Wednesday, December 17, 2014
Di Tayo Talo
Di Tayo Talo
By: Rodalyn Gasid
Sa tuwing lumalapit ka,
Sinasabi mong ako'y 'yong sinisinta.
Yuck, p're, nakakadiri ka.
Di tayo talo, pasensya na.
Nakakainsultong pakinggan,
Pero iyon ang katotohanan.
Makakahanap ka rin ng iba dyan,
'Yung handang tanggapin kung sino ka man.
Ide-describe kita,
Teka, wag kang iiyak ha?
Baka kasi tumalsik 'yang uhog mo,
Sayang naman 'tong porma ko.
Ulo mo'y saksakan ng kinis,
Kay kintab-kintab, kay linis-linis.
Tipid ka dahil hindi na kailangang pumunta sa barbero,
Hindi ka rin binabalakubak at kinukuto.
Ngipin mo'y kay linis-linis,
Hininga mo'y nakakamatay.
Kutis mo'y pagkakinis-kinis,
Para namang liha ang 'yong mga kamay.
Nasubukan mo na bang tumingin sa salamin?
Wag nalang dahil baka mabasag lang rin,
Dahil baka pati 'yung salamin,
Repleksyon mo'y ayaw tanggapin.
Nagdaratingan ang mga bagyo kapag ika'y kumanta na,
Dahil sa boses mong parang naipit at parang palaka,
Lahat ng mga kapitbahay ay nagtatakbuhan,
Nagkukumahog pati mga tambay na napadaan.
Para kang kiti-kiti kung sumayaw,
Nakakabagabag ang 'yong mga galaw
Para kang mababalian ng buto,
Sa bawat pilantik mo.
Kamukha mo si Enrique Gil?
Para sa'kin, para kang nangudngod sa hill.
Sabi mo peg mo si Richard?
Sa tingin ko, mukha kang nasalanta ng blizzard.
Kamukha mo rin Aaron Villaflor?
Para ka lang natapakang floor.
Kamukha mo si Coco Martin?
Oo naman, kapag nabubugbog sya sa mga scenes.
Gwapo ka,
Sa paningin ng mga bulag.
Matalino ka,
Para sa mga bangag.
Magaling kang kumanta,
Sa pandinig ng mga bingi.
Nakakatanggap ng mga papuring kay ganda,
Galing sa mga pipi.
Hindi kita pinupwersang maniwala dito
Sa lahat ng mga sinasabi ko.
Mag-survey ka nalang siguro sa kanto,
Nang malaman mong totoo lahat ng ito.
Wag kang mag-alala
Mahal kita bilang kaibigan,
Ayoko naman paasahin ka,
Na iyon ay darating sa malalim na pag-iibigan.
Kaya sana, matuto kang makuntento
Dahil hanggang dyan lang ang kaya kong ibigay sa'yo.
Wag ka nang aasa dahil inuulit ko,
Pare, pasensya na, 'di tayo talo.
Rodalyn A. Gasid
Tuesday, December 16, 2014
Monday, December 15, 2014
So Excited
I'm so excited for the vacation even though I'll have nothing to do. But, no one knows.
Sunday, December 14, 2014
Anong Pake Nila?
I'm loving poems right now. Whooo! Malapit na bakasyon! Pero bago bakasyon, exams muna. Aba matinds.
Anong Pake Nila?
By: Rodalyn Gasid
Sabi ng iba, bawal,
Ano bang masama sa pagmamahal?
Bawal lang naman 'yun pag may nasasaktan,
At kapag ipinagpipilitan nalang.
Sabi nila, sasaktan mo lang daw ako,
Na mang-iiwan ka lang rin daw sa dulo.
Pero ano bang pake ng iba?
Sila ba ang masasaktan 'pag ako'y iniwan mo na?
Sabi nila, ang pag-ibig, magulo 'yan
Alam ko, dahil akin nang nararanasan.
Pero ang isang magulong bagay kapag gusto naman,
Gagawan ng paraan para maintindihan.
Pilit nila tayong pinaglalayo,
Masasakit na salita, sa ati'y ibinabato.
Pilit nila tayong ipinapareha sa iba,
Ngunit matibay tayo't lagi lang silang pumapalya.
Oo nga, mahirap 'tong mundong pinasukan natin
Pero hanggang kasama kita, lahat kakayanin.
Sorry nalang sila, mahal kita ng sobra
Para iwanan nalang ng basta-basta.
Sinasabi nilang kapakanan ko'y iniisip lang nila,
Bakit? Ayaw man lang ba nila 'kong sumaya kahit pansamantala?
Wala naman akong nakikitang mali,
Tunay naman tayong masaya at laging may ngiti sa labi.
Siguro nga, ako'y inaalala lang nila
Naiintindihan ko naman sila.
Kaso, dito ako masaya,
Sana, ako'y pagbigyan nyo na.
Pareho pa ba talaga tayong masaya?
Parang napapansin ko kasing napapagod ka na.
Siguro'y pagod ka nang makatanggap ng masasakit na salita,
Marahil ay pagod ka nang maikumpara lagi sa iba.
Naiintindihan ko ang nararamdaman mo,
Dahil minsan ko na ring naisip na sumuko.
Pero narito pa rin ako't nakatayo,
Lumalaban para sa'tin, para sa'yo.
Pero ano pa bang silbi ng paglaban,
Kung ang mahal mo'y matagal ka nang sinukuan?
Siguro nga'y oras na upang ika'y pakawalan,
Dahil baka lalo lang tayong magkasakitan.
Salamat sa lahat-lahat,
Sa pagpapasaya at pagiging tapat.
Siguro nga'y hanggang dito na lang tayo,
Hanggang dito nalang ang pag-ibig na ipinaglaban nating pareho.
Masakit mang isipin
Na wala ka na sa'king piling,
Siguro'y may ibang nararapat para sa'kin,
Sana'y hindi na nya 'ko iwan, yan ang aking hiling.
Pero kung kailangan mo ng kausap at kaibigan,
Narito lang ako para ika'y tulungan.
Ayaw ko namang putulin ang lahat-lahat sa atin,
Komunikasyon sana'y hindi mo rin putulin.
Masaya 'ko na nakilala kita,
Masaya 'ko na minahal kita.
Masaya 'ko dahil kahit sandali,
Pinasaya mo 'ko at pinangiti.
Sinisisi naman ako ng iba,
Dapat daw sa kanila ako'y naniwala.
Bakit? Sila ba ang nasaktan nang ako'y iniwan mo na?
Hindi naman diba? Kaya inuulit ko, ano bang pake nila?
Rodalyn A. Gasid
Thursday, December 11, 2014
SOMEBODY'S ME
Para sa lahat ng mga bestfriend na in lab sa kanilang bespren na may jowa. For short, BestfriendZoned.
That Somebody's Me
-By: Rodalyn Gasid
SOMEBODY told you you're handsome,
SOMEBODY told you you're always awesome.
But nobody else has seen you in tears
But SOMEBODY has wiped every drop of tear.
No one else has seen you in pain,
No one else has seen you 'down the drain'.
But SOMEBODY's always with you
For every lie and for every truth.
You gave your relationship a lot of tries
Even though loving her hurts and you always cry.
You always ask for just a single advice
From SOMEBODY who's just so in love with you, and is just being nice.
SOMEBODY needs you,
SOMEBODY loves you,
SOMEBODY's waiting to be loved by you
And that SOMEBODY's just right beside you.
SOMEBODY's hurting
For too much waiting
SOMEBODY'S waiting for you to see,
And that SOMEBODY'S ME.
Seeing you on bended knee,
While you hold a diamond ring,
For you I was so happy
As she said yes, as you danced in glee.
I know you're not the one for me
And that I must set you free.
I must let go of you,
Let go of the feelings that grew.
But how can I let you go,
If I was never able to take hold of you?
I'm just SOMEBODY,
A friend as you see.
I needed you
I loved you
And I waited to be loved by you
But I'm still right beside you.
I was hurting
For too much waiting
I waited for you to see
That I'm SOMEBODY who once loved you for free.
Sa lahat ng naka-gets, I'm so proud of you. Charot. Sana na-gets nyo kung bakit Somebody's Me at kung sino yung 'SOMEBODY' simula pa lang. And sorry for the grammatical errors. I suck at writing English poems.
Rodalyn A. Gasid
'FOREVER' IS REAL
Naniniwala na pala 'ko sa 'FOREVER'. Here are the realizations that I made:
1) ANG KATANGAHAN AY FOREVER. Hindi maiiwasang maging tanga sa isang bagay, lalo na kung wala kang alam dun. Hindi maiiwasang maging tanga lalo na kung inaantok, sabaw, sabog, at lutang ka. Kung hindi ka minsan nang naging tanga, ano pang maituturo sa'yo?
2) ANG PAGKAKAMALI AY FOREVER. Committing mistakes is inevitable. Lahat ng tao, nagkakamali. Kahit na sobrang matalino ka na, magkakamali't magkakamali ka.
3) CURIOSITY IS FOREVER. Curiosity leads to discovery. Bakit may mga bagong nadi-discover? Dahil masyadong curious ang mga tao. Kung walang curiosity, walang madi-discover na bago, paniniwalaan natin hanggang ngayon ang paniniwala noon na ang Earth ang center ng universe at hindi ang Sun. Walang curiosity, walang improvement sa technology. Gamit mo pa rin sana hanggang ngayon 'yung pinakaunang computer na sinlaki ng halos 3 rooms.
4) LEARNING IS FOREVER. Ang karunungan ay hindi natatapos pagka-graduate. Nasa school ka man or anywhere in the whole wide world, may matututunan ka. Minsan nga lang siguro mej unnoticeable yung natutunan mo, or hindi mo masyadong napansin na may natutunan ka.
5) DECIDING/CHOOSING IS FOREVER. Sa araw-araw na buhay natin, we always decide. We decide if we will go to our school/work or just stay home, whether to get up or to just lie down the whole day, if we will buy or not. We choose where to go, what to watch, buy, or read.
6) WAITING IS FOREVER. Waiting is forever because we always wait. Hehe. We wait for the vacation, for random announcements, for the time to buy the thing you've always wanted, for the time that our dreams will come true. We wait for our freetime so that we can do what we want to do without worrying if we still need to do something important. At para sa mga hopia, you wait for the person you love to love you too.
7) SENSE OF FEELING IS FOREVER. Walang taong habambuhay manhid/numb. Kasi kung numb ka, hindi ka dapat nagagalit, naiinis, tumatawa, ngumingiti, sumasaya, natutuwa, nalulungkot, nas-stress, napapagod, kasi nga, manhid ka eh. Wala naman yatang taong kayang makatagal ng ganyan. Sense of feeling is forever kasi kahit ilang ulit mo nang maranasan ang something, let's say ang masaktan, darating ang panahon na mararamdaman mo ulit yun eh. Kasi habang nabubuhay ka, nakakaramdam ka.
8) PROBLEMS ARE FOREVER. Problems are forever especially for students and workers. Kapag estudyante ka, pinoproblema mo yung projects, deadlines, tests, passing, at lahat ng importante sa buhay estudyante. Kapag worker ka, deadlines, at iba pa (hindi ko na alam, kayo na magdagdag). Kapag may sakit ka, problema mo yung gamot at kung pano gagaling. Kapag magulang ka na, problema mo kung pano mapapalaki ng maayos at mailalayo sa kapahamakan at didisiplinahin ang anak mo. Problema mo kung paano kikita ng pera.
9) HAVING SICKNESS IS FOREVER. Mayaman o mahirap man, dinadapuan ng sakit. Kahit gaano ka-healthy yang mga kinakain mo, magkakasakit ka pa rin, kahit lagnat lang. Hindi ko sinasabi na once na nagkasakit ka, forever na yang sakit na yan. What I mean is, magkasakit ka, tapos gagaling ka, a time will come na magkakasakit ka na naman.
10) HAVING QUESTIONS IS FOREVER. Lahat ng tao halos araw-araw nagtatanong. Kahit isang simpleng, "Huh?" lang yan, tanong pa rin yan. Hindi mo man sabihin ng malakas at kinikimkim mo lang, tanong pa rin yan. Isa pa, the more you ask, the more you learn. Wag nga lang siguro yung sobra-sobra at nonsense dahil baka mainis lang ang mga tao sa'yo.
11) HELPS/FAVORS ARE FOREVER. Isang simpleng, "Can you please put that there?" or "Can I have one?" ay nanghihingi ka na ng tulong. Tinulungan ka, ginawan ka ng pabor. Di bale na lang siguro kung mag-isa ka lang, isolated na isolated ka. Sa jeep, nag-abot ka ng bayad, pinasa ng iba para umabot sa driver. Nanghingi ng tulong sa pagbayad, tinulungan ka. Sa bawat, "Can I borrow?" Pag pinahiram ka, ginawan ka ng pabor.
12) ANG PAGGASTOS AY FOREVER. Bihirang-bihira na ang mga libre ngayon. Damit, pagkain, ballpen, lapis, papel, binibili. Ang isang tao, halos araw-araw gumagastos, kahit pamasahe lang.
Kaya, naniniwala na ako sa 'FOREVER'. Hehe. :-)
Rodalyn A. Gasid
Wednesday, December 10, 2014
Face-to-Face
Yung feeling na gustong-gusto mo nang matulog, tapos bibwisitin ka. Nakakainis. Eto ay nangyari talaga. Around 3:00 PM after school, inaayos namin ni Jane 'yung Science project. Ako, si Jane, tapos si Nikki lang ang nasa room. Well, andun din si Chandler.
*Pumasok ako sa room.*
Chandler: Ang pangit mo no?
Ako: Ok. So?
Chandler: Ang pangit mo.
Ako: Wag kang mag-alala. Dahil kung pangit ako, mas pangit ka.
Nikki: Uy, Roda. *na medyo natatawa at sinasaway ako sa pagpatol sa bata*
Ako: Naku, Nikki. Short-tempered ako.
Chandler: Pangit kang tao.
Ako: So what kung pangit ako? Masaya 'ko sa buhay ko.
Chandler: Hindi ka naman buhay eh.
Ako: Eh bakit nakakausap mo 'ko?
Chandler: Aso ka eh. Aso.
Ako: Kung aso 'ko, aso ka rin kasi nagkakaintindihan tayo.
