Friday, October 17, 2014

THE DARE

Starring.........all the Grade 8 students of MITIS. OOC (out of character).
JK (Jinombag Kinembang) Productions presents........
THE DARE.
Ateneo de Manila University. Dismissal.
Pera. Mabilis mawala, mahirap makita.
Lucy: Kailangan mo ng pera diba?
Nikki: Kaming bahala sayo girl.
Roda: Hindi mo na kailangang problemahin kung pano mo mapapakain ang pamilya mo.
Jane: Bibigyan kita ng 15,000, sa'yo na rin yung Ferrari.
Athena: Bibigyan kita ng 15,000 din, plus trabaho sa company namin.
Roda: 15,000 plus yung extra condo ko.
Nikki: Pero dapat magawa mo yung sasabihin namin. 45,000 + Ferrari + condo + trabaho, malaking tulong na yun sayo. Ano? Tanggap mo ba?
Myra: A-ano bang dapat kong gawin?
Athena: Sabihin mo muna kung payag ka. Kung payag ka, sasabihin namin. Kung hindi, edi hindi. At ano man ang decision mo, wala ng bawian. Deal?
Ano man ang kapalit, kailangan kong gawin. Kailangan ko ng pera ngayon. Para naman to sa mga kapatid ko, kina mama't papa.
Myra: D-deal.
Roda: Sino man ang unang lalaking lalapit dito at kakausapin tayo ay dapat mong kaibiganin hanggang ma-fall sya sayo. Pagsapit ng graduation or before the graduation, dapat umamin na sya sa'yo. And it's 9 months away from the graduation day. Every month, bibigyan ka namin ng pera, pwera pa yung 45,000 na matatanggap mo when you've accomplished your mission.
Myra: Anong mangyayari pa-pag di ko natapos or na-accomplish?
Jane: Pag di mo sya napaamin on or before the graduation, ibabalik mo samin kung magkano man yung naibigay na namin sa'yo ng DOBLE. Plus, you'll be our PA for 11 months.
Myra: Parang ang hirap naman yata nung pinapagawa nyo.
Lucy: It's gonna be worth it when you finish it. Come to think of it: 45,000, Ferrari, work, condo. And besides, you've agreed.
Athena and Nikki: No more backing out.
Roda: If you accomplish it BEFORE the graduation, I'll make it 60,000. If you won't finish it on the graduation, I'll give you a 3-day extension before making you do the consequences of not finishing the dare. Start praying. Act normal when a guy greets us, okay?
Myra: O-okay.
Nikki: This is gonna be fun *evil smile*
Nasa gym lang sila. Maraming tao, pero no one dared to talk to them for they look so busy. Not until......
????: Hi, girls. Mukhang busy ah?
Athena: *glances meaningfully at Myra* Hi, Mathew. Kasama mo pala ang barkada.
Charles, Joel, RC, Kenny, Tom: Sup, girls?
Nikki, Jane, Roda, Lucy: Hi, boys! :-D
Mathew: Parang ang saya nyo ah? Maliban na nga lang kay Myra na parang ngayon pa lang nafe-feel na ang Biyernes Santo.
Myra: Ok lang ako noh.
Joel: Defensive? Atsaka, hindi naman namin tinatanong ah?
Myra: I'm not talking to you.
Joel: Okay! Chill! Relax!
Nikki: Oh, tama na yan. Mag-aaway nanaman kayo.
Roda: Uhmmmm. Selos na si Nikki.
Joel: *akbay sabay yakap kay Nikki* Wag ka magselos, Babe. Ikaw naman ang love ko eh. Biruan lang yun.
Nikki: *tulak kay Joel* Selos mo mukha mo. Tara na nga.
Boys: Bye, girls. See you tomorrow.
Girls: Bye.
Nang makalayo na sila.....
Roda: Umaayon yata ang tadhana sa'yo. Yung crush mo pa talaga ang unang lumapit.
Myra: Pwede bang hindi ko nalang gawin?
Nikki: No, no, no. Pumayag ka na, and there's no turning back. Come. Ihahatid ka na namin.
At hinatid na nilang lima si Myra. Pagkatapos non ay dumiretso sila sa isang resto, kung saan may kikitain silang tatlong lalaki.
Boy1: What did she say?
Nikki: Syempre napapayag namin sya.
Boy2: Hindi ba sya natatakot? Baka mahirapan sya.
Lucy: Natatakot sya siyempre. Pero she has to remember na she'll be doing this for her family rin naman.
Jane: Andami nya kayang prizes. Work, Ferrari, condo, 60K. Wow.
Boy3: Anong sinabi nyong kapalit if she fails?
Athena: She'll be our assistant for 11 months, and dodoblehin nya kung magkano man ang naibigay na namin sa kanya.
Boy2: O---kay? Who thought of that?
Lucy: It's obvious.
Boy1: Ahhh. Roda and her evil mind.
Roda: Makapag-evil mind ka naman. Ipapaalala ko lang na hindi ako yung mastermind ng planong 'to.
Boy3: But who thought of the ways? Who planned of how to convince her? Isn't it you?
Roda: Fine, fine. It's always me who thinks of ways here.
Boy2: EVIL ways.
Roda: Shut up. I wanna go home. Let's see how Myra will start her mission. *evil smirk*
KINABUKASAN.....
Maaga palang nasa school na ang limang girls. They're excited and nervous at the same time, thinking of how Myra's gonna start her mission.
Athena: There she is.
Nikki: Are we supposed to follow her all throughout the day?
