, pinagbantaan nya kami na ihahagis nya yung bags namin. Tapos lumabas sya, pagbalik nya, kasama na nya yung adviser namin. Tapos pinalabas kaming lahat nung adviser namin, then ang sunod nyang nilabas ay yung bags namin, na yung iba eh opened pa. So pati yung mga gamit like notebooks, pencila cases, etc. eh naitapon din. Tapos sabi nya pa, susunugin daw nila yun. Hinagis hagis na nga nila, susunugin pa? Aba matinde. Sobrang nakakahiya yung pangyayaring yun kasi lahat ng dumadaan, tumitingin sa 'min. Nakakaiyak yun. Huhuhu. Wawa naman us.
Posted via Blogaway
#LAFTREPPP
ReplyDelete