Chandler: Ang pilosopo mo. Puro pimples ka naman. (Gusto ko sanang sabihin, "Anong connect nun?")
Ako: Pake mo? (Gusto ko sanang idagdag, "Mukha mo ba 'to? Wag na wag kang magkaka-pimples paglaki mo ah, kundi titirisin kita.")
Chandler: Bastos ka, pilosopo ka.
Ako: Oh, bakit? Ako ba, ginagalang mo? Mas matanda ho ako sa'yo.
Jane: Roda, do you hit people when your mad?
Ako: Oo.
Chandler: Hindi ka nga marunong gumawa nito eh. *may hawak syang papel na may gupit or something na mej may design*
Ako: Kung matututo 'ko, anong maitutulong nyan sa buhay ko?
*Dinampot ko 'yung salamin ko.*
Chandler: Salamin salamin ka pa, nakakakita ka naman.
Ako: Lahat naman ng nakasalamin, nakakakita. Sadyang hindi lang malinaw. (Gusto ko sanang idagdag, "Kung bulag ka, bakit ka pa magsasalamin eh hindi ka pa rin naman makakakita?")
Jane: *tulak sa'kin palabas* C'mon, Roda. Let's go.
Nikki: Uy, Roda. Haha.
Sa may hagdan...
Chandler: Pilosopo ka ah. Hampasin kita nito eh. *may hawak syang papel na may gupit or something na mej may design*
Roda: Sige lang, hampasin mo 'ko nyan. Nakakasakit ba ang papel?
Chandler: Ah, pinipilosopo mo 'ko ah. Halika dito.
Ako: Tsss.
Hanggang sa nakalabas na kami ni Jane at gumora sa 7-11. Yung totoo? Ang redundant ng pilosopo at pangit. Juice colored. Yun lang ba ang mga alam nyang salita? Ano akala nya, di ko sya papatulan? Pinsan ko nga na mas bata sa'kin minura ko ng halos limang beses sa harapan ng isang pinsang kaedad ko, isang pinsang nasa 10 yrs din ang tanda sa'kin, isa pang pinsan na nasa 15 yrs. din ang tanda sa'kin, at isa kong tita, with matching extras: ang mga chismoso/chismosa na neighbors (kaedad ko lang). Tinulak nya kasi ako, nalaglag ako sa duyan na hinihigaan ko. Take note: nakahiga ako. So yung bagsak ko sa lupa eh hindi maganda dahil nga nakahiga ako nung tinulak nya. Napilayan pa 'ko. Ayun. Sya yung nasisi. Mabait naman ako, basta wag mo 'kong guguluhin. Dahil kapag ang isang short-tempered na katulad ko eh binulabog mo, magsisisi ka. Lalo na sa bata, dahil wala akong masyadong kaamor-amor sa mga bata. Oo, bata sila, understood na makukulit. Pero ako, walang bata o teenager sa'kin basta nainis na 'ko. At si Chandler, naku. Pasalamat sya't nasa loob kami ng school. At baka kasi magsumbong sa mga teachers at sa parentals, kaya nagtimpi na lang ako. Na-timing pa na pumapatol ako pag pagod ako. Pag naiinis/nabubwisit lang ako, pumapatol ako. Pero pag tuluyan akong nagalit, mananahimik lang ako, walang pansinan. Eh saktong masakit ang ulo + inaantok ako nung time na 'yun, kaya pinatulan ko sya. Naku, naku, naku. Sana, hindi na ulit kami magkausap ni Chandler. Grabe. Matagal ko nang alam na pangit ako, at tanggap ko yon. Sinabihan akong pangit ng isang SAKSAKAN NG GWAPONG nilalang. Pero grabe, ang gwapo nya ha. Sobra. As in. *Note: Please don't forget to put the sarcasm* Sa sobrang gwapo nya, hinihiling ko na sana, may palad sya sa mukha, para lagi ko syang aapirin sa mukha. Charot. Love, love, love, sabi nga ni Kris. Hart hart. #ChooseLove
Rodalyn A. Gasid
Tuesday, December 9, 2014
Mahal Kita Eh
I missed blogging (happy opposite day. Charot.). But here's a blog update na nagawa dahil bored na bored ako. Yeheyyyy! Two days nawalan ng pasok, hindi pa tinuloy ng tatlo. Here's a poem made by me, for me. Chos. Eto na. Sorry kung may maling spelling. Haha. Apurahan 'to. Sa dami ng projects, naisingit ko pa. Eto na talaga. Daldal ko.
Mahal Kita Eh
By: Rodalyn A. Gasid
Mahal kita, to da max
Suot mo man ay maong o slacks
Sobrang gwapo mo,
To da highest level, daig si Johnny Bravo.
'I love you' sa English,
'Love kita' sa TagLish,
'143' sa Mathematics,
Hindi ko na alam sa Physics.
Naging crush kita pero,
Hindi ako ang crush mo.
Nung una hindi tayo talo,
Ewan ko kung ba't pinatos mo ang tulad ko.
Sabi nila, destiny
Sabi nung iba, tayo'y meant to be.
Basta ang alam kong mahalaga,
Mahal mo 'ko at mahal kita.
Tubig is water,
Ilog is river,
Kapatid na babae is sister,
Pero tayo, meant to be together, forever.
Ok lang kung si Ben 10,
Ay may maraming aliens,
Kasi ako naman,
May napakagwapong leading man.
Hindi ako saksakan ng ganda,
Lamang lang siguro ng isang paligo kay Vice Ganda.
Hindi ako sexy tulad ng iba,
Para matawag mo ring Binibining Kurba.
Nakakapagpaganda daw ang ma-inlove,
Daig pa ang pagpapaganda ng Dove.
Ang ma-inlove ay mas nakakapagpabata kesa Myra-E
Na gustong-gusto nina Juday at Sarah G.
Natural na reaksyon ba 'yun ng katawan,
Ang bumata't gumanda kapag nahanap mo na si 'the one'?
Baka naman kasi make-up lang ng make-up 'pag andyan ang love,
Kaya napagkakamalang bumata't gumanda nung na-inlove.
Kung may sweldo ako sa bawat minutong pagtitig sa'yo,
Siguradong tiba-tiba na ako't isa nang milyunaryo.
Kung ikaw ang araw at ako ang Earth na umiikot sa paligid mo,
Patatalsikin ko lahat ng iba pang planetang nakapaligid at umiikot rin sa'yo.
Ang love ko sa'yo'y parang hangin
Saan ka man mapunta'y, nariyan pa rin,
Siguro nga'y hindi mo nakikita,
Pero mararamdaman mo ang presensya.
'Find true love with San Marino'
Sus, e kulang nalang, pati lata kainin ko.
Pero nung dumating ka sa buhay ko, nasabi ko,
'Open your eyes and your heart, you'll see what your looking for.'
Mas madaling humanap ng gwapo't matalino,
Kesa humanap ng lalaking may prinsipyo.
Mas madaling humanap ng badboy at ma-trip,
Kesa humanap ng mala-anghel sa bait.
Siguro nung una, nasabi mong di mo 'ko mahal,
Na iba ang tipo mo't isa lang akong kaibigan.
But there came a time na nakalimutan mo rin yan,
At na-fall ka sa taong di mo inaasahan.
Hindi ako kasingtalino
Ni Senator Miriam Defensor Santiago.
Pero anumang pagsubok ang dumaan,
Basta't magkasama tayo'y masosolusyunan natin 'yan.
Kung si Anne sinabihan si Kupido ng walanghiya,
Ako naman, salamat kay Kupido dahil finally, akin ka na.
Hindi man ako ang straw sa iyong berry,
Ako naman ang mobile sa iyong cherry.
Hindi man tayo sina Aladdin at Jasmine,
Ikaw naman ang pangarap kong forever na makapiling.
Hindi man ako diwata kagaya ni Mariang Makiling,
Pwede ko namang ibigay ang pagmamahal na iyong hiling.
I love you, todo-todo,
Walang break, period at preno.
The day you noticed my presence,
Was the day that my life's golden age commenced.
143445254
I love you very much mahal na mahal kita,
Yesterday, today, tomorrow, and forevermore,
Hanggang sa huli kong hininga.
Rodalyn A. Gasid
Wednesday, December 3, 2014
SPARK THE FIRE
Thursday, November 27, 2014
Magic
Magic
Lately, I've been watching magic trick tutorials, even the number/math tricks. I have loved magic ever since I was young, and I used to believe that what magicians do have no cheats. But as I grow older (sucks), I have known that what the magicians show aren't REAL magic tricks. Even though they (tricks) all seem so complicated, there would always be a cheat behind it.
One technique that magicians must practice is the sleight of hand. It's the ability to use your hands skillfully, quickly, cleverly. Most coin magic tricks, disappearing and appearing ones, are mostly done with this technique. Another one is magicians must learn how to distract the audience effectively without the audience noticing that they are being distracted. In this way, the magicians are able to do the secret trick. This is done in illusions, like the twisting of the arm, in putting something in the persons pocket to say that the thing disappeared and that thing's inside the pocket of the observer/audience.
For a magician, the one who's really a bigtime magician, they follow three rules:
1) Never ever do the same trick in front of the same audience. The audience might be very observative the second time around, and they might know the trick and get bored.
2) Never share the secret.
3) Practice and practice and practice.
Learning magic tricks is a very hard thing to do. You must be patient enough to practice for the magic to look real. You must memorize every move, because one wrong move affects the whole performance.
Rodalyn A. Gasid
Monday, November 24, 2014
Things...things...things
I love just a few things. And I can count them with just my fingers.
1) Red. I love the color red. Red means love, anger, extreme emotions, etc. Whatever the color red means, I love it. Kahit ano pang kulay ang itabi sa red, I still love red.
2) Showtime. I love Showtime. The thought of Showtime ending kills me. Kasi, lahat naman ng programa sa tv nagtatapos, so hindi malabong magtapos din ang Showtime, and I hate it.
3) Music. I love music so much, especially upbeat songs. 'Cause sad songs makes me sad too, and it makes me imagine sad events. I could actually cry in a sad song, and i don't like that. And i'm more of a listener of English songs than Filipino songs. I also don't like Korean songs that much. Well, this is just me. I know a lot of people support P-Pop and KPop, except me, I guess. Like what I've said before, when I die, I want the people to play upbeat songs. I mean, I really don't like sad songs. Like, seriously. Whatever.
4) SPAGHETTI. I love spaghetti so much. Spaghetti is my favorite food, and during my birthday, I don't ask my mother to cook a lot. Just spaghetti. That's it. 'Cause I don't eat cakes, except chocolate cake pero konti lang, hindi din ako mahilig sa pansit. Doughnuts, tsss. Ice creams are okay. Pizza, nah. Gagastos pa. Birthday lang naman which happens once a year, and that's my point. Lalagpas din yan, ika nga. Hindi naman ako made-deads kung hindi ko ice-celebrate ang birthday ko. But spaghetti = heaven. Thus, I don't like celebrating birthday that much. It reminds me that another year's added to my present age, for short, reminds me of growing old. Spaghetti sa Christmas, New Year, at kapag trip lang, solve na 'ko.
5) Horror stories and movies. I love them. Horror stories really make my imagination work. Horror movies make me shout and laugh at the same time.
6) Stars. I really really love looking at stars.
Things I hate
1) Cats. I hate cats. Kahit gano pa yan ka-cute. I really hate cats. Nakakatakot kasi sila. I don't even want to touch a cat. Kasi feeling ko, magagalit sila. Nakakatakot kaya 'yung paws nila, parang ang talim. Tapos ilalabas nila yung pangil nila. Also, ang baho ng ihi at tae nila. Sobra.
2) Ants and cockroaches. They are my fears.
Rodalyn A. Gasid
Wednesday, November 12, 2014
Riddles
I don't know what to put in this blog anymore. So, I'm just gonna put riddles, which I know the answers, but I won't state the the answers here. Can you answer them?
1) An iron horse with a flaxen tail. The faster the horse runs, the shorter its tail becomes.
-Clue: Starts with an N, ends with an E.
2) This mother comes from a family of eight, supports her children in spite of their weight. Turns around without being called, has held you since the time you crawled.
-Clue: Without it, we're nothing.
3) A woman shoots her husband, yhen holds him under water for five minutes. Finally, she hangs him. Five minutes later, they enjoyed a delicious dinner together. What has she done?
-Clue: Instagram
4) I'm a six letter word. I did not exist, you wouldn't, either. With my first letter omitted I'm an alternative. My last three letters are feminine, while my first four letters is an insect.
-Clue: Meron ka, meron ako, meron lahat ng tao.
5) How do you spell "hard water" using three letters?
-Clue: eyes (kung matalino ka, gets mo 'to)
6) I am something many people don't enjoy having as a friend, including you. But I am called upon every time someone is injured.
-Clue: Starts with P
7) A man says, "Brothers and sisters have I none, but that man's father is my father's son." Who is he pointing at?
8) I have an end but no beginning, a home without a family, a space but no room. I cannot speak but there's no word I can't make. What am I?
-Clue: ASDFGHJKL
9) These begin your sentence and is a home for your leader.
-Clue: Manila
10) I come with 4 holes, but when come out of me, you're still inside.
-Clue: One of the basic needs
11) One word in this sentence is misspelled. What is it?
12) Your mother's brother's only brother-in-law is asleep on the couch. Who is asleep on the couch?
-Clue: It can start with D, F, P in English, or T and A in Filipino
13) What's black when you get it, red when you use it, and white when you're all through it?
-Clue: Fire;cooking
14) What goes up and down without moving?
-Clue: Meron 'to sa may second floors, 3rd and so on
15) What can bring back the dead, make us cry, make us laugh, make us young, born in an instant, yet lasts a lifetime?
-Clue: It's part of the past; reminisce
16) What belongs to you but others say it more than you do?
-Clue: All of us have this
17) A father's child, a mother's child. Yet no one's son.
-Clue: Examples are all the girls in the world
18) He has married a lot of women, but he has no wife.
-Clue: Starts with P :-)
Rodalyn A. Gasid
Monday, November 10, 2014
MISSION: Keep the President's Daughter Safe 2.00000000
MJ7: Wag kang umalis, nauna ka dito. Sila ang dapat umalis.
Jean: *hindi pa tumitingin sa nagsalita* And who are you to---*tingin sa nagsalita* w-why are you---
R09: *usual tone* Sup, JBlack?
