Wednesday, February 25, 2015

Turn Back Time 2

Napansin ni Zayn na bwisit na bwisit na si Kaye sa mga nangyayari. Lahat nalang kasi, maliban sa parents at close friends nila na alam ang totoo, ay binabati sila ng 'Congratulations. Sana magtagal kayo.' Kaya nagdesisyon si Zayn na....

Zayn: Sige na. Magpahinga ka na. First room pag-akyat mo. Dun nalang ako sa guest room. Ako nang bahala dito. *smiles sadly*

Inirapan pa siya ni Kaye bago tumalikod para pumasok sa bahay. Nilapitan naman siya ni Mrs. Corpuz.

Mrs. Corpuz: Bakit umakyat na si Kaye?

Zayn: 'Cause she's feeling sick, so I told her to rest.

Mrs. Corpuz: Aalagaan mo si Kaye, ha? Wag mo sanang susukuan kahit na sungitan ka ng sungitan.

Zayn: Sure, Tita.

Unti-unting nag-alisan ang mga bisita, hanggang sa ang mga natira nalang ay sina Von, Gab, Kyle, Nikki, Lei, at Joan. Ang problema, lasing ang tatlong babae. Bilang boyfriends ng tatlong mga babae, kailangan nilang alagaan ang mga ito. Pero gusto rin nilang tulungang mag-ayos si Zayn.

Zayn: Guys, ihatid niyo na sila. Alagaan niyo na rin. Lasing na lasing oh. Pag may nangyaring masama diyan sa mga yan, makakaya niyo? Eh ako, mag-aayos lang, kaya ko 'to. Ako pa.

Von: Sigurado ka?

Gab: Oo nga. Baka kailangan mo ng tulong.

Kyle: Kung may kailangan ka, tawagan mo lang kami.

Zayn: Guys, magpahinga na rin kayo. Oks na oks ako dito, no worries. Oy, Kyle! Si ate ha! Alagaan mo yan. Mavo-Vhong Navarro ka pag may nangyaring masama diyan. Sige na, alis na.

V, G, K: Bye. Ingat.

Zayn: Bye.

Dahil 7 na ng matapos ang party, 11 na rin natapos si Zayn sa paglilinis. Pagkatapos ay pumunta siya sa room niya para i-check kung ok lang ba si Kaye. Nang makitang himbing na ito ay pumasok na siya sa guest room.

Zayn: Hay, Kuya. Wish me luck. Mukhang mahihirapan akong mapaamo ang crush mo. Mainit ang ulo sa'kin eh.

Salita niya bago matulog, na para bang nasa paligid lang ang kuya Peter niya.

Kinaumagahan...

She went downstairs, straight to the kitchen. There she found Zayn cooking, at nakaipit ang phone between his right ear and shoulder. She entered the kitchen and sat on one of the chairs in front of the table. May nakahain nang pancakes, coffee, at plates. Zayn's busy with cooking and talking.

Zayn: Yeah, yeah. I'm freaking busy.....Tell him to wait.....It's his problem he went there this early.....I'll be there 9:00...

Pinatay ni Zayn ang stove pero hindi niya binitawan ang sandok. Tinuturo-turo niya pa ito sa hangin na parang nasa harapan niya lang ang kausap. Nawi-weirdohan naman si Kaye sa kanya.

Zayn: Ok, Gab, here's what you should tell him, 'Zayn's busy, he just got married yesterday.' Now, if he still don't get that, tell him to get the eff out, mind his own freaking world as I mind my own damn business......We're wasting our time. He doesn't know how to manage his own damn business. 9:00, meeting with him. *end call*

Lumingon si Zayn at nakita si Kaye.

Zayn: Sorry, hindi kita napansin, nandyan ka na pala.

Kaye: *sarcastic na mataray* Obvious ba?

Zayn: Kain ka.

Kaye: Wala 'kong gana.

Zayn: Friends kayo ni ate diba?

Kaye: Yeah. So?

Zayn: If that's the case, can you help me? Help me na magbati kami.

Kaye: Help you? Why should I? We're not close, we're not even friends.

Zayn: Sige na, please. Gusto ko lang kasi talagang mapatawad na nila ako.

Kaye: Edi gawin mo mag-isa. Pake ko ba dyan. Bago ka humingi ng tulong, tanungin mo muna kung may pakialam ba 'ko. *walk out*

Zayn: Sandali.

Hinawakan ni Zayn sa braso si Kaye upang hindi ito makalayo.

