Tuesday, August 12, 2014

Fangirling Over Zayn Malik

One Direction

Zayn Malik

NOTE: Some parts of this blog are just jokes. Please, don't take them seriously.

So, obviously, ito ay tungkol sa admiration ko kay Zayn Malik. Si Zayn Javaad Malik ay isa sa mga miyembro ng British boy band na One Direction. Siya iyong may pinakamataas na boses sa kanilang lima, kaya bilib na bilib talaga ako sa kanya.

Una kong nakita si Zayn noong Grade 5 ako, which was 3 years ago. My classmate was watching One Thing, a 1D song, tapos tinanong niya ako, "Who's the most handsome for you?" Tinuro ko naman iyong naka-ice cream hairdo at tinanong ko kung sino sila at anong pangalan nung tinuro ko. So, sabi niya, "They're One Direction and that one is Zayn Malik." Hindi lang naman ako ang nagsabi sa klase namin na si Zayn and pinakagwapo sa 1D. Marami pang iba. Pagkatapos noon, pinanood namin yung iba pang music videos ng One Direction. Then, every time titingin si Zayn sa camera o kaya kakantahin yung part niya, kilig much naman kami with matching tili na hindi namin alam kung gaano kataas. Tapos, naalala ko pa na meron kaming maliit na papel tapos isusulat namin yung pangalan namin doon, tapos idudugtong namin yung surname ni Zayn, at ididikit sa table namin. Minsan kapag na-trip-an, yung surname din ng iba pang members ng 1D.

Noong nalaman ko na may girlfriend, o fiancé yata, si Zayn, grabe! Naglupasay ako, nag-walling, umiyak at nagkulong sa kwarto for 2 weeks, at hindi kumain ng ilang araw. Eh kasi naman, hindi man lang ako binigyan ni God ng pagkakataon  maging jowa ni Zayn. Grabeh! As in, GRABEH! NAKAKAINIS! Ang ganda ko kaya! Charot:-) Pero, siyempre...lahat ng yan eh...joke ko lang. Ano ba namang magagawa ko kung may jowa o fiancé o kaya naman eh may asawa na si Zayn? As if naman diba? Ang layo kaya ng UK sa Philippines. Di bale sana kung walking distance lang yan, o kaya naman isang sakay lang ng jeep o bus, nandoon na ako sa UK, aba! Baka mag-on na kami ni Zayn ngayon! At walang sinuman ang makapaghihiwalay sa amin. Terey! Kapal ng fez ko no? Haba ng hair, nag-rejoice ka na ba girl ang peg! Pero, hindi kakayanin ng powers ko ang pag-e-english kay Zayn everyday, kung sakali man. And if you're thinking na hindi ko like ang jowa ni Zayn na si Perrie Edwards, that is sooo not true. Kilig much kaya sila sa mga pictures at videos. Ang sweet kasi nila sa isa't isa eh. Tuwing nakikita ko pictures nila, napapakanta ako ng "Kung ako nalang sana ang 'yong minahal, di ka na muling..." Charot! At hindi ko na rin kasi alam ang kasunod na lyrics.

At kapag walang part si Zayn sa kanta, gaya nung sa Midnight Memories at Rock Me, nakaka-  ewan. Hindi ko rin alam kung anong mararamdaman. Galit ba, poot, kalungkutan, o loneliness? Charot! Taray! Ang OA ko! Grabeh! Naiinis na 'ko sa sarili ko! Nababaliw na 'ko! Nababaliw na 'ko kay Zayn! Okay alam kong gasgas na 'yan, pero may kasabihan tayo na, "Walang basagan ng trip." At anong magagawa mo? Eh fan ako ni Zayn eh. Atsaka ano bang magagawa mo? (Paulit-ulit yang tanong na 'yan. Palitan ko nga.) May magagawa ka? Nakikibasa ka lang ng blog na ginawa KO! Pinaghirapan kong isulat 'tong blog KO! (Alangan naman sumulat ako ng blog tapos iba ang mag-post. Aba! Blog KO pa rin yun!) At bakit ba ako nagagalit? Sino bang pinapagalitan ko? Ay naku! Nabaliw na 'ko ng tuluyan! Itigil na nga 'tong blog na 'to. Ginagalit lang ako eh.

Well, like what I've said earlier, kapag walang part si Zayn, nakaka-ewan. May parts pa rin sya, like being the second-voice dahil sa kataasan ng boses. But what I mean is yung single part nya kahit two lines man lang. Pero, kahit ganoon, pinapakinggan ko pa rin yung song, like Midnight Memories. Nandoon kasi si Zayn sa music video eh. Siyempre, kasi part siya ng One Direction. Alangan namang porke't walang part, wala na rin sa video. Aba! Kay saklap naman!

Ititigil ko na 'to. Marahil ay naiinis na kayo dito sa kalokohan ko sa blog ko na 'to. Basta, to summarize it all:    
     -Gwapo si Zayn.
     -Crush ko si Zayn.
     - Kayo na ang magdagdag kung may gusto pa kayong idagdag to summarize this. Hindi ko naman kayo pinipilit. KUNG gusto lang naman.

P.S. Gwapo lahat ng members ng 1D. Sadyang para sa 'kin, nangibabaw lang ang kagwapuhan ni Zayn.
A.P.S. (Sa mga magtatanong kung ano ang A.P.S., ang ibig sabihin niyan ay Another Post-Script. Kalokohan ko yan. Hindi ko alam kung may ganyan talaga.) I repeat, hindi ko po hate ang ZErrie (Zayn + Perrie). Gusto ko nga po sila for each other eh. Joke-joke ko lang po yung sinabi kong gusto kong maging jowa si Zayn.
T.P.S. (Third Post-Script. Again, gawa-gawa ko lang yan. I don't know kung may ganyan talaga, ang I don't think it exists.)  Beware of the "joke" parts. Baka seryosohin niyo tapos magalit kayo sa'kin.

'Til next time! Bonjour! Ciao! Zaijian! Bye! Anyeong!
Paalam, paalam, sa susunod muli! (Kantang pambata po 'yan. Yata? Ewan! Basta! Yun na yun.)

Posted via Blogaway

Posted via Blogaway


Posted via Blogaway

No comments:

Post a Comment