JBlack: And why are you here?
A14: Why? Are we not allowed here? And I think, we have the same reason of why we are here.
JBlack: Yes, of course. You're right. But I want that nerd to be outta here.
MJ7: No!! She---
R09: Sure. If that's what you want. Let's go.
A14: But---
R09: Let. Us. Go.
Lumipat sila ng malayo kina JBlack. Nakipagkwentuhan lang sila ng nagkwentuhan, except for R09. Pagkatapos ng lunch...
Eline: Una na 'ko sa room.
Lucy: Ge. Di naman tayo classmates eh.
A14: Sige. Dun muna kami sa garden.
Sa garden...
A14: Do you know what you did? Our job is to keep her safe, which includes pagtatanggol.
MJ7: Oo nga. Dapat pinagtatanggol natin sya sa mga nang-aaway.
R09: That's what I did.
A14: Pinalayo mo lang sya eh. Dapat pinag-stay natin sya then we ask JBlack's group to get lost.
MJ7: Or dapat nag-stay nalang si Nikki at JBlack. Idaan sa maayos na usapan.
R09: Magsisimula lang 'yon ng away. I know Agent JBlack. Nagpilit syang sumama para siraan tayo. Once she knew who the President's daughter is, she'll do anything na masama, then she'll tell CD21 that everything's our fault, na hindi natin sya isinama sa mission kaya wala naman syang ginawa. Meaning nasa 'tin ang sisi dahil tayo yung gumagawa ng mission, then sya, she's not included, that's why whatever happens to Nikki, tayo ang may gawa, and she isn't included.
A14: Oh. You should've told us earlier, nasigawan ka tuloy namin.
MJ7: Oo nga. Sorry. Tara na. San next class nyo?
A14: Math akez.
MJ7: Physics.
Kroo kroo. Hinihintay nilang sumagot si R09 pero parang wala itong balak. Nagsimula itong maglakad patungo sa next class nya which is English.
Lucy: *biglang sumulpot* I heard Nikki's name. And who's Agent JBlack? Bakit tinawag nyo yung isang new student na JBlack? And what mission?
R09: *nakatalikod* Shut up, okay? Never tell anyone tungkol sa narinig mo. Whatever we're doing right now, I assure you, makakabuti 'to para sa kaibigan mo.
Lucy: May binabalak kayong masama. You're acting like all kind para mapalapit kay Nikki, but the real thing is you're all bitches.
R09: *humarap dahil naiinis na* Shut up. You don't know anything.
MJ7: Believe us when we say na makakabuti sa kaibigan mo ang kung anumang ginagawa namin.
A14: We'll explain it to you. Basta promise us that you won't tell anyone, especially Nikki and that Jean.
Lucy: Never mind. Ayokong maging masama.
R09: What's so bad about keeping the President's daughter safe? What's so bad about making Nikki closer to her biological parent?
Lucy: Ha?
At inexplain na nila ang katotohanan.
Lucy: Hindi nyo naman kasi sinabi agad. Edi sana, hindi tayo nagmurahan. Tutulungan ko kayo.
Pero ang hindi nila alam, hindi lang si Lucy ang nakarinig ng lahat.
JBlack: So, she's the daughter. *evil smirk* Ha! Babagsak din kayo, ARM.
Dismissal...
JBlack: Hey! Nikki, right?
Nikki: Ah, yes. *aalis na sana*
JBlack: Wait. Gusto mo bang sumama? Ililibre kita.
Nikki: Hindi ako pwede. May work pa 'ko.
JBlack: You're working? Pwede ba 'kong mag-apply dyan? I need to be independent na kasi.
Nikki: Bahala ka.
JBlack: *bulong sa sarili* Chance ko na 'to. Babagsak na kayo, A14, R09, MJ7. Haha. *to Nikki* Sabay ka na sa'kin sa car ko.
Nikki: Hindi na. Ibibigay ko nalang 'yung name ng place sa'yo. Nakakahiya kasi eh.
JBlack: Wag ka nang mahiya. Tara. Peace offering ko na rin sa nagawa ko kanina. Tara na.
Nikki: Magpapaalam pa 'ko sa friends ko.
JBlack: Tawagan mo nalang. Let's go na. *hila kay Nikki*
At umalis na sila. Samantala...
Eline: Ba't hindi man lang tayo hinintay ni Neq? Nakakatampo.
Lucy: Hindi naman ganito ah. Usually, hinihintay nya tayo.
Eline: I know right. Oh, ayan pala sila Chuchu eh. Let's ask them.
Lucy: Chuchu! Chuchu!
MJ7: *bulong kina A14 & R09* Parang nagtatawag ng aso.
Chuchu: Yes? Have you decided to leave that nerd and be friends with us?
Eline: No, of course not. Never. Itatanong lang namin if you've seen Nikki.
Chuchu: No. We're looking for Jean nga din eh. She told us na pupunta daw sya sa may garden sa uwian, but she isn't there. Nagpunta din sya ng garden nung lunch, after we ate. Ano kayang meron sa garden?
Lucy: Ok. Thanks.
Eline: Sa garden, wala din don si Niks. Dun usually sya naghihintay sa'min.
A14: Tapos ang sabi ni Chuchu, pupunta don si JBlack sa uwian. Baka nagkita sila.
MJ7: Oo nga. Tapos isinama nya sa kung saan si Nikki. Naku tara. Hanapin natin.
Sumakay sila sa van nina Lucy. They're heading to the resto where Nikki works. Naikwento na ni Lucy kay Eline ang tungkol sa mission
R09: Narinig nyo yung sinabi ni Chuchu? JBlack was there nung lunch time. Baka alam na nya.
Eline: Which?
R09: Na si Nikki at ang anak ng presidente ay iisa.
A14: Oh, shit. Hurry up! We need to see her.
Sa kabilang dako.....
Nikki: Ayan na yung resto. Ihinto mo na.
Pero nagpatuloy si JBlack sa pagda-drive.
Nikki: Ahm, Jean. Lagpas na tayo.
JBlack: I know.
Nikki: Eh, san ba tayo pupunta? Diba don sa resto?
JBlack: I won't let those bitches accomplish their mission. We're heading to a place where no one else will know. Hahaha.
Nikki: Ibaba mo 'ko! *yugyog kay JBlack* Ibaba mo'ko dito.
Binilisan pa ni JBlack ang pagpapatakbo sa kotse.
JBlack: Sige. Guluhin mo pa 'ko sa pagda-drive. Hinding-hindi mo na makikita ang mga minamahal mo sa buhay.
Tumigil si Nikki sa panggugulo kay JBlack. Tahimik syang umiiyak sa passenger seat at nakatingin sa labas ng bintana, trying to memorize the places they've passed.
Sa kabilang dako....
Eline: *nagda-dial* Shhh. May sumasagot na babae.
A14: Anong sabi? Anong sabi?
Eline: *baba ng phone* Walang kwentang kausap. Ang sabi ba naman, "The number you have dialed is unattended. Please try again later."
Lucy: Kung hindi lang ako nagda-drive ngayon, nabatukan na kita.
MJ7: *may tinatawagan* Hello, Agent MA2?
Si MA2 (Mathew). Isang agent sa SAO. Kaibigan din nila.
MA2: Yes? Need anything?
MJ7: I need to know kung anong plate number ni Agent JBlack.
MA2: JB4992. Pero iniwan nya yung car nya, hindi nya dinala sa mission.
MJ7: May iba pa ba syang kotse?
MA2: Wala na. Yun lang yung nakalista dito. Why? May problema ba?
MJ7: Sige. Salamat nalang. *end call*
A14: Baka nasa resto sila. Tingnan muna natin bago tayo maghanap.
Sa resto...
Lucy: Tom, si Myra ba, dumating na?
Tom: Naku, eh kanina pa simula ng shift nya eh, kaso hindi pa dumadating.
Eline: Sige, thanks. *labas ng resto*
Lucy: Wala si Nikki dun. San na kaya sya?
R09: Nakita nyo ba kung anong kulay yung sasakyan ni JBlack kanina?
MJ7: Hindi eh.
Biglang may nag-ring...
Eline: Hello?
Chuchu: Girl, yung car ko, nawawala. Please, baka alam mo kung nasaan. Please. Sabihin mo lang kung nasaan, hindi ko na lalaitin si Nikki. Please?
Eline: Ha? Naku, hin---
R09: *agaw sa phone* What's your car? What's the color?
Chuchu: Pink na Mercedes Benz.
R09: Plate number?
Chuchu: TM1234.
R09: Ok. *end call*
R09: Agent MJ7, call Agent MA2.
MJ7: Eto na. *sa tawag na naka-loudspeaker* Hello, Agent MA2?
MA2: O, may problema?
R09: Paki-locate kung nasaan ang pink na Mercedes Benz.
MA2: Ok. Hintay lang...........Ayan, it's currently in Pagpag St, Huwag Kang Lilingon City, Cebu.
A14: Ge, thanks. Just keep updating us kapag nache-change ng location.
MJ7: Lucy, do you know where that place is?
Lucy: Oo. Mej malayo na yun, pero bibilisan ko nalang.
Nang makarating sila sa place ay tumawag si MA2.
MA2: Nasa Mabahong-mabaho St, Walang Naliligo City, Cebu na ngayon.
MJ7: Sige, salamat. *end call*
Pero pagdating sa nasabing place, wala kang makikitang bahay. Puro puno, at walang kahit anong ilaw.
A14: Eh wala namang bahay dito eh. Walang katao-tao.
Eline: Baka nandun pa sa malayo. Idiretso mo lang, sis.
Nakarating sila sa isang bundok. Pero sa tuktok ng bundok, may nakatirik na puting bahay. Maliit lang ito. Walang nakabukas na ilaw.
MJ7: Nice. Instant hiking pala 'to eh.
Lucy: Kung hindi ko lang talaga mahal si Nikki, magpapaiwan na 'ko dito sa baba.
R09: Let's go. Nagsasayang kayo ng oras kakadada.
Eline: *bulong sa mga kasama* PMS ba lagi yan?
A14: Ganyan talaga sya.
Pagpunta sa tapat ng bahay, tahimik ito. Parang wala pa ring tao.
A14: Hindi naman natin 'to first time makipagbakbakan pero, kinakabahan ako.
MJ7: Siguro dahil agent din yung kalaban.
A14: Or maybe dahil anak ng pangulo yung nakataya. Bahala na. Let's get it on! *labas ng baril*
Nilabas na rin nina MJ7 at R09 ang mga armas nila.
R09: Maybe mas maganda kung aalis na sina Lucy at Eline.
Lucy: What? No! Ililigtas namin si Nikki.
R09: Sige. Wala kaming kasalanan kung maputukan kayo ng baril.
Dumaan ang mga agents sa bintana, habang hindi alam ng kambal kung paano sila papasok. Madilim na rin kaya mej natatakot na sila, idagdag mo pa na nasa tuktok sila ng bundok. Samantala sa loob...sa bintana ng kusina sila nakadaan. Nagbubulungan lang sila kapag nag-uusap at nag-iingat na huwag makagawa ng ingay.
MJ7: Kaya natin 'to. Dito pa ba tayo papalpak?
A14: Hindi. Hinding-hindi.
May narinig naman silanh kalampag. Nakita nila si Nikki na nakaupo habang nakatali ang kamay at paa at may busal sa bibig. Lumapit si MJ7 para kalagan ito, ngunit......BANG!!! BANG BANG BANG!!! (into the room. Charot.)
Agents: Shit.
--->FAST FORWARD---> AFTER ONE YEAR....
MJ7: Uuurrrrrggggghhhh! Kung hindi lang malakas ang tama sa utak nitong taong 'to eh!
A14: Ano na naman 'yang pinuputok ng butsi mo dyan?
MJ7: Etong siraulong 'to na text ng text sa'kin.
A14: Ano bang sabi?
MJ7: Aba. Padalhan ko daw sya ng load. Yun daw yung bago nyang roaming number, tapos last load na daw nya yon.
A14: Try calling that person.
MJ7: Di na uy. Baka manloloko 'to.
Tumunog naman ang cp ni Myra hudyat na may nag-text.
MJ7: *binasa ang text* Friend, pasundo naman ako sa airport. Please? Labyu! ♥♥♥ :-)
A14: Oh. Sunduin mo daw sa airport. Tara. Puntahan natin.
MJ7: Mag-isa ka.
A14: Ikaw kaya yung inaaya.
???: Oh? Nag-aaway na naman kayo dyan?
A14: Eto kasing textmate ni Myra eh.
???: Why? What did the textmate say?
Inabot ni Myra ang phone nya para mabasa.
???: Oh, tara. Samahan ka namin pumunta sa airport.
MJ7: Ah. Hindi na. Nakakahiya naman.
???: At bakit ka nahihiya sa'kin?
A14: Duh! Kausapin daw ba kami ng anak ng presidente, syempre, bait-baitan kami.
Nikki: Sus. Kaibigan ko naman kayo ah. Wag kayong mahiya.
MJ7: Eh sino bang kasama mo?
???: Kami.
A14: Sup, Agent JBlack?
JBlack: *looks up* The clouds.
MJ7: Wala kang pinagbago. Bakit may mga bitbit kayong pagkain?
Eline & Lucy: It's picnic time!!! :-D
Nikki: Naisip ko kasi, thanksgiving ko na rin sa inyo.
A14: Kotang-kota na kami sa 'thank you' mo.
MJ7: Oo nga. Isang taon na yan.
Eline: Ayaw nyo? Kami nalang kakain. *dadampot sana ng tinapay*
JBlack: *palo sa kamay ni Eline* Uhm! Para sa kanila yan eh.
Nikki: Tara na. Kumain na tayo.
Habang kumakain ay nagkukwentuhan sila. Pero biglang sumeryoso ang usapan....
Lucy: Nami-miss ko si PMS.
JBlack: Kung nandito yun, nabatukan ka na.
MJ7: Di rin. Tatahimik lang yun.
A14: Hindi naman sya nasagot pag inasar mo eh. Tititigan ka lang, pero matatakot ka.
Nikki: That's the nature of life. May mga nawawala, may pumapalit.
MJ7: Oo nga. Nawala si R09, pumalit kayong apat.
Ano nga bang nangyari sa loob ng isang taon?