Kaye: *sampal kay Zayn* How dare you touch me? I never wanted to be touched by a CRIMINAL! Kung hindi dahil sa'yo, buhay pa si Peter. Edi sana, walang galit sa'yo. Itanim mo dyan *tulak sa ulo ni Zayn* sa kokote mo, hinding-hindi ka mapapatawad ng lahat ng nagmamahal kay Peter! Tandaan mo yan! *walk out ng tuluyan*

Napaluha nalang si Zayn mula sa narinig kay Kaye. He expected for Kaye to be mad dahil napilitan itong ikasal sa kanya. But he never expected her to be so mad. 'I know it won't be easy, but I never thought it would be this hard.'

On the other hand, Kaye decided to visit Nikki in her condo. She found out that all the other girls are there too.

Kaye: Andito kayo at hindi niyo man lang ako sinabihan.

Joan: Naisip kasi namin na baka 'BUSY' kayo ng ASAWA MO.

Kaye: So green.

Lei: At bakit mo nga ba naisipang pumunta dito at iwanan ang ASAWA MO? May problema ba?

Kaye: Yung kasal ang problema ko. Muntik na 'kong iwanan ni--

Lei: Siya na naman? Hindi ba't hiwalay na kayo?

Kaye: I begged him to stay. I mean, I love him.

Joan: *sarcastic* Yeah, right. Mahal na mahal ka niya. Sa sobrang pagmamahal sa'yo, iba ang dinate niya nung anniversary niyo.

Kaye: You never trusted him. Anyway, nag-away kami ni Zayn.

Nikki: Hay naku. Unang araw niyo bilang mag-asawa, away agad? Hahaha. Tungkol saan?

Kaye: Humihingi kasi siya ng tulong na magkabati na kayo. Sabi ko, sino siya para tulungan ko? Sinabi ko rin na hinding-hindi siya mapapatawad ng mga taong nagmamahal kay Peter. Ayun. Natahimik ang loko. Haha.

Lei: Hindi ba kayo naaawa sa kanya? Buong buhay niya, sina Peter, Von, Gab at Kyle lang ang nakakaunawa sa kanya. Tapos nawala pa si Peter.

Joan: Tapos sa UK pa siya pinag-aral para mapalayo kay Peter. Tapos kapag nalalaman nila na sinisisi si Zayn sa pagkamatay ng kuya niya, nilalayuan siya.

Nikki: Sosyal naman sa UK ah. Hindi siya basta pinatapon, sa Oxford nag-aral. Laking gastos kaya.

Kaye: Hay naku. Kalimutan niyo muna si Zayn. Let's relax. Baka magmukha tayong stressed sa party later.

Napailing nalang sina Joan at Lei dahil sa inasta ng dalawa.

*sa office*

Mr. Ti: Ikaw bakit tagal dating? Ikaw daya ako?

Zayn: Mr. Ti, good morning. Sorry for being late. I had to settle some stuff.

Mr. Ti: Don't english me. I'm panic.

Zayn: Sorry. Anyway, bakit po kayo nandito?

Mr. Ti: Sabi sa akin ni Gab, malabong matulungan nyo akin kumpanya? What is problem?

Zayn: Mr. Haba Ng Ti, malabo na po kasing maiahon ang kumpanya nyong bagsak na bagsak na. Hind--

Mr. Ti: I am agree to you. Pelo kahit konti tulong lang.

Zayn: Wala na, Mr. Ti. Sa iba nalang po kayo humingi ng tulong.

Mr. Ti: Payn! Ikaw sisi banda huli. Pelo ikaw punta pa rin akin party.

Umalis si Mr. Ti ng galit. Samantala, si Zayn naman ay inasikaso na ang mga meetings nya. Pag-uwi niya ng bahay ay walang tao. Naghanda na siya para sa dadaluhang party. Pagdating sa venue ay nagsisimula na ito. Nilapitan naman siya ni Mr. Ti.

Mr. Ti: Ikaw late.

Zayn: Sorry. Medyo traffic.

Mr. Ti: Ikaw lagi nalang late. Ano pa palusot ikaw melon? Halika, pakilala kita akin bago investor.

Zayn: Sa lagay ng kumpanya mo, may investor ka pa? Himala nga naman.

Mr. Ti: Ikaw ano sabi?

Zayn: *ginaya ang Chinese accent* Wala po. Tala na sa bago nyo investor.

