Rora D' Explorer
R/N:
The idea of this story crossed my mind during Study Period. The names of the characters were INVENTED by my loka-lokang classmate, Myra Joanna Celis Arce.
End of R/N
Rora's POV
Ako si Grehgohriah Lahbahnohsah. Grade 4. Nakatira sa..........Purok 1000, Mamatay Ka Street, Di Matunton-tunton City. Maganda ako, sabi ng nanay ko. Sexy ako.........sabi ng lola ko. Matalino ako...........sabi ng tita ko. Ako ang pinakamagandang nilalang sa..........Animal Planet, sabi ng tatay ko. Bakit? Kase trip nila 'ko. May kasabihan kasi kami sa pamilya namin at ang kasabihang ito ang pinakapinaniniwalaan namin sa lahat ng bagay. Sa kasabihang ito kami nabubuhay at hindi dahil sa pagka-pagkain. Kulang nalang sambahin namin ang kasabihang ito. Napakalalim nito na halos ang pamilya lang namin ang nakakaintindi, at baka pati ang close friend kong si Google ay hindi ito alam. Pamilya lang kasi namin ang nakakaalam at nakakaintindi sa NAPAKAGANDA, NAPAKAMAKAHULUGAN, NAPAKALALIM, at NAPAKAHALAGANG kasabihang ito. Alam mo ba kung ano ito? Ang kasabihang tinutukoy ko ay........................."WALANG BASAGAN NG TRIP". Oh, diba? Hindi mo naintindihan? Ang lalim kasi ng meaning, sinlalim ng Marianas Trench.
???: Ruraaaaa! Juskung batang iri! RURRAAA! NASAN KA?!
Galit nanaman si Nanay. Kailangan kong magtago. (Pumasok ang Nanay sa kwarto.)
Nanay: Hay! Wala si Rura sa buung bahay. Naku! Baka nawawala na ang anak ku! Paktay! Anung gagawin ku? Pulis....tama tatawag aku sa pulis. Naku baka mapagkamalang askal yun!
Tingnan mo 'tong si Nanay. Hindi na nga mabigkas ng maayos yung pangalan ko, nanlait pa! Aba matinds si mudra! Ang ginawa ko nalang para hindi mapagalitan ni Nanay, nag-jump ako ng bonggang-bongga sa aming bintana upang makalabas ng gintong bahay namin. Pano ko nalamang ginto? Kasi kulay brown. Atsaka sabi ng tatay ko noon, wood daw ang tawag dyan. Kaya naisip ko, wood ang english ng ginto. Oh, diba? Talino na,ganda pa! San ka pa? Kay Rora na! TARA! Eto na. Nakalabas na 'ko sa bahay. May dala-dala pa nga 'kong backpack. Tapos nakasuot ako ng red na boots. Ako kasi si Bootora (Boots + Dora). Oh, ha? Danda danda ng name.
Nanay's POV
Pulis. Kilangan ku ng tulung ng pulis.
Nanay: *di-nial ang precinct number gamit ang kanyang napaka-bagong selpon...Nokia 3210* Mamang pulis! Nawawala hu ang anak ku!
Pulis: San nyo ho ba sya huling namataan?
Nanay: Sa....sa.....san nga ba? Aha! Sa bahay-bata (womb) ku hu! Nung nagpa-chik-ap aku sa duktur!
Pulis: Ha? Eh, ilang taon na ho ba yung anak nyo?
Nanay: Lima. Grid Pur na nga ngayun ih. Baka bukas Grid Siks na.
Pulis: Ang gulo nyo hong kausap. Sige ho. Hahanapin namin anak nyo at ibabalik namin sa inyo.
Nanay: Naku! Hwag hu. Hwag nyu hung ibalik. Kaya nga hu aku tumawag ih para hindi na ibalik si Rura samin. Hilo? Hilo! Hilo. Mamang pulis? Hiloooo!
Binababaan aku ni mamang pulis. Naku!
Rora's POV
Naglalakad lang ako ng diretso. Tapos may nakasalubong akong gwapong pulis. May kasama syang dalawa pang pulis, kaso mga chaka.
Pulis: Brad! Ireport mo 'to sa PAW (Philippine Animal Welfare yata yun). Sabihin mo, may nakasalubong tayong endangered species. NOW NA!
Rora: You dare how, mamang pulis, to tok to me dat wey!
Pulis: Wow, bata. English yun, ah. Ako nga pala si PO222 Thyrone Deh Guhzmahn. Ikaw?
Rora: Ako si Queen of Beauty Grehgohriah Lahbahnohsah.
Maya-maya may dumating na tatlong taong nakasuot ng white tapos nakalagay PAW.
PAW1: Eto na ba ung sinasabi nyong endangered species?
PAW2: Naku! Endangered na nga ito. Guys, mag-ingat tayo. Mukhang mabangis ang isang 'to.
Tapos naglabas sila ng malaking banig kaso butas-butas (net). Tapos may nilabas din silang buto.
PAW3: Chooooo. Chu-chu. Halika, rito, dogie.
At tinawag akong dogie? Kapal muks 'to ah. Sya nga mukang gorilla eh. Sapak you want? Hindi ko nalang sya pinansin. Binuksan ko ang bag ko at nilabas si Boots sa loob. Kinuha ko rin ang Map sa bulsa ko. Nilabas ko rin ang parachute na polka dots sa loob ng bag. Hinawakan ko si Boots at sumakay sa parachute tas lumipad kami.
Rora: *singing* Wer ar we going? *clap clap clap*
Boots: *singing* Manila Zoo! *clap clap clap*
Rora: *singing* Wer ar we going? *clap clap clap*
Boots: *singing* Manila Zoo! *clap clap clap*
Rora: *singing* Wer ar we going? *clap clap cla-----
Boots: *pagalit* Ay leche! Wala ka na bang ibang alam na kanta? Oh kaya wala bang iba pang lyrics yang bwisit na kantang yan? Paulit-ulit ah!
Rora: Okey payn wateberyusey.
Nilait nya yung song ko? Huhuhu. Peyborit song ko kaya yun. Tapos lalaitin nya? Nasan ang hustisya? At nakarating din kami sa Manila Zoo. Kaso, binaba kami ni parachute sa gitna ng kulungan ng leon.
Rora:*nagdasal ng malakas* (to the tune of Lord, Patawad) LOOOOOOORD! I'm sorry! Because I am makasalanan, makasalanang creature!
Leon: (to the tune of Roar) ROOOOOOOAAAR!
Biglang sinugod nung Leon si Boots! Hala! Pero okay lang 'yan. Nilait-lait nya yung song ko kanina eh. Makatarungan lang yan.
Leon: Hmmmm. YU-MMY! Ang talap-talap!
Rora: Naku Leon. Wag mo 'kong kainin ha? Hindi ako masarap pramis. Kita mo puro pawis ako oh. Kaya, eat me not, okay?
Biglang tumingin ng masama yung leon sa'kin. At biglaaaaang....
Leon: RAWWWWWWRR!!!
R/N:
Say yes to open-ended stories! Bahala na kayo kung anong gusto nyong mangyari. Hindi ko kasi alam kung pano ko ie-end, tsaka wala rin naman kwenta ung story. Wala talaga 'kong alam ilagay dito sa blog na'to. Ititigil ko na 'to. (Sige itigil mo, F ka sa Computer)
Posted via Blogaway