-Naging mabait si JBlack.
-Alam na ng Pilipinas ang tungkol kay Nikki.
-Baliw pa rin sina MJ7 at A14.
-Nagkakuto na ulit si Loisa.
-Tumangkad ng 1 inch si Mahal.
-Naging katulad ng mata ng tarsier ang mga mata ni Manolo.
-May apo na sa talampakan sina Maya at Ser Chief.
-Buntis na si Manang Fe.
Maraming nagbago, pero marami ring ganun pa rin. Agents pa rin sila.
???: Nagbakasyon lang ako, nag-drama na kayo. Aba matinds, pare.
Nagulat naman silang lahat sa presensya ng bagong dating. Hindi nila inakalang makikita nila ito, at mukhang masaya ito.
???: What? Agent MJ7, kelan mo pa 'ko ini-snob? I texted you na sunduin ako sa airport, pero ni anino mo, waley.
MJ7 & A14: R-OW-9!!!! We miss you!!! *yakap*
R09: Aray. Tama na. Nasasakal na 'ko. Atsaka, ang drama ha, nagbakasyon lang ako, para namang namatay na 'ko sa mga pinagsasasabi nyo kanina.
Nikki: Na-deads ka naman noon ah, 10 minutes nga lang.
R09: E, siraulo 'tong si JBlack eh *turo kay JBlack*. Atsaka oy, kung hindi ako humarang noon, ikaw ang tatamaan, ikaw ang magfa-flatline. Bleh! *dampot sabay kagat ng tinapay* Sifjnheijndjsj ahhsujnsnjs
A14: *abot ng tubig* Nagbakasyon ka lang sa ibang bansa, nakalimutan mo na ang 'Don't talk when your mouth is full'.
R09: Sasabihin ko lang kasi na, naalala ko, hindi pa pala tapos yung mission. Hindi pa kasi tapos yung term ni President.
MJ7: Ahuh. At nilayasan mo kami kahit hindi pa tapos.
R09: Makapagsalita, para naman nag-AWOL ako. Nga pala, I'm resigning.
A14: Cut that crap. I know you aren't.
R09: Here. *abot ng envelope*
Binuksan nila ang envelope at nakita nila ang isang resignation letter.
To be continued......may isang part ng kabaliwan pa....
Rodalyn A. Gasid
Sunday, November 9, 2014
MISSION: Keep the President's Daughter Safe
What you're about to read is a fictional story. Please don't take the things here seriously. The characters' characteristics and attitudes aren't the same in their real life personality.
MISSION: Keep the President's Daughter Safe
CD21: Agents em-jay-seven, ey-fourteen, and ar-ow-nine. Do you kno---
Si CD21 (Charles). Ang boss ng mga agents sa SAO (Secret Agents' Organization). Mabait, palabiro at palakaibigan si CD21. Sya ang apo ng founder ng SAO. Never in SAO's 100 years ay nag-fail ito. Lahat ng missions ay napagtatagumpayan. Walang nakakaalam tungkol sa org nila maliban sa members, at sa president at vice president of the the Philippines.
R09: Sir, how many times do I need to tell you that it's R. ZERO. 9.
Si Agent R09 (Roda). Laging seryoso, tahimik, pero pag nagsalita, masungit at maldita, naiiba sa dalawa nyang kaibigan, pero kapag close kayo, ganun pa rin naman sya, pero makikita mo ang bait at pagka-concern nya. Bihira syang ngumiti. She's known as the cold-hearted agent. When she speaks, her tone's always cold and low, which is known as her 'usual tone'.
CD21: Okay, okay. Chill. Minsan kasi, yung zero pwedeng basahin as 'O'.
R09: Then hindi part ng 'minsan' yung '0' sa codename ko.
CD21: Okay. Relax. I'll continue. Do you know why I am appointing the three of you to do this mission?
MJ7: Alam ko Sir! Kasi trip mo lang. O kaya naman, no choice ka na.
R09: *gives MJ7 a disgusted look* Seriously?!
Si Agent MJ7 (Myra), baliw. Jolly, hyper, napaka-friendly, at parang laging naka-drugs sa sobrang high (Hehe). She's caring, malambing, sweet, at isang joker. She likes painting, drawing, cooking, and baking. She's known as the jolliest agent.
MJ7: *peace sign kay R09* Hehe. Peace. 'To naman. *pabiro* Parang laging 'meron'.
R09 just gives her a blank stare which made her shut up.
CD21: The reason is because napakagaling nyong tatlo individually, lalo na pag pinsama-sama kayo. You have different characteristics, pero napaka-compatible nyo when you're together.
A14: *pabiro* Si Sir. Nambola ka pa. Gagawin naman namin yang mission na yan, don't worry. No need to say those words.
CD21: Pakipot ka pa. Alam ko namang tuwang-tuwa ka sa papuri ko sa inyo.
Si Agent A14 (Athena), baliw. Katulad lang rin sya ni MJ7, except for the fact that she's a pessimist. Palakaibigan din sya, masayahin, pero masama kung gagalitin. She's known as the positive pessimist, meaning she's really a pessimist, though she's good and kind. She's sporty.
CD21: You have to take care of the president's daughter. Make sure she's safe, kasi nga her father's the President of the Philippines (fiction po ang istoryang ito), so malapit sya sa panganib lalo na't hindi nagugustuhan ng sambayanang Pilipino ang pamumuno ng pangulo (again, fiction). At ang bilin ng pangulo, dapat hindi malaman ng iba na she's his daughter.
MJ7 & A14: *saludo* Sir, yes, sir!
A14: Makakaasa po kayo, don't worry.
CD21: Alam ko. Alam kong you'll accomplish this mission, that's why kayo ang pinili ko. Ito ang files nya. Kayo nang bahala hanapin sya, at bukas na ang alis nyo papuntang Cebu. Mag-iingat kayo.
MJ7: Sige po, sir. Aalis na po kami. Mukhang naiinip na yung isa jan *looks at R09*
Agent R09 gives Agent MJ7 a blank stare kaya natakot na naman ito. Nahalata naman ito ni Agent A14 kaya to the rescue naman sya.
A14: Opo nga, Sir. Ang boring ng meeting na 'to. Naiinip at nababagot AKO.
CD21: O sige. Lumayas na kayo at magpakasaya dahil bukas, may mission na naman kayo.
Lumabas na ang tatlo at dumiretso sa canteen. Sina Agents A14, R09, at MJ7 (ARM). Magbabarkada sila. R09 is the total opposite of the two. Pero kahit ganun, masasaya pa rin naman sila sa buhay nila, well, except for R09 na mukhang may galit sa mundo. MJ7 and A14 are the only ones that R09 allow to call her R-ow-9, kaya they call her that way. They know each other very well, at sanay na sanay na sila sa ugali ng isa't isa. They are the Top 3 agents in their org. Their place is not a building, they live in a dome. Hindi naman sa naninirahan sila don, pero may iba na dun na talaga natutulog at nakatira. Pwede kang umuwi ng bahay kung trip mo, pwede kang mag-stay dun kung trip mo. Basta ang mahalaga, ginagawa mo ng maayos ang trabaho mo.
MJ7: *binabasa ang files* Nikki Floranne Castolo. 19. 4'3. No. 6988 Hulaan Mo St, Kundi Made-deads Ka City. Bumkarakarakabels Pak! Pak! Chenelyn International School. Ba't wala man lang picture? Pano natin malalaman kung sino 'to?
A14: Yun yata yung twist. Kailangan muna natin pumasok sa school na 'yun, then saka natin hanapin yang si Nikki. Teka, Castolo? Ba't iba yung surname? Ba't hindi Ramirez?
MJ7: Oo nga no. Eh ang pangalan ng president eh Joel Andrei Ramirez.
R09: *usual tone* Sir told us na people shouldn't know her real identity. Changing her surname would help in hiding the fact that she's the president's daughter. Tss. Puro kalokohan kasi, hindi nakikinig.
A14: Oy nakinig naman kami.
MJ7: Wait. You spoke 30 words. OMG. That's an achievement! *clap clap* Usually kasi, you only speak at most.....hmmm.....around 17 words.
A14: I think you're wrong. She only spoke 29 words kasi 'Tss' is not even a word.
MJ7: It's ok. She still said it.
A14: 29.
MJ7: 30.
A14: 29!
MJ7: 30 nga kasi!
Nagtalo lang sila ng nagtalo. They didn't notice that R09 has left.
A14: Twent---Nasan na sya?
MJ7: Nainis na naman siguro. Ikaw kasi eh.
A14: Pareho lang tayo. Tara na nga. Hanapin na natin.
They found R09 outside the dome, sitting on the grasses under the tree. She's staring at her phone, na parang may something doon, but they couldn't see it dahil nakatalikod si R09. They walked as quietly as possible dahil gugulatin sana nila ito. When they are about five meters away, R09 hid her phone in her pocket, saying,
R09: What are you doing here? *using her usual tone, low and cold*
R09 is looking at nowhere, talking to them even if she's isn't looking to know who the people behind are. Walang sumagot. Agents MJ7 and A14 didn't answer, thinking if the question was for them, though there are no other people around except for the three of them.
R09: Any plans answering my question, Agents MJ7 and A14?
She's still not looking at them. Nagtinginan naman sina MJ7 and A14 na parang nagtatanong sa isa't isa ng 'Pano nya nalamang tayo yung dumarating?' At 'Pano nya alam na may dumarating?' Dahil hindi nila alam ang sagot, they both shrugged. They just sat beside R09, R09 in the middle.
MJ7: Any problem?
A14: You could tell us. We're just here.
Instead of answering, she stood up and headed back to the dome without looking at her two friends. The two agents were left confused of what's happening. It just happened so fast. A while ago they were having a meeting, then they ate, but now they don't know if R09's mad, or sad, or what? Sanay na rin naman sila sa ganung ugali ni R09. They actually get compliments from their co-agents because they can hang out with R09, dahil natitiis nila ang ugali nito.
A14: What?! Iniwan nya lang tayo?!
MJ7: Wow. Reaction mo, pre. First time? Hindi naman ah.
A14: Oh well. Tara na nga. Let's just rest because tomorrow's gonna be a loooooong day.
--->FAST FORWARD---> Sa Cebu....
MJ7: *sigaw pagbaba ng eroplano* Maayong......maayong....*humina ang boses* ano nga yung tanghali sa Cebuano?
A14: Ewan. I don't even know what maayo means.
MJ7: *sigaw ulit* Maayong tanghali sa inyong tanan! Cebuuuuuu! I'm baaaaack-la!
R09: Oh, God. Could you please shut up? Everybody's looking at us. Nadadamay pa kami sa'yo eh.
MJ7: I knew it. Mapagsasalita kita pag sumigaw ako. Kanina ka pa sa eroplano tahimik eh.
A14: Lagi naman syang tahimik eh. Di ka pa nasanay.
Hindi nalang pinansin ni R09 ang dalawa. Pumara nalang sya ng taxing maghahatid sa kanila sa hotel, Dyesebel Hotel. Napanood nila ito sa commercial at may description na, "Dyesebel, ang tahanan ni Annabelle." Tuwang-tuwa dito ang dalawa kaya't pumayag nalang sya. Sa hotel.....
A14: Akin yung gitnang room! Akin yun!
MJ7: Edi, sa'yo. Wala namang umaagaw eh. Oh, Bregz, alin sayo?
Dumampot nalang si R09 ng susi without looking and talking. No.9. Si MJ7, No. 11, si A14, No. 10. Pagkatapos mag-ayos ng gamit ay pumunta sila sa room ni Agent A14 para magplano. Sa kalagitnaan ng pagpa-plano, may kumatok.
MJ7: Ano 'yan? Room service agad?
A14: *pinagbuksan 'yung kumatok* No effing way.
???: Yes effing way.
R09: What the hell are you doing here?!
???: I'm here to help you. Pinadala ako ni Sir. Agent JBlack here! *evil smirk*
Si Agent JBlack (Jane). Kaaway ng ARM. Ayaw nya sa tatlo dahil naiirita sya dito, lalo na kay R09 dahil ayaw nya ang ugali nito. She's also smart, one of the Top 5 agents. Pinadala sya dahil pinilit nyang isama sya.
R09: *usual tone* So what if you're here? Get lost. We'll just call Sir and tell him that we can do the mission without needing your help. Bye! *sara ng pinto*
Kinontact nila si CD21.
R09: Sir, we don't need an evil grandmother here. We're not in a fairytale like Cinderella.
CD21: Agent R-ow----I mean R-ZERO-9, who's that evil grandmother you're talking about? I don't remember anything na may pinadala akong lola.
MJ7: We're pertaining to Agent JBlack. Sir, we don't need her here. We can do the mission all by ourselves.
CD21: Ayaw nyo yun, mas marami, mas mapapadali. Sige na, bye. I'm busy. TTYL. *end call*
A14: So, no choice tayo. Bahala na.
Binuksan nila ang pinto at nakatayo pa rin doon si Agent JBlack.
JBlack: Finally, you opened the door. Nangangalay na 'ko dito sa mga maletang 'to. Can I go in?
R09: Course not. We don't care whatever happens to you even if you die. Go rent your own room, and go do the mission alone while the three of us will do it together. *usual tone*
A14: *bulong kay MJ7* Patay. Diretsong English yun, brad. Ibig sabihin, naiinis sya or galit na.
JBlack: Isusumbong ko kayo kay Sir.
MJ7: Go on. Gusto mo, samahan ka pa namin eh.
A14: Oo nga naman. Sinong tinakot mo?
JBlack: Kayo, malamang. Kayo kausap ko eh.
R09: Wow. So funny. It really is, believe me. Now get lost 'cause we're busy. You're disturbing the peaceful lives of your beloved enemies. *sara ng pinto* Let's continue.
Pumalakpak naman sina MJ7 and A14 dahil kay R09. Hindi kasi nila inaasahang magsasalita ng ganun karaming salita si R09.
MJ7: And the 'Most Maldita Award' goes to.......*nag-drum roll si A14* Agent R-OW-9!!! *clap clap*
R09: Stop that nonsense. Let's continue the planning.
Nang matapos magplano at magkwentuhan, kumain na sila ng dinner at sila na ang nagluto. Habang kumakain, may kumatok ulit.
A14: Wait! Hintay naman! Excited much!