Umupo sila sa may harapan at tinuro ni Mr. Ti ang lalaking nakatalikod na may nakaakbay na babae. May kausap silang tatlong mga babae. Maya-maya ay humarap na ang mga ito at lumakad patungo sa kung saan sila nakapwesto ni Mr. Ti.

Mr. Ti: Oh, Zayn, ito akin bago investor. *turo sa lalaki* Mr. Fernandez, ito Mr. Malik *turo kay Zayn*

Nakipagkamay si Zayn sa lalaki ngunit ang tingin nya ay nasa babaeng nakaakbay dito na naka-smirk sa kanya.

Mr. Ti: Ito naman kanya gelpren *turo sa babae*. Ganda no? Siya Kayla Nicole.

Inabot ni Zayn ang kamay niya sa babae.

Zayn: Nice to meet you, Ms. Kayla.

Kayla gave Zayn a cocky smile. Pero hindi niya tinanggap ang pakikipagkamay nito. Sa halip, bineso-beso niya ito ng kunwari, habang may binubulong.

Kayla: *bulong* Subukan mong ipagsabi sa kahit sino na mag-asawa tayo, isusumbong kita kina Mommy (mom ni Zayn). *salita, yung rinig na talaga* Yeah, we've met nung birthday party niya. Right, hon? *yakap kay Mr. Fernandez*

Mr. Fernandez: Indeed, hon. Mr. Malik, you might want to join us tonight.

Pinandilatan siya ni Kaye at sinabihan ng walang sound, 'Wag kang tatanggi.' Nakutuban ni Zayn na may plano ang mga ito. Lumingon siya sa tatlong babaeng kasama nina Kaye: Joan, Lei, at Nikki. Walang pakelam si Nikki at nakatingin sa malayo. Paglingon kina Lei at Joan, nakita niyang pareho silang umiiling at bumubulong ng, 'Huwag.' Kaya ang desisyon niya,

Zayn: Yeah, sure. Where's your table?

Ni-lead naman sila ni Mr. Fernandez. Nilapitan naman nina Joan at Lei.

Lei: Why did you say yes?

Zayn: Gusto kong bantayan si Kaye. I just feel that shit's gonna happen if I'll leave her alone.

Lumipas ang gabi na puro PDA sina Mr. Fernandez at Kaye. Si Zayn naman ay nakaupo lang sa tapat nila. Nang matapos ang party, lasing na lasing si Kaye. Kaya kinausap ni Zayn si Mr. Fernandez.

Zayn: James, may I now take my WIFE home?

James: Wag mong ipagmalaki sa'kin na ikaw ang asawa niya, dahil ako. Ang. MAHAL. Niya. So, back off dude. *tulak kay Zayn*

Zayn: *sapak kay James* Iuuwi ko ang asawa ko.

Lumapit naman si Nikki sa kanila.

Nikki: How dare you na sapakin yung mahal ng asawa mo? *kuha kay Kaye* Here, James. Take your girlfriend home.

Zayn: What the hell?! No!

Nikki: *tulak kay Zayn* Stop it, will you?! Get lost! I'm sure na kahit hindi lasing si Kaye, mas gugustuhin niyang sumama kay James.

Nakita naman ni Zayn na malayo-layo na ang sasakyan ni Kaye. Medyo marami rin siyang nainom at masyadong delikado kung magda-dfive pa siya sa lugar na hindi niya kabisado, kay nagdesisyon siyang umuwi na. And whatever happened to Kaye ang James that night, only the two of them know.

------

Zayn woke up with a headache, the same with Kaye. Yun nga lang, nasa magkaibang bahay ang mag-asawa. Zayn decided to take the day off. Habang si Kaye, nagising siyang mag-isa. She felt cold. As she looked under the comforter, she saw that she's naked. She worriedly looked around the room. She let out a sigh of relief when she recognized that the room was James'. She smiled. 'But where is he?' Tinawagan niya ito. May nag-ring naman sa sofa, ang phone ni James. Naisip niyang baka nasa baba si James at naghahanda ng foods. But after 30 minutes, walang James na umaakyat. She took James' phone and went downstairs. Nakita niya ang katulong ni James na kumakain.

Kaye: Yaya, si...James po?

Yaya: Hindi ba nagpaalam sa'yo, iha? May dala-dala siyang maleta at mga bag. Ang alam ko, dun na siya maninirahan.

Kaye: S-saan pong doon?

Yaya: Iyan ang hindi ko na alam.

She hurriedly went outside. 'No car.' So she dialled someone's number.

