Monday, August 25, 2014

I Wish

I Wish

R/N:
(Ehem. Ibig sabihin po nyan ay Roda's Note. Sa wattpad po kasi may Author's Note, so dito po sa blog ko, may Roda's Note. Okay? Okay.)
This story is brought to you by.....................me. Hahaha. This story is based on the song I Wish by One Direction. Medyo pang-wattpad din ang dating nya. Hindi po ito true to life pero pwede ding maging true to life. Ano daw? Ay ewan. BASA!
End of R/N

Yehey! Monday na naman. Makikita ko ulit sya :D Ako si Mark James Perez, tapat na umiibig kay Janelle Mendez, ang pinakamayaman, pinakamaganda, at pinakamatalino sa buong university. Ako ay 20 years old, sya naman ay 21 years old. Eto na. Nasa school na 'ko. At papunta na sa tambayan ng barkada namin.

Nicole: Good morning, lover boy! Ay este, good morning, Mark.

Mark: *poker face* Anong good sa morning kung ikaw ang babati sa 'kin?

Nicole: *pouting* Hmmmp! Ang bad naman.

Art: Brad! Walang ganyanan. Inaaway mo babes ko eh.

Nicole: Huy! Anong babes? Di naman kita jowa ah.

John: Hahaha. Hopia pa rin si Arsenio. Parang si Mark lang.

Art: Pssst. Huy! Walang buuan ng pangalan. Ang sagwa pakinggan eh.

Natahimik nalang ako. Totoo naman na hopia lang ako kay Janelle. Best friends nga kami, pero hanggang dun nalang yun. Paano, yung mahal ko, may ibang mahal. Sa'kin pa nga nagku-kwento pag kinikilig eh. Saklap diba? Laslas na friends.

Marimar: Oh ayan. Tulaley na naman ang lolo nyo. Tigilan nyo na nga yan.

Tumigil naman sila kakaasar sa 'kin.

Mark: Finally tumigil din kayo. Salamat Marimar ha. At bilang pasasalamat, tatawagin ko si Pulgoso para sayo.

Marimar: Ang bait mo talagang kaibigan. Nagpasalamat nga, nang-asar naman.

John: Guys, parating na ang "Love of My Life" ni Mark.

Nagtinginan naman kami kung saan nakatingin si John. Well, sila lang pala. Tinakpan lang naman ni Art ang mata ko at pinipigilan akong lumingon.

Mark: Huy. Isa. Pag di mo 'to tinanggal hindi kita tutulungan kay Nicole. Dalawa.

Art: Tatlo. Wag kang shunga fre. Marunong din akong magbilang. Simula kinder classmates na tayo.

???: Hi, guys!

Teka, boses ni Janelle yun ah. Pilit kong inililingon yung mukha ko pero malakas si Art eh.

???: Hi.

Boses lalaki. Medyo pamilyar pero hindi ko matandaan kung sino eh. Parang nahihiya siya.

Janelle: Eto nga pala si asdfghjkl.

Ano? Ano daw pangalan? Siraulo naman kasi tong si Art. Biglang tinakpan ng madiin yung tenga ko.

John: Elle, kilala namin sya. Ipinakilala pa nga sya ni Mark sa 'yo eh.

Sino daw ipinakilala ko?

Janelle: Boyfriend ko.

Narinig ko yun. Medyo lumuwag kasi yung pagkakatakip ni Art sa tenga ko eh.

Art: Ayyy! May kailangan pala kaming gawin nina pareng Mark at pareng John. Next time nalang ha? See you later!

At hinila ako ng dalawa palayo sa kanila. Pagdating sa playground...

John: Pare... sige lang iiyak mo lang.

Pesteng mga luha! Ayaw magpapigil. Sino ba kasi yung boyfriend?

Mark: S-sino yung...yung b-boyfriend?

Art: Si Jerico.

Si Eric. Ipinakilala ko sya kay Janelle. Hindi ko naman alam na may gusto sya kay Elle eh. Simula nung nagkakilala sila, lumayo ang loob ni Elle sa 'min.

Mark: *pahid luha* Okay lang yan. Tara. Magri-ring na yung bell. Baka ma-late tayo.

Nagsimula na 'kong maglakad. Tumutulo pa rin yung laway, este, luha ko. Alam kong nakatingin lang yung dalawa sa 'kin. Simula bata palang kami nandyan na yang dalawa para sa 'kin. First crush at first love ko kasi si Elle. Hindi ko pa nga sinusubukang manligaw, wala na agad pag-asa.

Art: Brad! Pare, boyfriend palang naman eh. Hindi pa kasal. May pag-asa pa. Aminin mo na.

Mark: Masaya na sya.

<<<FAST FORWARD>>>
Uwian. Sa tambayan namin...

Marimar: Oh? Anyare? Ngayon palang ba ang Mahal na Araw para kay Mark?

Nicole: Oo nga. Pang-Biyernes Santo ang aura eh.

Art: Alam nyo naman kung bakit diba?

Nicole: Tigilan ang pag-emote. Mag-jowa palang. Hindi pa kasal pre.