A14: *pagbukas* What do you want again?!
JBlack: Mej naamoy ko kasi na may nagluluto. Parang amoy adobo.
MJ7: *biglang sumulpot kasama si R09* Ah. So?
R09: Maybe it's your own breath that you smelled. Baka adobo yung huli mong kinain and the smell lingers in your mouth, but you thought it's from our room. Maybe you haven't brushed your teeth yet, that's why.
Humagalpak naman sa tawa sina Agents MJ7 and A14 dahil sa pambabara ni R09, pero poker-faced pa rin ito. Inis na inis naman si JBlack kaya sasampalin nya sana ang pinakakinaiinisang agent. Kaso...
R09: *pigil sa kamay ni JBlack* You want a high-five? I'm sorry, I'm not in the mood. *pabagsak na bitaw sa kamay* Now go away, 'cause we don't need you here. Bye at try mong kumain ng sinigang naman, para alam mo yung amoy ng magkahalong sinigang at adobo. *sara ng pinto*
--->FAST FORWARD---> Kinabukasan sa Bumkarakarakabels Pak! Pak! Chenelyn International School (BPPCIS)...
Lucy & Eline: Nikkiiiii! Good morning, giiiiirl!!!
Sina Lucy at Eline. Kaklase/bestfriends ni Nikki. Kambal sila. Si Lucy, simple at mabait, si Eline, fashionista at mabait. Minsan nagbabangayan sila, pero pag nagsalita si Nikki, tatahimik sila. Mayayaman din sila at sikat sa school nila. Lucy calls Nikki 'Nikki' while Eline calls Nikki 'Niks'.
Nikki: O. Ang aga ang energetic nyo ah.
Si Nikki. Ang anak ng presidenteng si Joel. Hindi nya ito alam dahil lumaki sya sa Cebu at iba ang mga magulang, pero alam nyang ampon sya. Gusto nyang hanapin ang biological parents nya, dahil na-deads na ang mga umampon sa kanya. Mabait sya, scholar, at hindi mayaman at nerd kaya madalas syang ma-bully. Sina Eline at Lucy ang mga nagtatanggol sa kanya.
Lucy: Nikki, alam mo na ba yung news?
Eline: May darating daw na tatlong girls na mayayaman ditey sa school.
Nikki: O. Anong gagawin ko sa kanila?
Eline: Niks, of course, gagawin nating friends.
Nikki: Mayayaman? Di bale sana kung katulad nyo na mababait, ok lang. Eh kaso, baka mga maldita din eh.
Lucy: Ang nega mo naman girl. Oh sya, tara na sa room.
10 minutes before the time ay sila palang rin ang tao sa room.
Eline: Do they have any plans of going to school?
Nikki: CR muna 'ko.
Lucy: Sama na kami.
Pagkalabas ng room ay may nakita silang maraming taong nagkukumpulan ay parang may pinagkakaguluhan. May nakita silang tatlong bagong babae na nakaporma, halatang mga mayayaman kahit hindi naka-dress, at mukhang mga sosyalin. Hindi nalang pinansin ni Nikki ang mga ito at nagpatuloy pumunta sa cr, which means madadaanan nya ang mga tao. Bumalik muna sya sa room at kinuha ang hoodie nya para matakpan ang nerdy styles nya dahil mej nahiya sya sa mga bagong dating. Pagkalabas ay nakatungo lang sya ng biglang.....BOOOGSH!!!
???: *galit* Oh, shit! Don't you know how to look on your way?! You keep looking down! God!!
???2: Relax. Miss, sorry ka na dito sa kaibigan namin ah.
Nikki: *nakita ang new students* S-sorry po. Sorry po talaga, hindi ko po sinasadya, hindi na po mauulit. Sorry po.
???3: Sige na, girl. Kami nang bahala dito sa kaibigan namin.
Lalayo na sana si Nikki ng bigla syang hawakan sa braso at pigilan nung nabangga nya.
???: What's your name? *cold tone*
Nikki: *natakot lalo* Nikki po. Nikki Floranne Castolo.
???: My name's Bryce. Nice to meet you. These are my friends, Tamara and Winter. *usual tone*
MJ7: Hi, ako si Tamara. Nice to meet you, girl. *shakehands*
A14: Winter. Nice meeting you. *shakehands* San ka ba dapat pupunta?
Nikki: Sa cr po sana.
MJ7: Eksakto. Hahanapin din sana namin yun. Wag ka nang mag-po, masyadong nakakatanda. Haha. Taralets.
May mga nagbubulungan na maaarte at saksakan ng kapal ang make-up naman sa may gilid nila kaya't napahinto ng lakad si R09.
Girl: Ang cheap naman nung pinili nilang friend.
Girl2: Oo nga. Baka cheap rin sila.
Girl3: Wala silang kataste-taste pumili ng friend. Isang nerd. Tss.
Nagulat ang 3 babae ng lumapit sa kanila si Yce.
Girl2: Ibe-befriend na yata tayo. Lumalapit na eh.
Pero nagulat sila ng magsalita ito ng mej galit.
R09: It would be called cheap if we chose you as our friend. It would be called 'no taste' if we chose you as our friend. So what if she's a nerd? At least, she's smart and she studies her lessons hard, not like the others who studies the application of make-ups and lipsticks first before their lessons. *points at the faces of the girls* Ahuh! Too much blush-on girls. Mukha kayong siling labuyo sa sobrang pula.
Tumalikod na si Yce at lalakad na sana palapit sa mga kaibigan ng hilahin sya ng isang babae paharap ulit sa kanila at akmang sasampalin. Pinigilan ni Yce ang sampal at hinawakan ng mahigpit ang wrist ng babae.
Girl: You're a bitch!
R09: It takes a bitch to know a bitch, bitch. *bitaw sa kamay ng babae* Remember that. *lakad palapit sa mga kaibigan w/ Nikki, Eline, Lucy*
MJ7: Wow. Pwede nang kontrabida sa mga teleseryes.
A14: Parang 'Two Wives' lang o kaya yung kina Jericho, Maja at Angel.
MJ7: Oo nga. Ibang klase ang sampalan at murahan.
Binigyan naman sila ni R09 ng blank stare na ikinatahimik nila. Pagkagaling ng cr ay bumalik na sila sa room since magkakaklase naman sila. Pinagtitinginan naman sila, at mej naco-conscious na lahat maliban kay R09 na walang pake. First subject......
Teacher: You have new classmate? *insert Chinese tone*
Classmate1: Yes sir.
Teacher: Ahh. I'm Teacher Wa, Wa Lang Hiya. You?
MJ7: *mej natatawa* T-tamara, sir.
A14: I'm Winter.
R09: Bryce.
--->FAST FORWARD---> Lunch...
Eline: Niks, may baon ka?
Nikki: Late na 'ko nagising kaya hindi ako nakapagluto. Hindi ko pa natatanggap 'yung sweldo ko.
Lucy: Ililibre ka na namin, girl.
Nikki: Per---
Kaso nakaalis na ang dalawa para um-order ng pagkain nya, kaya naiwan syang mag-isa sa table nila. May dumating naman na grupo ng mga babae na saksakan ng aarte.
???: Oh, girls. Who's this cheap girl sitting alone? Maybe, ayaw sa'yo ng lahat ng students dito, kaya walang maay gustong kasama ka.
???2: Her name's Nikki. Nikki, meet our new friend, Jean.
Nikki: Hi. Chuchu, manggugulo ka na naman ba?
Jean: Now, you *turo kay Nikki* get up, go away, and look for a new place to eat 'cause we'll be sitting here. *upo* Leggo, girls. O, what are you doing? Why are you still here?
Tatayo na sana si Nikki ng hawakan sya sa kamay ni Tamara na kararating lang kasama sina Winter, Yce, Eline at Lucy.
MJ7: Wag kang umalis, nauna ka dito. Sila ang dapat umalis.
Jean: *hindi pa tumitingin sa nagsalita* And who are you to---*tingin sa nagsalita* w-why are you---
R09: *usual tone* Sup, JBlack?
Ha-ha. To be continued pag hindi tinamad....
Rodalyn A. Gasid
Monday, November 3, 2014
My Stranger Fiancé 2.0
Pumasok si Myra na nakalugay ang buhok sa mukha. Sakto rin at naka-white dress sya.
Joel: A-ahhhhhhhh!
Myra: Hahahaha. Ang epic. Hay naku! Haha. Nakalimutan mo bang may susi rin ako ng mga rooms dito?
Joel: Dun ka na nga lang kasi sa isang kwarto. Dito ako sanay matulog eh.
Myra: Asa ka. Magpaka-gentleman ka naman.
Joel: Asa kang maging gentleman ako. Dun ka na. Chupi! Matutulog ako.
Myra: *bulong* Sungit. Kala mo kung sinong gwapo.
Joel: *nag-make face nalang*
Lumipat na si Myra ng kwarto. Wala syang magawa, inip na inip sya. Narinig naman nyang may kumalampag sa kusina.
Myra: Aba. Himala, dito kakain yung lalaking yun.
Narinig nyang naglalapag ng mga plato sa mesa, kumalampag ang kaldero at kawali, pati ang mga kutsara't tinidor. Narinig din nya ang tubig na parang may hinuhugasan ito. Narinig din nya ang pagbagsak ang pagbagsak ng kutsilyo sa chopping board na parang nagdadabog itong naghihiwa. May narinig din syang boses ng babae pero hindi nya alam kung saan galing.
Myra: Galit ata. Baka jowa nya yung merlat na nagsasalita, tapos may LQ sila. Sya na nga gumagamit nung 1st guest room. So nasa kusina sya, walang tao sa guest room. Mapuntahan nga.
Pumasok si Myra ng dahan-dahan sa unang guest room. Madilim ito. Biglang nag-ring ang cp ni Joel at tiningnan nya ang caller id. Pinsan. Alam nyang si Roda ito. Naririnig pa rin nya ang paghiwa ng padabog. Kukuhanin na sana nya ang cp para sagutin ang tawag pero biglang may nagsalita sa likuran nya. Si Joel na nanggaling sa banyo.
Joel: And what are you doing here? Aren't you supposed to be staying in the 2nd guest room?
Myra: Ha? Ahehe. Eh kasi, nasa kusina ka kanina. Naisip kong walang tao dito, so pumasok ako.
Maya-maya'y natigil ang pag-ring.
Joel: Eh hindi naman ako bumaba eh. Nag-stay lang ako dito no.
Myra: Eh bakit may kumalampag na plates at utensils sa kusina? Tsaka parang may nagcho-chop ng nagdadabog? May babaeng nagsasalita pa nga eh.
Joel: Sa kwarto mo nga, may maingay na babaeng salita ng salita eh. Ang sabi pa, 'Hey! Who are you? What are you doing here? You shouldn't be here! Get out!' Parang galit at may kaaway.
Myra: Ako lang nga mag-isa sa kwarto.
Medyo matagal na katahimikan ang namayani bago mag-sink in sa kanila ang mga sinabi nila narinig nila sa isa't isa. Pareho silang nasa kwarto lang, magkahiwalay nga lang, at pareho ring mag-isa. Sila lang din ang mga tao sa bahay na iyon. Naririnig pa rin ang pag-chop ng padabog, at ang agos ng tubig sa sink. Narinig din nila ang paggalaw ng mga upuan na para bang uupo na sila sa tapat ng mesa. Narinig din nilang parang nag-on na ang kalan, at narinig nila ang pagpatong ng something sa kalan. 'Magluluto na yata,' isip ni Myra.
Joel: T-teka. Sino yun? Bakit may ganun?
Myra: Hindi yata nagbibiro si Roda nung sinabi nyang may nagpaparamdam dito.
Joel: *natatakot na* Baka naman may pumasok lang na magnanakaw. Tapos makikiluto, at makikikain na rin.
Myra: Edi tingnan natin. Baka mamaya iuwi na nila yung mga kaldero.
Narinig nila bigla na parang may umaakyat sa hagdan. Malalakas ang tunog ng mga yabag nito ngunit mababagal at parang may pinupukpok. Maririnig mo dahil hindi naman bato ang hagdanan kundi kahoy.
Joel: Umaakyat na. Tingnan na natin.
Isinantabi nila ang takot. Lumabas sila ng guest room. Kahit kinikilabutan ay pilit nilang pinapakalma ang mga sarili. Wala silang nakitang tao sa may hagdan. Kinilabutan si Myra kaya napahawak sya ng mahigpit sa kamay ni Joel. Mej natakot rin si Joel kaya hinayaan nya si Myra na hawakan ang kamay nya. Sa isip nya, 'Ang bilis talagang magtago ng mga magnanakaw.' Bumaba na sila sa may hagdan. Maririnig naman galing sa kusina ang tunog ng mga platong inilalapag sa mesa. May konting agos ng tubig na parang nagsasalin. Kinakabahan sila pareho na baka kung ano ang makita nila. Dalawang hakbang nalang ay nasa tapat na sila ng kusina at wala naman silang naaaninag na lights na naka-on pero may kalampag pa rin. Pagdating sa harapan ng kusina at pagka-on ng lights....
Wala ni isang tao. Wala ni isang platong nakalabas. Walang kutsara, tinidor, baso, kaldero. Walang chopping board at knife. Maayos lahat at wala namang nagulo. Parang hindi nagamit ang kusina.
Myra: Eh ano yung narinig natin kanina? Narinig mo rin naman diba?
Joel: Oo, narinig ko. Pero parang imposible namang maligpit yun ng mabilis. Eh two steps away nalang, tumutunog pa rin yung mga plato eh. Pano nangyari yun?
Hindi nalang sumagot si Myra. Hindi nalang nila masyadong pinansin at inisip pa dahil lalo lang silang matatakot. Gusto nilang tawagan si Roda para magtanong, kaso ang mga phones nila ay nasa taas. Ngunit, biglang nag-ring ang cp ni Joel.
Joel: Naman eh. Ayokong umakyat eh.
Umakyat si Joel. Dahil natakot na maiwang mag-isa, sinundan ni Myra si Joel sa guest room. Pinsan, yan ang nakalagay sa caller id. Nagtinginan muna sina Joel at Myra bago sagutin ang tawag at ni-loudspeaker.
Roda: Thank goodness you answered! I've been calling you for the nth time! God, Joel! Why weren't you answering?