Kaye: Pick me up sa bahay ni James. Bilisan mo.......(Umiiyak ka ba?) No more questions. I'll text you the address.

Nang huminto ang kotse ng tinawagan niya sa harap niya, she hurriedly went in the passenger seat.

Kaye: Airport.

Zayn: Wait, what? Why?

Kaye: AIRPORT!!!

Zayn: Eto na. O *abot ng panyo* punasan mo yang luha mo. Aalis ka pala, di ka man lang nagpaalam sa'min.

Kaye: Would you shut up? You're not helping!

Nanahimik nalang si Zayn at parang nahuhulaan na ang nangyari. 'Nilayasan siya ni James.' Pagdating sa airport ay dali-daling tumakbo papasok si Kaye.

Guard: Miss, passport niyo po.

Kaye: Kuya, kuya, papasukin mo 'ko, hahabulin ko lang yung mahal ko.

Guard: Sorry, ma'am. Wala po tayo sa pelikula na pinapasok ang tao para habulin ang mahal niya. Hindi po kayo makakapasok, ma'am.

Zayn: Papasukin niyo siya. *smiles*

Guard: Sir, good morning po. Sige, ma'am, pasok po kayo. Sana po, mahabol niyo ang mahal niyo.

Dali-daling tumakbo papasok si Kaye at nagtanong...

Kaye: Miss, yung flight papuntang Australia.

Miss: Naku, ma'am, nakaalis na, 47 minutes ago.

Napaiyak nalang si Kaye at napaluhod. Inalalayan naman siya ni Zayn sa mga upuan.

Zayn: Gusto mo ba siyang sundan sa Australia? I can hire a private plane right now.

Kaye: No. Malay mo, kagaya sa mga pelikula na hindi naman pala talaga umalis yung lalaki.

Napatango nalang si Zayn. Nalulungkot siya dahil sobrang nasasaktan si Kaye. Nasasaktan siyang makita si Kaye na umiiyak ng ganito. Nagagalit siya kay James dahil sa kawalang-hiyaan nito na iwanan si Kaye ng ganun-ganun lang. Halos isang oras na ang lumipas na nakatanga lang sila doon.

Kaye: Wala na. Wala na siya. Tara na.

Umuwi sila ng tahimik. Walang may gustong magsalita hanggang sa nakarating sila sa bahay.

Zayn: K-kumain ka nalang muna. Mukhang di ka pa nakakakain.

Kaye: Wala akong gana.

------

Lumipas ang dalawang buwan na puro ganyan ang ganap. Aalukin ni Zayn si Kaye na kumain, and the latter will give him a no. Minsan, sumasabay sa kanya kumain. Minsan ay lasing pa ito kung umuwi, at susunduin naman ni Zayn. Then one morning...

Kaye: *rushed to the bathroom* WREEEEEECK! WREECK!

Zayn: *rubbing Kaye's back* Are you not feeling well?

Kaye: Med--medyo nahihilo lang ako. But I'll be fine.

Zayn: Ilang araw ka nang ganyan ah. Are you pregnant? Kumain ka na. Sasama ka sa'kin sa ospital.

Natahimik naman si Kaye. Naalala niya yung gabi bago umalis si James. Kaya nagtungo sila sa ospital.

Guard: Good morning, doc.

Zayn: Good morning. Kaye, upo ka lang muna dyan.

Maya-maya pa ay inumpisahan na ni Zayn ang pagte-test kay Kaye. After some time ay nasa kanya na ang resulta. Nandun din ang barkada dahil tinawagan nila si Kaye at nang sabihin niyang nasa ospital siya ay dali-daling nagtungo ang mga ito sa ospital.

Von: O, ano na Zayn? Kamusta na? Anong results?

Lei: Dali, pa-suspense pa eh. Sabihin mo na.

Gab: Ano, brad? Ang tagal mo namang sumagot eh.

Nikki: Are you not going to say anything?

Kyle at Joan: Hoy! Magsalita ka!

Sunod-sunod na salita ng mga ito.

Zayn: Daldal niyo kasi eh. Anyway, all tests are negative except for one. Congratulations, Kayla Nicole, you're 7 weeks pregnant.

Medyo natulala muna ang iba habang nagtitigan sina Kaye at Zayn.

Von: *suntok sa braso ni Zayn* Tatay na ang bunso namin! Hahaha!

Kaye: Guys, pwedeng iwan niyo muna kami ni Zayn?

At may kasunod pa....


Rodalyn A. Gasid

No comments:

Post a Comment