Monday, August 25, 2014

BANAT

BANAT

Hay nako. Monday nanaman. Hindi ba pwedeng um-absent nalang? Tutal tapos na ang exams. Graduation naman na next week. Hindi ba pwedeng magpahinga ng mas matagal kesa weekends?

Jean: Oh, andito na ang Banat Queen. Good morning, Yce.

Jane: Good morning, Bryce.

Buti pa 'tong kambal na 'to. Everyday happy. Lagi ko nga silang kasama, hindi naman ako nahawaan ng pagka-masayahin nila.

Ako: Psh. Walang good sa morning ko.

At nanatili nalang akong tahimik sa upuan ko. Habang nagbubulungan naman yung dalawa, na naririnig ko rin naman.

Jane: Anyare dun, ate?

Jean: Wag mo 'kong ma-ate ate ha? Isang minuto lang ang tanda ko sayo.

Jane: Mas matanda ka pa rin kesa akin. Diba sabi ni mama, dapat respetuhin ang mas nakatatanda?

Jean: Payn. Wat eber yu sey. Bakit malungkot si Yce?

Jane: Yan yung tanong ko sayo ah? Baka naihi sa palda nya?

Jean: Oo nga noh? Tapos wala syang dalang extra skirt. Tsk tsk. Saklap nga nun.

Jane: O, baka natagusan?

Jean: Halos pareho lang yun.

Jane: Di kaya. Malansa, kulay red. Oh, diba?

Jean: Sabagay. May tama ka dyan.

Peste tong kambal na 'to ah. Hindi ko nga alam kung bakit ko kinaibigan tong dalawang to eh. Hindi na 'ko bata para maihi sa salawal. Last week lang rin ako nagkaroon. Ang problema kasi, si Crush. Porke, gwapo, varsity, matalino, mayaman, gwapo, macho, gwapo...ayyy teka...naulit ng tatlong beses yung gwapo, ayun habulin ng mga babae.

Jane: Ay! Knows ko na ang problem ni ateng. Si Cruuush! :D

At kinilig pa sya nung banggitin nya yung 'Crush'. Tsss

Jean: Ayun! Kaya naman pala tulaley ang beauty mo. Anong problema? Seatmates naman kayo ah?

Jane: Yun na nga eh. Seatmates sila pero ang attention ng fafa eh nasa iba.

Jean: Ah. So close and so far ang peg.

Jane: Hay nako ate. Mas matalino talaga 'ko sayo. 'So close YET so far' kasi yun.

Jean: Oh? Pinagkaiba ng 'yet' at 'and'?

Jane: Gosh ate! 4th year college ka na yet you still don't know what those words mean?

Jean: Naks! Dumugo ilong ko dun ah. Oh sige, anong pinagkaiba nila, aber?

Jane: Oh my god! O-oh my gooood. My go----spelling and pronunciation! Duhhh!

Sarap pag-untugin nitong dalawang 'to. Baka gusto nilang ma-Vhong Navarro.

Jean: Payn. Wateberyusey. Ano nga ulit yung problema ni Yce?

Jane: Si Zayn Johnford Angeles a.k.a Crush.

Jean: Ah. Madali lang yan. Try mong bigyan ng mga banat mo, baka ma-inlove din sayo, girl.

Jane: Ang problema nga, pinapansin ba sya?

KRRRRIIIING

Salamat at nag-ring na rin ang bell. Teka...wala pa si Crush. Absent siguro. For the first time ha?

???: I'm sorry, I'm late.

Ma'am: It's okay, Mr. Angeles. Please take your seat.

At umupo na sa tabi ko si Zayn. Alam kong nagtitinginan nanaman ang mga classmates kong girls. Ha! Haha! Mamatay sila sa inggit dahil katabi ko ang Campus Crush.

Ma'am: At dahil wala na kayong kailangang gawin,

Ako: *pabulong* Buti alam nyang wala ng kailangang gawin, bakit pa tayo nandito?

Zayn: *pabulong din* Hahaha. Tamad ka talaga forever, Ms. Padilla.

Ehmeged. Kinausap ako ni Crush. Kenekeleg eke!

Ma'am: We will play a game.

Class: Yeeeessss!!

Ako: 4th year college, maglalaro? Ano kami bata?

Ma'am: Ms. Padilla, wag ka munang mag-react. Hindi mo pa alam kung ano yung game, and I'm sure ikatutuwa mo 'to. Pick-up lines. Ang pair nyo ay ang seatmate nyo since girl-boy naman ang seating arrangement. I'll give you 5 minutes to prepare.

Nagbibiro ba si Ma'am? 5 minutes?! Dyusmiyo, Marimar! Ang bilis nun ah!

Zayn: Baka gusto mong mag-prepare? 3 minutes nalang.

Ako: Hindi ko kelangang mag-prepare. Banat Queen ho ako.

Eeehhh! Siguro kung mag-isa lang ako ngayon, nagti-tili na 'ko!

Ma'am: Time's up! Ang unang pair ay sina....Bryce Padilla and Zayn Johnford Angeles.

Tingnan mo nga naman! Sila una? Saklap! Laslas na friends! Ang hirap nyan. Kay malas-malas naman at sila ang una! Hahaha! Haha-ha-ha...ha? Ka-kami yun ah? Kami una? Naku naman!

Zayn: If you wanna stand already, just tell me.

Kanina pa pala sya nakatayo. Sarreh!

Zayn: Ladies first.

Ako: Pagod ka na ba? Araw gabi kasi takbo ka ng takbo sa isip ko eh.
Okay. Alam kong gasgas na pero...ganyan dapat ang simula.

Zayn: Buti hindi ka pinapagalitan ng parents mo dahil matagal ka nang hindi nakakauwi sa inyo? Matagal ka na kasing naninirahan sa puso ko eh *wink*

Pwede bang tumili kahit sampung segundo lang?

Ako: Medicine ang degree program mo diba? Pakitapat ang stethoscope sa puso ko...baka sakaling marinig mo ang matagal ng sinisigaw ng puso ko...ang pangalan mo! *smiles sweetly*

Wait...did I just see him blush? Ehmeged. Kilig mats.

Class: Wooohhh.

Chris: Akin ka nalang Yce!

Class: Shatap!

Zayn: Ganito nalang. Papipiliin kita...magmurahan tayo...or magmahalan tayo. So, anong gusto mo?

Ako: Alam mo, magaling ka. Hindi mo pa nga 'ko binabato, tinamaan na 'ko sayo.

Ma'am: Time's up!

Zayn: Wait lang ma'am. Ahhmm...Yce, pwede ka bang ligawan?

Class: Ahhhh! OMG!

Aiza: Ako nalang Zayn! Mas bagay tayo!

Ako: Bakit naman?

Zayn: Kase...love kita eh. Sooooo...pwede ba?

Ako: Sagutin mo muna tanong ko. Anong english ng aso?

Zayn: Dog.

Ako: Pusa?

Zayn: Cat.

Ako: Filipino ng I love you at pakiulit ang 'Tayo na ba?'.

Zayn: Mahal kita. Tayo na ba?

Ako: Mahal din kita at oo, tayo na. Boyfriend na kita.

Akalain mong dahil sa palaro ni Ma'am nalaman kong mahal din ako ng taong mahal ko? At akalain mong magkaka-lovelife ako?

Posted via Blogaway


Posted via Blogaway

No comments:

Post a Comment