Joel: Sorry. Nasa banyo 'ko nung huli kang tumawag. Nung lumabas naman ako, nag-end na.
Myra: Roda, totoo bang may nagpaparamdam dito?
Roda: Bakit mo natanong?
Joel: Kasi kanina sa kusina, parang may nagpe-prepare kumain. Nung tiningnan namin, wala namang nagalaw na kahit ano. Sa hagdan, may nagpupukpok, eh wala namang tao.
Roda: Ahhh. Una pa lang yan. Marami pang iba. Sanay na 'ko. Ako nga 'pag pinaparamdamaan, mag-isa lang, kayo dalawa. Swerte nyo na rin. Atsaka, ganyan lang naman 'yan. Hindi naman sila nagpapakita, mag-iingay lang. Parang nakikipaglaro lang sila, 'yun nga lang, you're not having fun while they play games with you. Yung sa kusina, that's a family with 5 members. May nagcho-chop na galit kasi na-cut yung electricity nila and they didn't know na may nasusunog na wire. Namatay sila sa sunog. That's what the survivors said. Yung mga bahay na nakatayo sa paligid, pinagpaparamdaman din nung iba pang mga na-deads. Sanay na sila, so hindi na sila masyadong nagre-react. Yung nagpupukpok, he's a carpenter. He fell down the stairs, nabagok, natigok. That happened nung pinapagawa ko pa lang 'yang house.
Myra: Bakit hindi mo sinabi noon?
Roda: I told you na may nagpaparamdam. You just thought that I was joking. Blessed 'yang bahay as I said before, pero nandyan na talaga sila. For short, the house is haunted whatever you do and whatever happens. So my advice, sleep in one room. At least, that helps na wag masyadong matakot since you know that you have each other. Ayieeeh ang sweet. Bye na. I just checked if you're both ok. Parang ok naman kayo, except nung narinig nyo yung sa kitchen. Another piece of advice, sleep early. 8 pa lang tulog na lahat ng tao jan. Dahil may mga gumagala kasi sa paligid jan. Yun lang. *end call*
Joel: Pakshet. May something pala sa bahay na 'to.
Myra: Nagugutom na 'ko. Natatakot naman akong bumaba.
Joel: Halika, samahan na kita. Nagugutom na rin ako.
Kumain na sila. Isinantabi muna nila ang nangyari kanina sa lugar kung nasaan sila ngayon. Joel can feel that Myra's still scared so he tried to make her laugh by giving some corny jokes. They ended up laughing out loud while eating. Just this morning and afternoon, they were fighting. Just this afternoon, they heard some sounds from the kitchen but they saw nothing. But now, they are laughing together. They're now getting comfortable with each other, but they still don't know each other's name. But they don't seem to care. After eating ay tumambay muna sila sa terrace sa tapat ng 1st guest room. They're both sitting and Joel's playing his guitar while singing.
Joel: You were just a dream that I once knew. I never thought I would be right for you. I just can't compare you with anything in this world. You're all I need------
Natigil ito sa pagkanta ng may makitang babae si Myra. Papunta ito sa bahay ng kapitbahay. Nakasuot ito ng puting dress at dahan-dahang lumalakad. Mahaba ang dress, kaya hindi nila makita ang paa ng dalaga. 8 na ng gabi, at tulog na ang lahat, at parang sila nalang ang gising. Inoobserbahan nila ang babae. Lumilingon ito sa paligid na para bang may hinahanap. Nagkatinginan agad sina Myra at Joel. Pagtingin nila pabalik sa pwesto ng babae, wala na ito. Inisip nalang nila na baka nakita na nito ang hinahanap kaya tumakbo na pauwi.
Joel: Tulog na tayo. It's been a long day.
Ayaw pa sana ni Myra dahil natatakot pa rin sya sa bahay. Pumasok na sila sa guest room. Ini-on ang lamp sa table katabi ng kama. Naunang humiga si Myra dahil inaayos pa ni Joel ang gitara. Pagkatapos nya ay tumabi na rin sya kay Myra.
Joel: Goodnight.
Myra: Goodnight.
Alam ni Joel na natatakot pa rin si Myra. Kaya para makatulong, niyakap ni Joel si Myra para naman hindi na ito masyadong matakot (ehem). Niyakap nalang din Myra si Joel. Ang posisyon: Nakapulupot sa waist ni Myra ang braso ni Joel. Nakasiksik ang mukha ni Myra sa leeg ni Joel.
Joel: Don't be scared. Nandito lang ako. *kiss sa noo ni Myra* (ehem. Ang shwet shwet naman)
At natulog na sila. Kinaumagahan.......Naunang nagising si Myra. Magkayakap pa rin sila. Naisipan nyang magluto ng breakfast. Nilakasan nya ang loob nyang pumunta ng kusina at nag-prepare ng breakfast nilang dalawa.
--->FAST FORWARD---> (Ang haba-haba na nito nasa second day pa lang sa LA. Wala pa yung....)
AFTER 3 months....
Roda: *sa phone* Pakisabi please, kailan ka uuwi? Myra, you have to decide. Either you'll marry the guy your parents want you to marry, or you'll stay with my cousin and you don't even know his name. Two weeks from now your gonna meet the guy.
Myra: Hindi ko alam. Masyado na 'kong nag-eenjoy dito.
Roda: Nag-eenjoy ka kasama ang pinsan ko? Tell me, are falling in love with my cousin?
Myra: Pano kung oo? Kaso, ayaw ko rin namang mataboy ng parents. Sabi mo nga, ilang beses nang nagtatanong si Mama sa inyo.
Roda: Make up your mind. Whatever happens, you know we're just here. And hey, I just wanna say that you and my cousin are so awesome! You stayed in a haunted house. Nice. Anyway, I gotta go. We miss you. Beso mo nalang ako kay pinsan ha? Bye. *end call*
Joel: Oy. Sino kausap mo?
Myra: Yung pinsan mo.
Joel: Ahhhh. Gusto mo ba, i-tour kita dito sa LA? Gamitin nalang natin yung motor ko.
Myra: Talaga? Kaso, may pasok ako eh.
Joel: Akong bahala. Si pinsan naman may-ari nun eh. Malakas ka dun. Tara?
Myra: *smiles* Tara!
Sumakay na sila sa motor. Mej natatakot pa si Myra dahil hindi pa sya ever nakakasakay ng motor. Napansin naman ito ni Joel.
Joel: O bakit? Natatakot ka? First time mo no? (Uy. First time.)
Myra: Oo eh. Wag masyadong mabilis ah. Dahan-dahan lang. (Ehem.)
Joel: Sige. Sakay na. Kapit ka sa bewang ko.
Biglang pinaharurot ni Joel ang motor kaya mas napahigpit ng kapit si Myra.
Joel: Hahahaha.
Myra: I hate youuuuuuu! Bagalan mo! Bwisit ka!
Pumunta sila sa isang basketball court.
Joel: Ang matatalo, manlilibre sa resto. Ang mananalo, reregaluhan ng matatalo.
Myra: Sige na nga, kahit ang hirap ng parusa. Hindi pa naman ako naglalaro ng basketball. Pero tatalunin kita!
Naglaro lang sila ng naglaro. Nung mag-tie ang score sa 24, (paunahan maka-25 kasi sila) nagyabang si Myra.
Myra: Sabi sa'yo magaling ako eh. Kita mo, tie pa tayo. Ako mananalo dito no.
Joel: Tingnan nalang natin.
Nag-dribble na si Joel. Bigla naman syang tinulak ni Myra kaya nabitawan nya ang bola at nakuha ito ni Myra. Na-shoot ni Myra ang bola kaya nanalo sya. Natatawa nalang si Joel. Bawal manulak, pero wala naman sila sa tunay na laban kaya hinayaan nalang nyang magsaya si Myra.
Myra: Sabi ko sa'yo ako mananalo eh.
Joel: Nakatsamba ka lang. Tara na, kain na tayo. Gutom na 'ko eh.
Myra: Haha! Manlilibre ka. :P
SAMANTALA SA PINAS....sa office ng pudra ni Myra........
Ed: I know you know where she is.
Jane: I'm sorry to disappoint you, Sir, but we really don't know anyting about that.
Ed: Liars.
Roda: You said it yourself, Sir, that we are liars. So why are you still wasting your time talking to us and asking us about your daughter? You should know where she is, dahil ikaw 'yung ama.
Ed: Kinakalaban mo na ba 'ko ngayon?
Athena: *bulong kay Roda* Calm down. It's not gonna help.
Nikki: Sir, she's just tired. I think we need to go. I'm sorry Sir, but we really don't know about where she is.
Ed: I don't believe you.
Roda: Oh, nagtatanong ka, tapos pag sinagot ka namin, hindi ka maniniwala? Anong gusto mong isagot namin?
Ed: She needs to get back here as soon as possible. Next week na nya makikilala 'yung fiancé nya. And why does it seem like you don't want your friend to get married? Eh kilala mo naman yung mapapangasawa nya.
Roda: Of course, kilalang-kilala. Gusto ko silang maikasal, but what I don't like is ayaw pa nila. Why should you force them?
Ed: Ayaw nila dahil hindi pa nila nakikilala ang isa't isa.
Roda: Let your daughter think and decide. Hindi porke gusto mong ikasal sya, gagawin na nya. My friend's old enough to decide on her own. Perhaps, hindi naman nagmamadali yung iba eh. Ikaw lang naman yung atat makasal yung dalawa.
Ed: Why are you so mad?
Roda: Kasi nasasaktan si Myra, pati na rin si ________. ______ got so wasted when he knew about the marriage while Myra cried and cried telling us that she doesn't want to be here anymore. That she wants to go away, far from you.
Ed: So you know where she is. I knew it.
Roda: *smiles* Of course I do. But if you think we'll tell you, you're mistaken.
Ed: Walang aalis ng hindi sinasabi sa'kin kung nasaan si Myra!
Roda: Okay. So let's stay here up to the day we die. *labas ng phone at naglaro na parang nang-iinis at pinapakitang seryoso sya sa huli nyang sinabi*
Ed: You may now go.
Roda: Finally, na-realize mo ring walang patutunguhan 'tong usapan na 'to.
Lumabas na ang apat na babae sa office ni Ed.
Nikki: Bakit mo sya sinagot ng ganon?
Roda: Hindi ko rin alam. Basta gusto ko nang umuwi.
SA LA....
Joel: Nasan parents mo?
Myra: Nasa Pilipinas.
Joel: Bakit di mo sila kasama?
Myra: Ayokong pag-usapan, sorry.
Joel: Ok lang. Punta nalang tayo sa park. Maganda don. Tara.
Sa park.....
Myra: Kwentuhan mo na lang ako. Lovelife?
Joel: Wala 'kong jowa.
Myra: Wala man lang bang nirereto yung pinsan mo o kaya friends mo?
Joel: Noong una. Kaso, hindi ko sila pinansin ng two weeks. Hindi naman sa ayaw ko yung girl, pero ayaw ko lang na nakikialam sila. Eh ikaw?
Myra: Ako naman, NBSB. Pero may fiancé ako.
Joel: Pano nangyari yun?
Myra: Arranged marriage. Hindi ko kilala yung guy, pero malapit na.
Joel: *nalungkot* Tara na. Uwi na tayo.
KINABUKASAN......
Tumawag kay Myra ang mga kaibigan nya....
Jane: Girl, hindi na namin alam ang gagawin sa parents mo.
Nikki: Yung Mom mo, umiiyak sa'min every time na sasabihin nyang nami-miss ka na nya. Yung father mo, lagi kaming sinisigawan.
Athena: Kaya nakikipagsigawan nalang din kami. Pero sa Mom mo talaga, naaawa na kami.
Myra: Hindi ko na alam gagawin ko. Iiwan ko 'yung mahal ko dito, tapos pakakasalan ko naman 'yung hindi ko mahal. Alam na ba ng parents ko kung nasan ako?
Athena: Alam ng dad mo na alam namin. Pero hindi namin sinasabi sa kanya.
Roda: Umuwi ka na, yun lang. *end call*
Pag-uwi nya sa bahay....Dire-diretso syang naglakad papuntang kusina kung saan naabutan nya si Joel na naghahain na....
Joel: O, upo ka na. Kain na tayo.
Habang kumakain...
Myra: Uuwi na 'ko.
Joel: Nakauwi ka na ah. Kumakain ka na nga dito sa bahay eh.
Myra: Sa Pilipinas.
Joel: Bakit parang....ang bilis naman ata?
Myra: Tatlong buwan na 'ko dito. Sapat na panahon na 'yun para mag-isip-isip. Pakakasalan ko sya. Hindi naman siguro 'ko ipapakasal ng parents ko sa isang basta-bastang lalaki, diba? So, uuwi na lang ako.
Joel: Sigurado ka na ba jan? Baka pwede mo pang pag-isipan? Dito ka nalang. Akong bahala sa parents mo. Ipagpapaalam kita sa kanila. *hawak ng kamay ni Myra* Wag ka nang umalis. Please?
Myra: Hindi pwede, kailangan ko 'tong gawin. Plus, I miss my parents. Nakapag-isip na 'ko. Akyat na 'ko, mag-eempake pa. Bukas na 'ko aalis.
Umakyat na si Myra at nag-empake. Lumabas naman si Joel at nagpunta sa bar. Habang nasa bar ay may tumawag sa kanya....Dad ang nakalagay sa caller id...
Joel: Hello, dad?
Roda: Yes anak? Hahaha. Alam kong nag-eemote ka ngayon, pinsan, dahil aalis na si Myra.
Joel: Ok, buti alam mo. Ikauunlad 'yan ng Pilipinas.
Roda: Bukas ang alis nya. Kung ako sa'yo, susundan ko sya sa Pilipinas.
Joel: Para san pa eh ikakasal na nga.
Roda: Dude, sino nagsabing ikakasal? Uupakan ko! Charot. Ime-meet pa lang 'yung fiancé, hindi pa ikakasal. Malay mo, umayaw sya. Kaya bukas, wag mo naman syang pigilang umalis. Sumunod ka lang na umuwi. Ok? Ok. Wag kang tatanggi dahil pagsisisihan mo. Goodbye. Umuwi ka na. *end call*
Naisip nya 'yung sinabi ni Roda. Tama nga naman, pwede pang humindi si Myra. Kaso naalala nya, may fiancee na rin pala sya.