Marimar: Try mong aminin. Kesa mapuno ka ng 'What if's' in the future.

Mark: Dapat hindi ko nalang bi-nest friend. Baka sakaling mas may pag-asa. Ang hirap. Sobrang close namin pero wala eh. Akala ko pwede, nun pala hindi.

John: Sino ba nagsabing hindi pwede? Ikaw lang ah. Aaminin mo lang naman. Depende na kay Elle kung anong gagawin nya. Hindi mo naman sya papipiliin between you and Eric.

Art: Try mong alukin ng date. Sabihin mo 'friendly date' lang. Tapos aminin mo.

Nicole: Oo nga. Hindi naman pagbabawalan makipag-date ni Eric si Elle. Mabait naman si Eric.

Mark: *sigh* I don't know.

Marimar: Tinanong kami ni Elle kanina kung galit ka. Hindi mo daw kasi siya nililingon eh.

Binatukan ko naman si Art.

Mark: Pano ko lilingon? Pinipigilan ni Art yung ulo ko. Tinakpan pa yung mata ko.

Art: Alam ko kasing mas masasaktan ka pag nakita mo yung kanina. Holding hands, yakap sa braso, hawak sa pisngi. Oh diba?

Mark: Let's just go home.

Yan ang naging takbo ng last month namin sa 4th year college. Tuwing malapit sina Elle at Eric, agad akong hihilahin palayo nung apat. Hanggang sa dumating ang graduation. Nalaman ko na nai-fixed marriage pala yung dalawa kaya nag-transfer sa school namin si Eric. Hanggang sa nag-effort ng nag-effort si Eric para makuha ang loob ni Elle.

May kanya-kanya na kaming trabaho ngayon. Pero naglalaan kaming lima ng oras para makapag-bonding. Hindi man gaya noon na kasama si Elle, masaya parin naman kami. Lumulungkot lang pag nasasali sa usapan si Elle.

Marimar: Pano nga kaya no? Kung umamin yung isa jan na may gusto sya kay Elle?

Mark: Hanggang ngayon yun pa rin ba ang issue?

John: Doc Mark, alam namin na masakit parin for you yung nangyari last year.

Art: Doktor ka. Maraming sakit na ang na-cure mo. Pero yung sakit jan sa puso mo, kelan mo mapapagaling?

Minsan talaga may sense na kausap tong mga to eh. At etong si Art, napasagot din si Nicole.

Mark: Makakapag-move on din ako. Makakalimutan ko rin yun.

Nicole: Hindi mo kailangang kalimutan yun for you to move on. Let the past serve as a lesson for you. Na wag maging duwag at torpe at sabihin ang nararamdaman.

Mark: Oo na. Oo na. Uwi na tayo.

Pagdating sa bahay sinalubong ako ng dad ko.

Dad: Here. Invitation yan sa kasal ng anak ng kumpare ko. Next month yan. You need to attend.

Umakyat ako sa kwarto atsaka in-open yung invitation.

Janelle Mendez and Jerico Lopez Wedding

You are invited to blah blah blah. Whatever. Gets ko na.

<<<FAST FORWARD>>>
Nakatayo ako ngayon sa may altar at hinihintay dumating ang bride. At bumubulong sa'kin ang groomsmen.

John: Pre. Congratulations. Hindi ko inakala na mangyayari to.

Art: Handa ka na bang makita ang bride? At saka, gwapo mo dyan sa Americana mo ah. Ba't hindi ka nag-barong?

Mark: Kayong dalawa manahimik kayo ah. Ayan na bubukas na yung pintuan papasok na yung bride.

Ang ganda niya. Naiiyak ako. Hindi ko in-expect na mangyayari to sa buhay ko. She's the most beautiful bride I've ever seen.

John: Ang perfect sana nung moment. Kung ikaw sana ang groom, at si Eric ay isa sa groomsmen. Kaso, kabaligtaran eh.

Oo nga. Isa lang pala 'ko sa groomsmen. Hindi ako ang groom niya, and I will never be. Masaya na sya. Hindi man ako ang dahilan ng mga ngiti sa labi nya ngayon, I can still make her happy by being her bestfriend. Masaklap. Tama sila. Napuno ako ng 'What if's'. Pero, some things are better left unsaid. Para hindi tayo makagulo. Naniniwala parin ako na we're meant for each other, yung nga lang, we're not meant to be together. Hindi man ako masaya para sa sarili ko, masaya naman ako para sa'yo. I know it won't be the last time that I'll tell myself that 'I love you', but it would be the last time I'll tell myself, 'How I wish that was me'. How I wish ako yung groom mo. How I wish pareho tayong mag-a-I do in front of the altar. How I wish sa'kin iaabot ng parents mo yang kamay mo. How I wish ako ang sasabihan nila ng "Congratulations. Take care of our daughter'. Pero hindi. Hanggang wish nalang yung mga yun at kailanman hindi na matutupad.

Priest: I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride.

Congratulations, Elle and Eric. Best wishes.

End....

Disclaimer:
I do not own any of the characters in this story. Gawa-gawa ko lang po yung names nila.


Posted via Blogaway

No comments:

Post a Comment