Thursday, August 21, 2014

MMK

At dahil hindi ko alam ang isusulat ko sa blog na 'to, isusulat ko na lang ang MMK ko. Baka sakaling makaabot kay Ma'am Charo. Nagba-baka sakali lang naman ako.
Note: Some parts of this blog are just jokes. Please don't take them seriously.

Dear MMK,
      Ako po si Roda. Tawagin nyo na lang po ako sa pangalang Roda. Ako po ay labing-tatlong taong gulang lamang. 2nd year high school sa MIT International School. Oh! Sosyal! INTERNATIONAL ano po? Scholar po ako sa school na 'to. Wala lang. Trip ko lang pong sabihin. Iku-kwento ko na lang ang mga happenings sa school na 'to.

Grade 5:
Eto yung mga panahong shunga pa 'ko sa grammar. (Well, hanggang ngayon naman. Umayos-ayos lang ng konti.) Syempre, sa pinanggalingan ko kasing school, hindi madalas ang English-an. Nag-e-english lang kami 'pag English subject na. Hindi pa nga purong english eh. Hindi naman kasi namin maiwasang mag-Filipino. Dahil kapag nag-English ka sa hallway ng school nyo, aba eh, magtatawanan lang yung mga kasama mo. Eto yung medyo behave pa 'ko kasi bago palang sa school. Natatandaan ko pa 'yung magazine na na-confiscate nung nag-sub sa amin na ngayon ay English teacher na namin. Pramis natakot talaga ako kay Miss noon. Eh, hindi ko kasi alam kung anong laman nung magazine, so hindi ko alam kung may mali dun. At eto rin yung time na kami mismong mga bagong scholars ay nagsagutan, nag-away at nag-iyakan. Tandang-tanda ko pa ang line ni Joel nun: "YOU ARE UNDERESTIMATING ME!!!" Hehehe...peace Joel :-). Akala nga namin makakatanggap kami ng incident report eh. Buti mabait yung Adviser namin na kahit sa Guidance Office kami eh sya ang kumausap sa amin ng masinsinan at maayos. Grabeh! Umagos ang mga laway mula sa aming mga mata (Yuck! Luha po yan). Eto rin yung na-busted kuno yung isa naming classmate sa mismong Valentines. Saklap brad! Hindi ko na po papangalanan pero may mga clues ako. Una: Nagsisimula ang kanyang name sa letraaaaaang...J. 2nd clue: His first name ends with letter...L. 3rd clue: Second letter in his name is...O. 4th/last clue: The third letter is...E. Oh ha! Hahaha. Binigay ko na rin yung name nya :-P . Jumbled nga lang. Okay masyado nang mahaba ang Grade 5. Let's go to the next one. TARA!

Grade 6:
Malamang ano pa bang kasunod ng Grade 5 edi Grade 6. Wala namang masyadong ganap sa year na 'to. Maliban nalang sa naging adviser namin ang pinaka-cute na teacher na si...Sir Richmond. Sabi nya cute sya eh. Eh di, pinatulan ko nalang. Hahaha. Syempre... Grade 6 edi nung natapos yung school year may graduation.

Grade 7:
Grade 7. (Paulit-ulit). First year sa high school. Dito naganap ang pinakamalaking kasalanang nagawa ng buong Grade 7. Hindi naman lahat nakasama, pero may isa yata na hindi damay. Hindi ko na ide-detalye pero may kinalaman 'to sa quarter exam papers sa isang subject. Isang subject lang, ha! Hindi lahat! Itong year din yung may booth kami. Nakalimutan ko na kung bakit nagkaron ng booth-booth na yan. Basta naganap yan before the school year ended. Akalain mo yun! Kami ang last booth standing. Kasi lahat ng booth sarado na, yung samin bukas na bukas pa. Pinapalayas na nga kami at uwian na daw. Eh, ang dami pang customers. No choice naman kami.

Library chuchu:
Nakalimutan ko tawag dun pero 1 month ng dapat sana ay bakasyon, eh nasa library kami at tumutulong. Masaya sya. Nakakapagod pero nakakatuwa at the same time nakakatawa. Kasi naman, maalis mo ba sa mga bata ang magkulitan at magtawanan habang nagta-trabaho o gumagawa ng kahit na anong school works kahit project na sobrang nakaka-stress, eh humahalakhak pa rin kayo (Ehem. Relate ang iba dyan).

Grade 8:
Yung grade na 2nd day o kaya naman eh 3rd day nyo palang, sobrang stress at ngarag ka na. Kasi naman...wala lang. Baka sabihin nagrereklamo ako kahit hindi naman. Masaya kaya. Sobrang saya. Yung tipong 'pag nagpa-assignment ang isa, yung iba magpapa-assignment din. Oh,diba? Sabay-sabay. San ka pa? Dito na. Tapos kapag walang assignment sa isang subject, wala ring assignment sa ibang subject. Oh,ha? Isn't it amazing? (Amazing). Isn't it.... ewan ko na kung anong sunod dun. Basta hanggang dyan lang ang Grade 8. Grade 8 lang ako eh. Tsaka kaka-start lang ng school year namin.

Hanggang dyan na lamang at sa susunod muli. If ever may susunod pa.


Posted via Blogaway

No comments:

Post a Comment