Joel: Hay. Bahala na.
Madaling-araw na sya umuwi at tulog na tulog na si Myra. Dun nalang sya sa 2nd guest room natulog. Pagdating ng 4 ay umalis na rin sya dail baka magising na si Myra dahil maaga pa ang flight nito. Nakapag-empake na rin sya.
--->FAST FORWARD--->
Bumalik si Joel sa bahay, may nakita syang sticky note na nakadikit sa pintuan ng guest room. Ito ang nakalagay...
"Hoy. Kung sino ka man, dahil hindi ko alam ang name mo. Salamat sa lahat. Salamat kasi kahit sandali, nakalimutan ko 'yung problema ko dahil sa'yo. Salamat kasi napasaya mo 'ko. Sana hindi ito ang huli nating pagkikita. Bye. See you sa Philippines....sana."
Pumasok sya sa guest room at kinuha ang bag nya. Uuwi na sya.
SA PILIPINAS....
Nikki: Ang tagal, nagugutom na 'ko.
Roda: Bakit kasi kailangan pa syang hintayin eh? Pwede namang um-order nalang tayo.
Jane: Um-order ka na kung gusto mo. Basta kami, hihintayin namin sya.
Athena: Atsaka sabi nya, her treat. Kug oorder na tayo, edi hindi na sya nakapang-libre.
????: Ayon. Libre. Hindi nyo na nga ako sinundo sa airport, libre pa habol nyo?
Athena: Nangako kang mang-lilibre ka.
Nikki: A promise is a sacred vow. Kaya, tuparin mo yung sinabi mo.
Jane: Dali na, please. Gutom na 'ko.
Myra: Sige na, um-order na kayo. Maiwan nalang kami ni Roda dito.
Roda: Salamat sa pagtao sa bahay ng tatlong buwan ah.
Myra: Pasalamat ka, may kasama 'ko. Hihimatayin ako sa bahay mo. Ano bang name nung cousin mo?
Roda: Malalaman mo rin someday. Let's talk about something else. What made you choose to go back?
Myra: Sa'kin nalang yun. Gusto ko na ring makita parents ko.
Samantala.....
Joel: I'm back.
AFTER 3 weeks...
Pia: Anak, are you ready? Kung ayaw mo, wag nalang.
Myra: No, Ma. It's ok. Let's give the guy a chance.
Pia: Ang ganda mo.
Myra: Of course. Mana ako sa inyo eh.
Ed: Ladies, let's go.
Sa resto ng mudra ni Myra....
Myra: Ma, Pa, I'll go to the comfort room first.
Pia: Go ahead.
Andrei: Ed, Pia, sorry if we're a bit late. Yung anak ko, susunod nalang daw.
Roda: Hello po, Tita, Tito. Si Myra po?
Pia & Ed: Hello din sa inyo. Nasa cr sya.
Bigla naman pumasok na si Joel at bumati sa kanila. Pumunta naman si Roda sa kabilang table.....
Roda: Anong ginagawa nyo dito?
Charles: Gusto naming makita.
Nikki: Gusto naming makita yung fiancé ni Myra.
Mathew: Anong ginagawa ni Joel dito?
Jane: Yun pala yung pinsan mo?
Roda: Oo. Sige, balik na 'ko.
Joel: Pinsan, ayoko na. Uwi na tayo. Kung sino man yang babaeng yan, ayoko.
Roda: Ayaw mo? Pano kung sabihin kong ang pakakasalan mo ay si.......
Myra: Excuse me. *kalabit kay Joel pero hindi nya ito nakikita dahil nakatingin sya sa phone nya* Sir, sorry, pero, dyan po kasi ako nakaupo.
Joel: Myra?
Myra: Ikaw? Anong ginagawa mo dito? Bakit alam mo pangalan ko?
Ed: Magkakilala na kayo?
Joel: *yakap kay Myra* Sabi ko na nga ba, magkikita tayong muli. *at niyakap sya ni Myra pabalik*
Pia: Sa tingin ko, hindi na tayo mahihirapang pagsunduin yung dalawa.
Myra: Na-meet ko sya sa LA, sa bahay ni Roda. Magpinsan po pala sila.
Ngumiti lang si Roda sa kanila at tumabi na sa mga kaibigan nila.
Joel: I think sinadya nyang pagsamahin kami dun para makilala na namin ang isa't isa, para hindi na kayo mahirapan.
Andrei: O, ok na pala eh. Pano ba yan? Kasalan na!
After 2 months ay naikasal na sila. Sa reception...
Nikki: Kasal na kayo. So, ehem, alam nyo naman na siguro ang kasunod ng kasal, diba?
Joel: Eh, ano bang kasunod ng kasal?
Mathew: Honeymoon.
Myra: O, anong meron sa honeymoon?
Roda: You.....well, hindi naman porke honeymoon eto ang ginagawa pero, you make babies.
Athena: So, may inaanak na kami pagbalik nyo ha?
Pag-alis ng mag-asawa....
Charles: Paris.
Roda: They're really looking forward to a made in Paris baby.
Jane: What if they find out that Myra's pregnant even before their wedding? I wonder what their reaction would be.
Nikki: Especially Myra's reaction. She's the one who wants to have that made in Paris. Para daw sosyal.
Roda: Then if Myra's already preggy, congrats to them. They already have a made in the Philippines baby.
Charles: Next time nalang yung made in Paris. Hahaha.
Roda: Dapat mag-Paris sila kapag ginagawa yun to make sure na made in Paris nga.
The end....
Rodalyn A. Gasid
Trip Lang, May Mai-post Lang
Hahaha. Push mo 'yang mga 'yan Myra, lalo na 'yang beast chenilyn chenilyn chuchubells na yan. Basta ang alam ko, nade-drain na utak ko sa blog na 'to. Naisip ko nga minsan, itigil na 'tong kabaliwang 'to eh. Kaso, kawawa naman 'yung grade ko sa Computer subject, kaya naisip ko rin, "Bahala na. Minsanan lang 'to." Kaya ayun. Kung anu-ano naibo-blog ko. Bwahaaha.
Rodalyn A. Gasid
Sunday, November 2, 2014
My Stranger Fiancé
Paano kung may mameet kang tao na hindi mo naman gaanong kakilala pero minahal mo na agad? Pero paano kung nasa ilalim ka naman ng isang arranged marriage na kapag hindi ka nagpakasal dun sa ka-arranged marriage mo ay ipagtatabuyan ka ng parentals mo?
Myra: I need your help.
Nikki: Anong klaseng help na naman yan?
Myra: Na-arranged marriage ako sa isang taong hindi ko naman kilala.
Athena: Ganun naman madalas eh. Hindi mo kilala yung mapapangasawa mo kung arranged marriage.
Roda: Malay mo naman, gwapo, mabait, matalino. Atsaka malay mo, hindi naman mahirap mahalin.
Jane: Eh anong klaseng help ba ang kailangan mo?
Myra: Tulungan nyo 'kong umalis.
Roda: Tulungan kang umalis? Bakit? Nalumpo ka na? Hindi ka na makalakad? Hindi mo na kayang magbiyahe papunta sa ibang lugar?
Myra: Gaga. I mean, umalis ng tayo-tayo lang ang nakakaalam.
Athena: Hindi ka magpapaalam sa parents mo?
Nikki: Paano kung magalit sila? Madadamay pa kami.
Myra: Sige na, girls, please. Diba may bahay ka sa LA?
Roda: Uy! Idadamay mo pa yung bahay ko. Pano kung ipa-raid yun ng parents mo pag nalamang nandun ka?
Jane: Isa pa, pano ka tatakas sa house nyo? Pano kung mahuli ka?
Myra: Hindi ko rin alam. Kaya nga tutulungan nyo 'ko diba?
Athena: Pumayag na ba kaming tutulungan ka namin?
Myra: Ehhhhh. Sige na please. Ayoko lang talagang maikasal sa isang taong hindi ko kilala.
Roda: Oh tapos? Anong mangyayari? Pagdating mo sa LA, kailangan mo nang magtrabaho kasi nga diba, pina-freeze ng dad mo yung bank account mo.
Myra: Ok lang. Basta wag akong makasal dun.
Nikki: Hindi ka naman yata ipapakasal agad, yung tipong sasabihin ng dad mo na 'Anak, sya ang mapapangasawa mo. Halina kayo, pupunta na tayo sa simbahan upang ganapin ang kasal.' Hindi naman yata ganun. Syempre, may ilang months pa kayo para makilala ang isa't isa.
Myra: Kahit na. Pano kung lasinggero sya? Kung nambubugbog? O kaya may tama sa utak? O kaya naman, bakla? O baka naman babaero?
Jane: Wag mo munang husgahan yung taong hindi mo pa nakikilala. Ni hindi mo pa nga nakikita eh, todo husga ka na jan. Try mo munang kilalanin, tapos saka ka tumakas pag hindi mo gusto.
Myra: No. Buo na ang desisyon ko. Tatakas ako bago ko pa man makilala yung lalaking yun.
Roda: Sige na, sige na. Mukhang desidido ka na jan. Kaming bahala kung paano ka makakalabas ng bahay nyo. Ihahatid na rin kita sa LA.
Myra: Yeeeeey! Thank you talaga girls. Tara na, uwi na tayo. Gabi na oh.
Pagkauwi ni Myra sa bahay.....
Ed (dad ni Myra): San ka galing? Gabing-gabi na ah! Gumala ka na naman no?
Pia (mom ni Myra): Ed, wag mo nang pagalitan. Sige na anak, umakyat ka na sa kwarto mo.
Ed: Ini-spoil mo eh. Kaya lumalaking gala. Hoy hija, hindi pwedeng laging gumagala ng gabi ha? Lalo na't mag-aasawa ka na.
Myra: Ikakasal ako sa isang taong hindi ko naman gusto.
Ed: Dahil hindi lahat ng gusto mo, laging masusunod.
Myra: Pero kayo, dapat laging sinusunod?
Ed: Sumasagot ka na ngayon? Ha?
Pia: Ed, tama na. Anak, go to your room na. Goodnight.
Sa kwarto.....
Myra: *may tinawagan* Rods, kailangan ko nang umalis. Ayoko na dito. *iyak*
Roda: Hey, don't cry. Anong nangyari? Sige, ganto nalang. Kapag sure na tulog na lahat sa house nyo, pupunta kami dyan. Aakyat nalang kami bakod para makapasok. Tapos, itatayo namin yung hagdan na nasa garden nyo, tapos dun ka na bumaba.
--->FAST FORWARD--->
Sa airport....
Nikki: Ingat kayo dun ah.
Jane: Roda, ikaw mauunang umuwi diba? Pasalubong ah.
Roda: Hindi ako pupunta don para mag-shopping, kundi para ihatid si Myra sa bahay.
Athena: Bye. Myra, pag may problema, tawag ka lang sa 'min ah.
Myra: Mami-miss ko kayo girls. Kung hindi lang dahil dun sa arranged marriage na yun, hindi ako aalis eh.
Nikki: Bye. Mami-miss ka rin namin. Kita-kits.
Jane: Dadalaw kami pag may time. Ingat.
PAGDATING NG LA....
Roda: Nandito na tayo. Medyo maalikabok na kasi last month pa yung huling punta ko dito. Every 20th of the month ang reading ng kuryente.
Myra: Wow. Ang laki. Ikaw lang mag-isa dito kapag pumupunta ka?
Roda: Oo. Kaya nga minsan may nakikita akong batang may kadena sa paa na lumalakad-lakad dito eh. Minsan nga nasa ceiling sya.
Myra: Naman ehhhh. Ayoko na.
Roda: Hahaha. Nabendisyunan 'to no. Walang laman yung ref, ikaw na bahalang maglagay ng laman. Yung unang door pag-akyat, yun yung room ko. Next to that, dun yung guest room. Malaki yun masyado, at dun ka matutulog. Sunod dun yung 2nd guest room. Ibibigay ko sa'yo lahat ng keys, except yung key ng room ko. Every room, may cr. Palitan mo nalang yung water sa swimming pool kasi madumi na. Kung gusto mo, magtanim-tanim ka sa garden. Bago 'ko umalis, tutulungan na kitang mamili ng mga kailangan mo, at tutulungan na rin kitang mag-ayos ng gamit. Hindi na kita maito-tour kasi busy ako ngayon.
Myra: Hey, salamat ah. Ang laking tulong nito sa'kin.
Roda: Wala yun. Malay mo, nandito yung taong para sa'yo. Yieeeeh!
Myra: Tara na nga. Shopping na tayo.
Roda: Change topic.
At nag-shopping na sila tapos ay nag-ayos ng gamit.
SA PILIPINAS.....
Joel: *may kausap sa phone* What do you need?
????: Ang ganda naman ng pagbati mo sa'kin, pinsan. *sarcastic* Magandang gabi. Anyway, Tito called me and told me na hindi ka nya mahanap at ma-contact. Where are you?
Joel: Nasa bar with my friends.
????: Be thankful wala ako dyan sa Pinas ngayon kundi susunduin kita dyan at bibigyan ng katakot-takot na sermon. Go home.
Joel: Ayoko. Hey, I need a vacation.
????: O, tapos? Anong gagawin ko? Ba't sa'kin mo sinasabi?
Joel: Kailangan kong lumayo sa mga problema. Pupunta 'ko sa LA.
????: Ge. See you tomorrow na lang, ibibigay ko sa'yo yung keys ng house. Bye, pinsan. Again, go home. Nag-aalala si Tito sa 'yo.
Joel: Bye, Roda. Thanks sa help, pinsan. *end call*
Sa LA....
Myra: San ka galing?
Roda: May tinawagan lang ako. Business matters.
Myra: Salamat sa tulong ah. Samahan na kita sa airport.
Roda: No, wag na. Magpahinga ka, uuwi na 'ko. Kung may problema, tawagan mo lang ako.
Myra: Bye. Thanks sa help. Mami-miss ko kayong lahat.
Roda: Mami-miss ka rin namin. And I'm sure, your parents will miss you too. Mag-aalala yung mga yun sa'yo.
Myra: Bahala na. Gusto ko lang ma-realize nila na ayaw ko talaga magpakasal sa kung sino man yun.
Roda: O, sige. Maiwan na kita. Alagaan mo 'tong bahay ha. Pagbalik ko dito, dapat buo pa rin 'to. Mag-iingat ka nga pala sa cr sa guest room, baka may makita kang nakabigting babae. Hahaha.
