Tula ng Brokenhearted
Ni: Rodalyn Gasid
Naaalala ko 'yung mga panahon
Na sa saya, mga puso'y tumatalon
Maligaya sa piling ng isa't isa
Walang puwang ang mga problema.
Naaalala ko noon
Lahat ng mga dala mong pasalubong
Kahit na sabi mo hindi ka romantiko
Ikaw lang ang kaisa-isang minahal ko.
Naaalala kong sinabi mo noon
Walang makapaghihiwalay sa'tin habampanahon
Na ikaw lang at ako ang meron
Mapabukang-liwayway man o dapit-hapon.
Naaalala ko rin na sinabi mo,
Walang iwanan ikaw at ako,
Magkasama sa hirap o ligaya,
Sa lungkot man o ginhawa.
Pero lungkot ang s'yang natamo
Nang sa'kin, ika'y nakipaghiwalay at lumayo
Lahat ng mga pangako'y napako
Nawalang parang bula, biglang naglaho.
Hindi lang masakit
Mas malala pa sa sobrang sakit
Hindi ko naman kasi inakala
Na ang pag-ibig mo'y biglang mawawala.
Siguro nga ang sabi-sabi'y totoo
Na ang 'forever' ay nasa isip lang ng tao
At ang pangakong walang hanggan
Wala rin namang katotohanan.
Umasa pa naman ako sa sinabi mo
Na ang pag-ibig mo'y 'di magbabago
Akala ko tayo na hanggang sa dulo
Pero hanggang akala nalang pala ito.
Mahirap gumising sa bawat umaga
Lalo na t'wing naiisip kong wala ka na
Mas mabuti pa kapag natutulog
Puso't isip ay hindi nabubulabog.
Move-on? Madaling sabihin
Ng mga 'di pa nakakaranas ng pait sa pag-ibig
Kung brokenhearted ka'y parang ayaw mo ng harapin
Ang bukas na ihaharap ng daigdig.
Tanga na kung tanga
Siraulo na kung sira
Pero mahirap kasing pakawalan
Ang pag-ibig na matagal mong pinanghawakan.
Masakit na makita
Na masaya ka sa piling ng iba
Naisip ko na kung tayo pa rin kaya
Ganyan ka rin ba kasaya?
Durog pa rin ako
Wasak pa rin ang puso ko
Ganito lang talaga siguro
Kung sa pag-ibig ika'y bigo.
Totoo nga na sa magsinta
May mas nagmamahal kesa sa isa
At sa bawat hiwalayang nagaganap
May mas nasasaktan at naghihirap.
Ayokong burahin ka ng tuluyan
Masakit ma'y hindi kita kalilimutan
Alaala mo'y nakatatak sa puso't isipan
Ngayong hanggang magpakailanman.
Darating ang panahon
Sarili ko'y ibabangon
Hindi ko man kaya pa ngayon
Darating ang araw ako'y aahon.
Ayoko pa ring isipin na wala ka na rito
Dahil hanggang ngayon ikaw pa rin ang mahal ko
Sobrang sakit ring isipin na ako na nga ang iniwan
Ako pa ang s'yang mas nasasaktan.
Rodalyn A. Gasid
salamat po sa tula na ito
ReplyDeletenakakarelate