Roda: Yeah. It's easy. Classmate naman natin sya and Mathew in all our subjects, so we won't be really having a ahrd time.
Myra was walking in the girls' locker room. Paglabas ay nakasalubong nya si Mathew.
Myra: Math! Papunta ka na ba sa first class?
Mathew: Oo. Tara sabay na tayo. Turuin mo 'ko sa homework ah. Hirap eh.
Myra: Sige.
Sa kabilang banda...
Jane: Nuxxx! Si  Mathew na nag-aya.
Roda: Iba talaga ang prettyness. But let's make the mission more fun.
Lucy: How?
Roda: Camping next day, right?
The four girls nodded even if they were confused.
Roda: Watch and learn. *evil smirk*
Charles: Girls. Why're you here?
Joel: At bakit nakatingin kayo sa kanilang dalawa.
Nikki: *kinabahan* A-ah, w-wala. Ki-kinikilig lang k-kami sa kani-la.
Tom: Ahhh. Sabagay, kami rin nga eh.
RC: Bagay sila noh?
Kenny: I know right.
Lucy: Tara nalang sa classroom. Baka ma-late pa tayo.
Classroom...
Naabutan nila sina Myra at Mathew na nag-aaral ng Math. Tinuturuan ni Myra si Mathew habang nagtatawanan sila.
Roda: *kausap ang mga kasama* Oh how sweet. Let's make that sweeter. Binigay na ni Sir Ken yung project for English, right?
Athena: A 2-hour movie with the genres romance, drama, and action.
Roda: They're gonna be the main characters.
Lucy: Here goes Roda and her plans again.
RC & Kenny: Ayyiiieeee. Ang sweet naman.
Mathew: *pabiro* Uy wag nga kayong ganyan, *takip mukha* kinikilig ako. *alis ng takip sa mukha* Joke lang.
Myra: Nag-aaral kami, wag kayong istorbo.
Charles: *nang-aasar* Nag-aaral ng ano?
Myra: Kabastusan nyo!!
Tom: Ano? Ikaw lang naman nag-iisip ng bastos ah.
Mathew: Sige, deny pa na hindi bastos yun. Yun rin naman ibig sabihin nyo.
Roda: Grabe namang makapanghusga.
Joel: Pssst. Wag nga kayong nagpaparinig ng green jokes sa Babes ko. *akbay ka Nikki sabay kindat*
Nikki: *tanggal ng akbay ni Joel* Tse. Babes mo mukha mo.
Joel: Lagi mo nalang sinasabi yang "mukha mo" sa tuwing tatawagin kita gamit ang endearments. Pag ba sinabi kong "gwapo", sasabihin mo, "Gwapo mukha mo"?
Nikki: Asa ka.
Athena: Hanggang ngayon, #Hopia5evs ka pa rin. Tsk tsk tsk. *pailing-iling*
Jane: *to Joel* Magpasalamat ka na ang sinasabi nya "mukha mo" hindi "tae mo".
Lucy: Of all the examples naman Jane, tae pa napili mo.
Jane: Yun unang pumasok sa isip ko eh.
Camping.....
Magkakasama silang lahat. Kaso, naisip nina Roda, Lucy, Nikki, Athena, Jane, Myra na maggala-gala. Naisipan naman ni Mathew na sumama dahil kasama si Myra. Nagpaiwan yung iba kasama ang buong team dahil pagabi na rin kasi.
Roda: *natisod* Aray! Aray.
Myra: Oh anong nangyari?
Roda: *sarcastic* Nabagsakan yata ako ng malaking bato? Paki-check naman.
Lucy: Hala. Lagot pano to ngayon?
Roda: Myra and Mathew, hanap naman kayo ng halamang gamot para dito sa pilay.
Myra: San dito?
Roda: May ilog dyan. Tumawid kayo dun gamit yung bangka. Nandun yung herbal plants. Nakita ko yun kanina.
Mathew: Sige. Dyan lang muna kayo.
Nang makalayu-layo na sina Mathew at Myra....
Tumayo si Roda at nagsabing....
Roda: Let's go. Let them spend the night together.
Jane: Akala ko ba napilay ka?
Roda: Naniwala kayo?
Lucy: Mukhang kapani-paniwala naman kasi.
Roda: Ang galing ko talaga.
Athena: Ang galing ni Roda, ang galing ni Roda. Bet on your Roda, ang galing-galing.
Roda: Just shut up and let's go before they come back.
Nikki: Naliligaw tayo, remember?
Roda: Oh that. Naniwala rin kayo dun? Alam ko yung way pabalik, and I made sure na hindi alam nung dalawa, so they'll be spending the night together.
Lucy: Here goes Roda and her plans again.
Athena: So this is what you were telling us the other day?
Roda: Yup. So, let's go. It's 9 PM.
Pagbalik sa camp.....
Charles: San yung dalawa?
Roda: *pilay-pilayan* Napilay kasi ako. Mathew and Myra tried looking for medicinal plants, but they weren't able to get back. We decided to go back here, and ask for help.
Joel: Kami bahala. Magpahinga na kayo. Tom, RC, Kenny, let's go. *to Nikki* Bye, Babes. Goodnight, alabyu.
Nikki: Tse. Just go and look for them.
Sa kabilang dako....
Mathew: Wala namang medicinal plants dito eh. Niloloko yata tayo nung lima.
Myra: *lingon sa paligid* Math-ew, na-natatakot ako. A-ang dilim na.
Mathew: Syempre, gabi na eh. Tara, dun tayo kweba. 11 na. Naligaw na tayo.
Pagkapasok ng kweba.....
Myra: Ang lamig naman....
Mathew:...
To be continued....
The who sina Boy1, Boy2, & Boy3?
Magtagumpay kaya si Bobs....este Myra?

3 comments:

  1. PAKshet naman. Parang SPG ang susunid na eksena ih. NYAHAHAHAHAHA. Pero okay lang yan, kaso yung totoo, TALAGANG DUKHA NA AKO KAHIT SAANG DAKO NG MUNDO?

    ReplyDelete