Myra: Hay naku. Lumayas ka na nga. Goodbye na.
Pero hindi muna dumiretso sa airport si Roda. Pumunta muna sya sa isang restaurant.
Waiter: Ma'am, need anything?
Roda: When she goes in, orders, and eats, ask her if she needs a job because you're looking for a chef. If she says yes, I'm sure she will 'cause she loves cooking, tell her she's already hired. You know who I'm talking about, right? *The waiter nodded* Good. Tell Lucy na siya na muna bahala dito, and sya na bahala sa inuutos ko.
Waiter: Kailan po balik nyo, Ma'am?
Roda: Maybe next month if I'm not busy. Bye.
Umalis na si Roda at umuwi na ng Manila. --->FAST FORWARD--->
Joel: Nagpaalam na 'ko sa dad ko, pumayag syang magbakasyon ako.
Roda: Okay. Pake ko?
Joel: Ha? Ang labo mong kausap. Diba nga titira muna sa bahay mo sa LA?
Roda: Titira? Sinong titirahin mo? At sa bahay ko pa.
Joel: Hindi yung ganung tira. Tira as in to live.
Roda: Sorry. Jetlag kasi. O, eto na yung susi. Alagaan mo yung bahay ha. Hindi porke pinsan kita, guguluhin mo na yung bahay. Wala jan yung key sa room ko kasi baka halughugin mo. Gaano ka ba katagal dun?
Joel: Two months? Or more.
Roda: Sige. Di na kita ihahatid sa airport. Kaya mo na sarili mo, malaki ka na.
Mathew: Teka, hindi kami kasama?
Charles: Oo nga. Dapat kasama kami, kaibigan kami eh.
Joel: Sasama kayo? Asa kayo.
Roda: Oo nga no, kaibigan kayo. Nagtataka nga 'ko eh. Bakit naging kaibigan nyo 'to eh sobrang sungit? Kung ako maghahanap ng kaibigan, yung tipong namamansin, nakikitawa, nakiki-joke, hindi yung sobrang workaholic at laging serious.
Joel: Nanlait ka pa. Aalis na nga ako.
Charles & Mathew: Bye. Pasalubong ha.
Roda: Hoy! Subukan mo namang magpakasaya sa bakasyon mo, hindi yung puro problema. Lumablayp ka naman. Date-date, ganun. Hindi naman lahat ng babae nang-iiwan tulad ng mudra mo.
Joel: Susubukan ko. Sige.
Nang makaalis si Joel....
Charles: Bakit hindi kami pwedeng sumama?
Roda: Kapag sumama kayo, masisira yung plano ko.
Mathew: Anong plano naman yan?
Roda: May kinalaman 'to sa problema ni Joel. Basta, malalaman nyo rin.
Sa LA.....Nakarating na si Joel sa LA....
Joel: Gabi na. Ang dilim naman ng bahay ni Roda, nakakatakot. San na nga yung guest room dito? *lingon lingon* Ayun!
At pumasok na sya sa guest room at humiga sa kama at agad na nakatulog. Samantala, si Myra naman ay nasa cr at umiihi at napipikit-pikit sa antok. Agad syang lumabas dahil naalala nya yung sinabi ni Roda na babaeng nakabigti. Dahil sa antok at pagod ay nahiga na sya sa kama nang hindi napapansin ang lalaking nakahiga din doon na nakatalukbong ng kumot. KINAUMAGAHAN......Ang posisyon nila ay ganito: Nakabackhug si Joel kay Myra habang hawak naman ni Myra yung kamay ni Joel at naka-lean sa dibdib ni Joel. Nakasiksik ang mukha ni Joel sa batok ni Myra.
Myra: *naalimpungatan at nagulat ng naramdamang may nakayakap sa kanya* Hala, shit! Baka multo na 'to. AAAAAHHHHHHHHHHHHHHH!!!
Joel: *naalimpungatan at nataranta dahil sa tili ni Myra* Bakit? Anong nangyari? Nasan ang sunog? Anong-------Teka, ako lang mag-isa dito kagabi ah. Bakit may tumili?
Lumingon sila sa isa't isa....
JoYra: AAAAAHHHHHHHHHHH!!!
JoYra: Sino ka? Anong ginagawa mo dito?
Myra: Hoy, ikaw! Manyak ka! Alam kong maganda ako, pero wag mo namang samantalahin yung kagandahan ko.
Joel: Maganda? Ikaw? Hahaha. Nasaan ang ganda mo jan? Hahaha. Tingnan mo nga yang sarili mo sa salamin, kamukha mo si Sadako.
Myra: Che! Sino ka ba? Anong ginagawa mo dito?
Joel: Wala kang pake kung sino 'ko. Ikaw dapat tinatanong ko eh, anong ginagawa mo sa bahay ng PINSAN KO?
Myra: Pinsan mo? Helloooo. Bahay ho ito ng KAIBIGAN KO.
Joel: Kalokohan yan. Bahay ng kaibigan mo, eh sa pinsan ko nga ito eh. Nakita ko nga nung pinapagawa nya pa lang 'to eh. O, ano?
Myra: Bahay 'to ng kaibigan ko. Binigay pa nga nya yung susi sa'kin eh.
Joel: Binigay rin naman ng pinsan ko yung susi sa'kin eh. Sabihin mo dyan sa kaibigan mo, nang-aagaw sya ng bahay.
Myra: Dapat sa pinsan mo yan sabihin, nang-aagaw ng bahay ng may bahay. Basta hindi ako aalis dito.
Joel: Mas lalong hindi ako aalis sa bahay ng pinsan ko.
Myra: Hay naku. Makakain na nga. Mag-aapply pa 'ko.
Bumaba na si Myra at nagluto ng breakfast. Kumakain na sya nang bumaba si Joel at dire-diretsong lumabas na hindi man lang sya tiningnan.
SA PILIPINAS.....
Ed: Pia, where's your daughter?!
Pia: Anak mo rin sya, hindi lang akin. Ewan ko kung nasan sya. Let's try to call her friends.
Ed: YOU call her friends. Pagod ako. May meeting pa kami bukas.
Pia: So uunahin mo pa ang pagtulog kesa anak mo? Ibang klase kang ama, Ed!
Ed: Whatever you say. Tutulog na 'ko. Siguraduhin mong bukas nandito na yang anak mo ah.
Pia: *may tinawagan* Hello?.......Can we meet sa resto ko?........Ngayon na, importante kasi eh.......Sige, thanks. Bye........*end call*
At umalis na si Pia at pumunta sa resto nya. Sa resto......
Jane: Bakit kaya tayo pinatawag? Gabi na ah.
Nikki: Siguro tungkol na 'to kay Myra.
Athena: Uy, ano sasabihin natin pag tinanong kung nasan sya?
Roda: Ayaw pang ipasabi ni Myra eh. Ewan ko, bahala na kung anuman ang masabi natin mamaya.
Pia: Good evening girls. Sorry, inistorbo ko pa kayo, gabi na.
Nikki: No, Tita, it's okay. Tungkol po ba saan yung pag-uusapan natin?
Pia: Nawawala kasi si Myra eh. Kayo yung huli nyang nakasama, baka alam nyo kung nasan sya? Please? Nag-aalala na 'ko sa anak ko. *patulo na ang luha*
Roda: Nasabi po nya sa'min na aalis sya, pero hindi nya po sinabi kung saan sya pupunta.
Athena: *sulyap kay Roda* Opo nga. Wala syang nabanggit na lugar.
Pia: Sige. Salamat. Pasensya na, naistorbo ko pa kayo.
Jane: Wala po yun. Sige po, una na kami sa inyo.
Pagpasok ng sasakyan ni Jane....
Roda: Tawagan nyo si Myra.
Athena: Ako na tatawag. *may tinawagan* Hello?.........Myra, umiiyak yung Mom mo sa'min kanina. Hinahanap ka na............Wala yung Dad mo eh..........Sige......miss ka na rin namin........Bye.
Athena: Ite-text nalang daw nya parents nya para sabihing ok lang sya.
Sa LA......
Myra: *type sa phone* Ma, ok lang ako. Wag kang mag-alala, safe ako. Kailangan ko lang lumayo muna. Babalik din ako. I miss you. Ingat ka lagi Ma. Mwuah mwuah chup chup. (Hahaha) Yan. Ok na 'to. Papalit nalang ako ng sim card, baka ipa-track ni Dad. Sent! *hingang malalim* Miss ko na si Mama. Hay naku! Tama na emote. Hanap na ng trabaho.
Nung bumili sya ng sim card ay in-inform nya ang mga kaibigan...
Myra: *texting Athena dahil alam naman nyang magkakasama ang girls ngayon* Hi, girls. Eto ang bagong roaming number ko. Miss ko na kayo jan. *sent*
Reply: Hoy! Roaming number roaming number. Tapos maya-maya, sasabihing 'Natanggap nyo na ba yung pinadala kong pera? Pa-load-an nyo 'ko, last load ko na 'to.'
Myra: Hindi no. Hindi naman ako myembro ng sindikato.
Reply: Ahhhh. Siguro gang lang, hindi sindikato.
Myra: Ehh teka, ba't nyo ba 'ko inaaway? FO na ba tayo?
Reply: FO? Eh hindi nga tayo friends, pano magiging FO? Sino ka ba, ha?
Myra: *Ang shunga, Myra. Hindi ka pa nagpakilala* Ay, sorry. Si Myra 'to, bumili lang ako ng bagong sim card.
Reply: Hindi mo naman sinabi agad. Inaway ka tuloy namin.
Naglakad-lakad si Myra. Nagpuntang mall, apply. Nagpuntang bakery, apply. Nagpuntang restaurant, kain. Habang kumakain ay nilapitan sya ng isang waiter.
Waiter: Ma'am, would you like to apply to be a chef?
Myra: You're hiring? But I didn't see a poster outside.
Waiter: Oh, we don't post posters like that. We ask people personally.
Myra: Ah. Sure, sure.
Waiter: This way, Ma'am.
Ni-lead sya ng waited sa isang office kung saan may babaeng may kausap sa phone.
Lucy: Uy. Ano nga ulit name nung tatanggapin? (Myra Joanna Arce) Mag-aapply sya bilang? (Chef. Tapos, pagkatapos ng interview, tanggapin mo agad. Kuha?) O sige, sige. Pano kung hindi naman sya pumunta dito? (Pupunta sya jan, trust me. Jan kaya kami kumain nung kasama nya 'ko. At naghahanap ng trabaho yan, tatamarin na umuwi para magluto ng sariling pagkain, kaya jan sya kakain.) Fine. Basta, ililibre mo 'ko pagkatapos ng lahat ng 'to ah. (Oo na, oo na. Sige, bye.) Bye.
Knock knock....
Lucy: It's open.
Waiter: Ma'am there's an applicant.
Lucy: Let her in. *pumasok si Myra* Good noon. Sit down. Your name is....?
Myra: Myra. Myra Joanna Arce.
Lucy: Okay. *binabasa ang bio-data*
Tinanong si Myra tungkol sa maraming bagay na nakakatamad i-type. Basta after ng interview.....
Lucy: You're hired.
Myra: Thank you, thank you. Thank you so much.
Lucy: You may start tomorrow.
Myra: Okay, Ma'am. I must go now.
Lucy: See you tomorrow.
Paglabas ni Myra ay may nakita syang isang lalaking kinaiinisan nya na kumakain sa resto na 'yon. Kaya nilapitan nya ito.
Myra: Sinusundan mo ba 'ko, Pangit?
Joel: Makapagsalita. *sarcastic* Ganda mo ah. Atsaka, wag assuming. Hindi kita sinusundan no. Never in a million years.
Myra: E anong ginagawa mo dito?
Joel: Para namang iyo 'tong resto. Pinsan ko may-ari nito. Atsaka, malamang kakain, kaya nga nasa restaurant eh.
Myra: Ok. Goodbye.
Umuwi na si Myra. 1 PM palang kaya natulog muna sya. Nagising sya ng 6 PM. May naalala sya kaya may tinawagan sya.
Myra: Rodaaaaa! Bakit may lalaking nakatira dito? At ang sabi pa nya, pinsan nya daw ang may-ari nitong bahay.
Roda: Ahuh! So na-meet mo na pala ang nag-iisa kong pinsan. Ok ba sya?
Myra: Ha?! Naman ehhhhh! Gusto kong mapag-isa tapos...tapos may darating na lalaki at paggising ko nung umaga may nakayakap sa'kin. Langya! Pasalamat 'yang pinsan mo wala akong hawak na tubo.
Roda: Kalma. Mabait 'yan, kung mabait ka sa kanya. Yun nga lang, mej masungit 'yan dahil may problema. Sige na, bye na, girl. I-hi at ibeso mo nalang ako sa pinsan ko. Hahaha.
Myra: Asa kang ibebeso ko 'yang pinsan mo.
Roda: Sige na please. Aasahan ko 'yan ah. Bye. *end call*
Myra: Psh. Di na uy.
Joel: *bukas ng pinto* O? Bakit andito ka pa? Bat hindi ka pa umaalis ng bahay ng pinsan ko?
Myra: 'Yang magaling mong pinsan na kaibigan ko rin. So that means, since si Roda ang owner, at pareho tayong may permit nya na tumira dito, wala tayong karapatang palayasin ang isa't isa. Itong guest room na 'to, ako dito. Ikaw dun sa kabila.
Joel: Ha? A-ayoko dun. Ikaw nalang dun!
Myra: Ako naunang umating sa'ting dalawa. Ako rin ang unang gumamit nitong kwarto. So, ako dito.
Joel: Ayaw mo ah.
Lumapit si Joel kay Myra. Bigla nya itong binuhat, lumabas ng pinto at inilapag nya si Myra sa harapan ng 2nd guest room. Pagkalapag nya kay Myra ay bigla syang tumakbo papasok ng unang guest room at ni-lock ito.
Joel: Bleh! Hahaha. Ako dito, ikaw dyan. Hahaha. No choice ka na ngayon.
Nagulat nalang si Joel nang biglangbumukas ang pinti at iniluwa si Sadako.
TO BE CONTINUED....
HAHA. SABI SA INYO SABAW EH...
Rodalyn A. Gasid