Kung ganito NOON, eh ano NGAYON? (If it used to be like this, what about now?) Pwede ring (If it used to be like this, so what?)
1) NOON: Nung nagliligawan palang at bagong mag-jowa, saganang-sagana sa pick-up lines.
NGAYON: Nang magtagal na, saganang-sagana pa rin naman, yun nga lang, sa selosan.
2) NOON: Nung crush mo palang siya, ngitian ka lang niya, feeling mo, pwede ka nang mamatay.
NGAYON: Nang maging kayo na, 'pag hindi siya nagre-reply, sa inis mo, pwede mo na siyang mapatay.
3) NOON: Ang pangakuan ng forever, walang hanggan.
NGAYON: Ang sumbatan at sigawan, walang hanggan.
4) NOON: I love you ng I love you, parang walang bukas.
NGAYON: Lahat ng sagutan, rinig hanggang sa labas.
5) NOON: Nang matapos ang kasal, excited umuwi ng bahay at tuwang-tuwa.
NGAYON: Nang magtagal, late nang nauwi at hinihiling na pagdating, tulog ang asawa.
6) NOON: "Halika, pakasal na tayo."
NGAYON: "Ayoko na, nasasakal na 'ko sa'yo."
7) NOON: Marriage contract ang siyang pinipirmahan.
NGAYON: Annulment/divorce papers ang pilit pinapapirmahan.
8) NOON: "Hi, love? Kumain ka na ba?" "Hi, nandito ako sa ganito-ganyan." "Good morning. Ano gawa mo?" with hearts
NGAYON: "Nasan ka ba?! Kanina pa 'ko nagte-text!" "Bakit hindi mo sinasagot yung mga tawag ko?!" with exclamation marks
9) NOON: Isang ring lang, kahit busy ka, sasagutin mo ng sobrang sweet.
NGAYON: Nasa limang rings na, hindi mo pa sasagutin. At kapag sinagot mo, ikaw pa ang galit.
10) NOON: Kapag nag-aaway kayo, kahit hindi ikaw ang nagsimula, ikaw ang nagso-sorry.
NGAYON: Kapag nag-aaway kayo, pataasan ng pride, ang dahilan ay pagod or busy.
11) NOON: Kapag pinartner siya sa iba, kebs! Kasi may tiwala ka sa kanya.
NGAYON: Kapag pinartner siya sa iba, galit ka kaagad. Kasi marami ka nang issue sa kanya.
12) NOON: Ngiti niya pa lang, parang nawala na lahat ng pagod mo.
NGAYON: Kahit ngitian ka niya ng paulit-ulit, wala pa ring epekto.
13) NOON: Kapag nagselos siya, lalambingin mo ng lalambingin hanggang sa okay na.
NGAYON: Kapag nagselos siya, sasagutin mo ng, "Lagi ka nalang ganyan! Nakakasawa na."
14) NOON: Hatid-sundo ng lalaki ang babae.
NGAYON: Susunduin ng babae ang lalaki dahil lasing.
15) NOON: Nung mag-jowa palang, kada monthsary, may surprise sa kapareha.
NGAYON: Anniversaries na lang ang sine-celebrate. Minsan nga, nakakalimutan pa.
16) NOON: Konting lambing lang niya, gi-give in ka na.
NGAYON: Kung ayaw mo, ayaw mo talaga.
Happy Feb-ibig sa mga walang lovelife. #WalangForever
Rodalyn A. Gasid
No comments:
Post a Comment